Chapter 44

815 14 2
                                    

*Angela's POV*

maaga akong dumating ng school kahit labag sa kalooban ko, heller gusto ko pa pong matulog sa bahay! halos mga zombie ang mga studyante sa hallway, kabilang na ako doon. pero siyempre ako ata ang pinaka magandang zombie sa hallway.

nagkasalubong kami ng barkada pero no pansinan kami, kailangan parin namin mag inarte until sa retreat. kung hindi man siya bibigay, no choice kundi lakasan ang loob ko para maging kami ni Anthonie.

umupo muna ako sa may center ground. para siyang covered garden kung saan tumatambay ang mga studyante. may mga upuan doon at lamesa at isang fountain sa gitna. naupo muna ako sa isang upuan sa tabi, medyo maingay ang mga studyante kasi nga nag "mini reunion" sila. as if naman hindi sila gumigimik nung christmas vacation psh.

ginawa ko muna ang assignment ko sa physics. kailangan ko pang maibalik ang pwesto ko sa honor's class, ngayon pa naman ako magsisimula sa aking new room. sigh.

two numbers nalang ako at matatapos na ako nang may biglang tumaklob sa mga mata ko gamit ang isang kamay at yung isa kinikiliti ako sa tagiliran ko. yeee! ayaw na ayaw ko talagang kinikiliti sa tagiliran, diyan ang kiliti ko eh!

"anthonie! tama na!" sigaw ko. at agad namang nawala ang kamay sa mga mata ko.

ooops.

nakatayo si chris sa likod ko na mukhang nasaktan sa sinabi ko. well, dapat lang. hindi nakakalahati ang sakit na ginawa niya sa akin. 

oops control angel, baka mamaya mapansin niya.

"uy babe, andito ka na pala." tumayo ako at hinalikan ako sa pisngi ko.

"anong tinawag mo sa akin?"

napalunok ako. nagsimula nang mamawis ang mga palad ko, shit anong sasabihin ko? hindi pa naman ako ganyan ka galing pag dating sa pag sisinungaling. 

natawa ako. "anthonie. habang wala ka lagi niya akong iniinis eh."

napansin kong naging fists ang mga kamay niya. oh shit, panu ko ba papakalmahin to? biglang may naisipakong idea pero alam kong magagalit si anthonie sa akin. bahala na nga, para sa kanya na naman to eh, plus known as couple naman kami eh kaya choks lang.

lumapit ako sa kanya at hinalikan ang kanyang labi. ilang segundo lang naramdaman kong nawala na ang galit niya kasi pinulupot niya ang mga kamay niya sa waist ko. medyo umaasa akong magka spark man lang paghalik niya sa akin pero.. wala eh. gusto ko sanag pakawalan nalamang si anthonie at hindi nag hihirap na ganito gaya ko.

tinulak ko nang konti si chris, medyo naiilang na ako. ang dami na kasing nakatingin sa amin. pero nanlamig ako nang makita kami ni anthonie. sinundan ni chris ang tingin ko at napa smirk naman siya kay anthonie. hinila ako palabas ni chris sa loob ng school.

hays kainis naman oh, ba't pa ba siya magagalit? eh wala naman akong feelings kay chris eh! kinamumuhian ko nga tong lalakeng to. ang tagal pa ng retreat leshe.

sa sobrang pag iisip ko di ko napansin kung asan ako dinala ni chris. nasa may likod na pala kami ng school at mukhang hinihila ako ni chris papunta doon sa loob ng sirang school bus. napansin kong mahigpit ang hawak ni chris sa kamay ko. bigla naman akong kinilabutan, anong gagawin namin dito!?

bigla niya akong tinulak paupo sa upuan, yung nasa dulo ng bus. nakita kong may lust sa mga mata ni chris at napalunok naman ako. jusko hindi pa Po ako handa para dito, at plano kong ibigay to kay anthonie!

ay? nasabi ko ba talaga yun?

erase erase erase! mamaya mo na nga yan isipin angel!

bigla naman siyang umupo sa tabi ko at inilapit niya ang mukha niya sa akin. shit ang bilis ng tibok ng puso ko. ano bang gagawin ko!? ayoko nang mahalikan pa ulit ni chris! mag isip ka angela, isa kang honor student! wag kang padadala sa pressure!

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon