Chapter 45

850 10 1
                                    

HANGKYUUUUUUT!!!!! >>>

retreat day:

wooo! retreat na sa wakas. 2 days lang ang aming retreat and whole batch namin ang pupunta. dahil mabait ang admin ng school namin pinaygan kaming mag dala ng gadgets pero hindi raw nila kasalanan kung mawawala daw yun. woo hoo!

pero hindi lang dahil diyan bakit excited ako, eh ito na yung araw na ibubuking namin si chris! planado na namin ang lahat at sobrang excited na kami. katabi ko sina xena at mandy. siyempre kailangan parin namin mag sama. pero mag seseparate lang naman din kami pag dating sa bus.

umupo muna kami nina xena sa bench malapit sa bus namin. marami kasing late. supposedly 7:30 aalis na kami ng school pero nag 8 nalang andito parin kami. ang filipino time nga naman =.= chika chika lang kami hanggang sa dumating na si anthonie. at grabe ang gwapo niya talaga *.*

naka white v-neck siya tapos jeans black shoes tapos dala niya ang kanyang leather jacket. tapos ang ganda pa tingan sa kanya ang kanyang silver necklace na may cross pati yung bigay kong earring sa kanya. 

para talaga siyang bad boy *.*

"huy laway mo." sabi ni mandy.

natawa naman si anthonie nang marinig niya ang sabi ni mandy. err ang gwapo niya pag tumatawa! pero ang cool sa kanya kapag suplado siya.

"tss mandy naman! nakakahiya ka."

"ang swerte mo talaga kay anthonie angel." sabi ni xena. "balita ko hindi pa siya nagkakaganito sa ibang babae."

"i'm sure kayo na talaga forever." sabi ni mandy sabay kiliti sa aking tagiliran.

tinitigan ko siya ulit. tinutulungan niya ang teacher namin na ipasok ang ilang kahon para sa retreat. siya na ba talaga forever? naiimagine ko nga ang sarili ko kasama siya sa isang bahay. ako inaalagaan si baby tapos siya naman naghahanda ng pangdede para kay baby.

"baby, heto na ang dede." sabi ni anthonie sabay bigay kay baby.

"tss. nilinisan mo ba yan ng maayos?" tanong ko. of course ako yung magiging mommy na hands on. pero di naman to the point na masasakal ang anak ko!

"oo no, to naman nagka baby lang daig pa ang detective kung maka tanong." sabi ni anthonie. 

nilagay ko na si baby sa crib tapos tinitigan ko siya. kamukhan kamukha niya talaga si anthonie. nabigla naman ako nang niyakap ako ni anthonie mula sa likod ko at hinalikan niya ako sa magkabilang pisngi ko tapos pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

tinitigan lang namin si baby hanggang sa nakatulog na siya. 

"dali baby ko, sundan na natin si baby."

"psh sira ka talaga. alis na nga, magluluto pa ako ng hapunan."

bigla niya akong kinarga na parang pang kasal tapos dinala niya ako sa kwarto namin tapos--

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon