Chapter 17

1.2K 16 0
                                    

*Anthonie's POV*

Akala niyo ba na matapos kong mag soccer eh sumunod ako sa Jeju island? Mali kayo. Hindi yun ang nangyari. Dahil kasi sa buwiset na Christian na yan. Mangaagaw ng girl friend. Nag away nga lang kami ni Angel, nakahanap ng agad ng tiyempo.

*flashback*

Nag drive ako pauwi galing sa soccer field. Alam kong masyadong oa ito at hindi ako makapag hintay na umuwi si Angel para makapag ayos kami pero gusto kong magka ayos na kami ngayon din. Hindi ako makakatulog ng maayos niyan. Paano kapag may makilala siyang lalake doon ha!? Hindi ko kaya yun! Buwiset naman kasi yung babaeng dumikit sa akin sa club. Isa yun sa mga stalkers ko. Nasundan siguro kami doon sa club at bigla nalang idinikit ang sarili sa akin at nakipag halikan. Wrong timing naman kasi bigla nalang pumunta si Angel sa dance floor para yayain akong sumayaw at nakita niya kami. 

Hinawakan ko ang pisngi ko. Masakit pa to, ang lakas naman kasing manampal nito ni Angel. Para pa naman siyang babaeng hindi man lang makabasag pinggan pero ang laki ng damage na nagawa niya ah!

Lalo na sa puso ko.

Nagiging cheesy na ako ngayon ah! Ayaw na ayaw ko panaman sa mga lalakeng cheesy, at heto ako mas masahol pa sa cheddar cheese.

Nag park ako sa labas. Hindi na ako makapag antay na buksan ng katulong ang gate. Agad na akong umakyat papasok at tumakbo papunta sa front door ng matigil ako sa pag takbo. Nakita ko ang papa ko na naka akbay kay Christian at nagtatawanan sila. Kahit kailan gustong gusto ni papa ang pinsan kong si Christian. Matalino, mabait, gentleman, gwapo. Nasa kanya na raw ang lahat ng ginusto niya na dapat mapasa akin pero hindi ko makuha kuha. Mula pagka bata, Michael made me realize how much he preferred Christian over me. Alam niyo ba kung gaano yun kasakit? Naramdaman kong nanginginig sa galit ang kamay ko. Nakita ako ni Christian at nag evil smile ito sa akin.

"O sige po, mauna na ako." Sabay tapik sa balikat ni Christian kay Michael. Nilagpasan ako nito, ni hindi man lang ako pinansin. Ang hangin ng lalakeng yun.

Nang umalis na si Christian, tiningnan ako ni Michael. bigla nalang nag laho ang ngiti mula sa kanyang labi. ang sarap pag uumpugin ng ulo ni Christian at ng papa ko. naglakad ako at hindi siya pinansin pero pinigilan niya ako. tinulak niya ako papalayo.

"San ka pupunta?"

Tumayo ako at tiningnan siya ng masama. "Anong paki mo?"

"Anak kita. I care-"

"You don't care about me!" Sigaw ko.

"Hindi mo ako pinatapos ng salita. Anak kita and I care for what you spend kasi pero ko yun." He said coldly.

Kinuha ko ang pitaka ko at itinapon ito sa kanya. Tinamaan siya sa dibdib at nahulog ito. "O ayan. lamunin mo ang pera mo."

Sinuntok niya ako. "Wag na wag mo akong pagsasalitaan ng ganyan."

Tumayo ako at tumakbo papasok ng bahay namin. Ba't ba kasi nasa second floor pa ang bahay namin at kinakailangan ko pang akyatin tong grand staircase na napaka haba!? Tumakbo ako papasok ng kwarto ko at kinuha ang backpack ko at nilagay ang mga damit ko. Ano to, palabas na didiretso nalang ako sa airport na wala man lang gamit na dala!?

Bumukas ang pinto ko at nakita ko ang papa ko na may kasamang mga lalake.

"You are not going after that girl."

Napatingin ako sa kanya. "Who told you!?"

"Wag na wag mong pupuntahan ang Angela Liu na yun sa Jeju island or else." Mahigpit niyang sinabi pero patuloy ako sa pag impake ng biglang sinirado ni Michael ang pintuan. Tumakbo ako papunta sa pintuan at pinag sasapak ang pintuan.

"Palabasin niyo ako!" Sigaw ko.

"You are only to get out of this room on school Monday next week."

"Pero Mi-"

"Wag ka ng umangal. Wala naman ding magagawa ang mga angal mo." At narinig ko ang mga yapak nila papalayo. 

BUWISET! Kinuha ko yung lampara at tinapon ito sa pintuan at nabasag ito. Kinuha ko ang pinggan na may pizza at tinapon din ito. Sinuntok ko ang salamin ng ilang beses hanggang sa nahulog na ang salamin sa sahig. Sinipa ko ang desk at napansin kong umiilaw ang cellphone ko. Kinuha ko at malapit kong matapon ang cellphone ko nung nakita ko kung sino ang tumatawag.

"PUNYETA KA!" Sigaw ko.

"Relax brad. All I want is time with Angel. You see, mahal na mahal ko siya kahit noong nerd pa siya."

"Wala akong pake sayo! Girl friend ko na siya!"

"Sorry brad. Baka ma turn off siya sayo. Alis na ako, papaalis na din ang eroplano eh. Toot toot toot."

Nagbasag pa ako at nagbasag pa ng gamit.

*Angel's POV*

Inuwi ako ni Christian sa cabin namin pagkabukas. Ma'am Santos sighed with relief nung nakita niya ako at niyakap ako. Sabi niya proud daw siya sa akin dahil sa mga nakunan kong mga litrato. 

Papauwi na din kami ng Pilipinas ngayon. Siyempre hindi ko nakalimutan bumili ng mga souvenirs para kina Gem. Binilhan ko si Gem at Pete ng couple shirt. Kay Christian naman key chain at kay Anthonie at Charles naman ay stuff toy na monkey. Pareho kasi silang importante sa akin. 

Pero importante parin ba ako kay Anthonie?

Tinanggal ko sa isipan yun. Ba't ba ako ang namromroblema!? Ako ba ang may kasalanan sa kanya!? Nung nakarating na ako sa bahay nagulat naman ako ng makita ko ang ilan sa mga batchmates ko, pati na rin yung mga nakasama ko sa Jeju island.

"Welcome home guys!"

Kung makapag paparty itong si Gem, kala mo ilang taon kaming nawala. Tumawa ako at niyakap si Gem. Since wala namang klase bukas eh pinatulog ko na si Gem dito. Wala naman din kasi ang mga magulang ko. As always. I walked around the house, while yung mga friends ko were hugging me and greeting me welcome home. Hindi ko nakita si Anthonie pero baka marami lang talagang tao sa bahay namin. The party lasted for five hours. By eleven nagsiuwian na ang mga bisita ko.

Nung kami nalang nina Charles ang naiwan, bingay ko na sa kanila ang mga pasalubong ko. Siyempre tuwang tuwa si Charles sa binigay ko. Ang mahal mahal pa naman nun, tas dalawa pa yung binil ko.

"Para kanino ba yang isang stuff toy?" 

Kinuha ko to at pinasok sa supot. "Wala. Akin to."

She smiled knowingly and poked me. "Para ba yan kay Anthonie?"

"Hindi no!"

"Uuuuy! Mahal mo na ba siya?"

"Galit pa ako sa kanya no."

"Eh diba pinuntahan ka niya sa Jeju??" Nagsalubong ang kilay niya.

"Ha? Ano bang sinasabi mo diyan? Si Christian yung tumulong sakin no. Alam mo ba tinulungan niya ako? Nawala kasi ako sa gubat." Ngumiti ako.

"HA!? NAWALA KA SA GUBAT!?"

"Oo! Pero alam mo best, ang saya ko kasi for the first time ang litratong kinuha ko ay nasa front page!"

"Talaga!?" And we both hugged "Congrats best! Pero teka lang, hindi talaga pumunta ng jeju si Anthonie?'

"Hindi nga, ba't ba tanong ka ng tanong?"

"Kasi sabi niya susundan ka daw niya dun."

"Sinungaling" I rolled my eyes. 

"Pano kung nawala siya dun sa gubat gaya mo!?"

"ANO BA GEM! Matulog na nga tayo." 

Siguro dalawang oras na akong naka titig sa kawalan. Totoo kaya yung sinabi ni Gem? Pano kung nawala nga siya sa gubat? Pano na ako? 

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon