Chapter 39

841 10 1
                                    

*Anna's POV*

nahiga ako sa kama ko. kinikilig parin ako sa nangyari kanina. alam niyo yung feeling na nagka moment kayo ng crush mo? ganun na ganun ang pakiramdam ko ngayon. hindi ko makalimutan ang moment na yun. kulang na nga lang na isulat ko yun sa diary eh!

pero wala akong diary no, ako yata si Anna Liu!

bigla kong nakita yung papel na binigay ng adviser ko sa akin. hay oo nga pala, ipapa sign ko pa to kay papa. buti na nga lang at wala si mama dito. sana naman hindi ako mapagalitan ni papa mamaya, jusko.

pumasok ako sa study room niya at nakita kong nagsusulat siya. hay, nakakawa naman si papa. stressed na stressed tapos heto ako ngayon na demote galing sa honor's class. napa sign of the cross ako at naglakad papunta sa kanya.

"dad." tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Angela, sit down." naalala ko talaga si santa clause kay papa. ang warm niya kasi eh, panu ba siya napunta sa isang snow queen-- este sa mama ko?

"dad may sasabihin ako sayo pero.. wag kang magagalit ah?" basang basa na ang palad ko. whew, medyo mainit ata dito sa study room ni papa ah?

"ano ba yun?" sabay inom ng kape niya.

"demoted po ako mula sa honor's class."

nasamid si papa. waaa! sabi na nga ba eh!!! "papa! okay lang po ba kayo??"

he nodded pero ubo parin siya ng ubo. "Angela naman. anong nangyari."

umiling lang ako. "ewan." 

tinanggal niya ang salamin niya. "Angela naman.. ano nalang ang sasabihin ng mama mo?"

"pa! wag mo na munang sabihin please?? promise pag graduate ko nasa honor's class na po ako ulit." 

tiningnan niya ako ng mabuti. "sigurado?"

i nodded. "opo. sige na, pirmahan mo na to."

"osige na. pero grounded ka ha."

agad namang pumasok sa isip ko ang carnival bukas. "pero pa--"

"no Angela. sige matulog ka na."

hay, sige kailangan ko na lamang harapin ang consequences. nahiga na ulit ako sa kama ko. hay, panu ko ba to sasabihin kay Anthonie? sasabihin ko ba talaga kay Anthonie?

teka, hindi naman siguro siya nag eexpect diba? -__________- baka mamaya ako lang yung nag eexpect, pssh. ako pa yung naghahabol. pero paano kapag umasa nga siya? mabuti pa't tawagan ko nalang muna sina Xena at sabihing hindi ako makakapunta, hay.

*Anthonie's POV*

busy kami nina Pete at Greg mag prepare. inaayos ang yabag na gitara, that kind of stuff. chineck ko ang cellphone ko pero walang tawag o text galing kay Angela. hindi ba talaga siya pupunta? hindi man lang siya nag text na hindi siya pupunta. kakaiba talaga ang babaeng yun.

tinawag na ang mga banda para sa introduction. tatlong banda lang ang maglalaban ngayong gabi. pilit kong hinahanap si Angela sa audience pero wala naman siya doon. sayang, dedicated pa naman sa kanya ang kanta ko ngayon. 

kami ang ikalawang bandang tutugtog. sumisilip parin ako sa audience pero hindi ko siya nakikita. nasan na ba ang babaeng yun? tinapik ako ng staff na kami na raw ang susunod na mag perperform. lumabas kami at nag hiyawan ang mga babae. pero ang hiyaw lang talaga ni Angela ang gusto kong marinig.

mahal na mahal ko parin siya kaya pilit kong makipag relasyon sa ibang babae para makalimutan ko siya pero mahal na mahal ko talaga siya eh. ewan ko ba kung anong meron sa kanya.

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon