Chapter 15

1.1K 21 0
                                    

Angel at jeju island >>> 

*Gem's POV*

I think para kay Anthonie and Angel, it was the worst night of they're lives. Two weeks na silang hindi nagkakausap. Wala naman ding nagagawa si Anthonie kasi ayaw siyang pakinggan ni Angel. I can't blame Angel, ang sama naman kasi din ng ginawa ni Anthonie.

*flashback 2 weeks ago*

Late kami dumating ni Pete. Siyempre, may date kami before eh! hihihi. 

So yun nga, late kami dumating ng bar ni Pete, at pag pasok namin ang lively pa ng atmosphere! Nandun si Christian, Anthonie and Angel. Mukhang nagustohan naman din ni Anthonie ang bagong image ni Angel kasi sa sobrang close nila kulang nalang maging conjoined twins na sila!

Uminom na din sila, pero parang hindi pa sila tinatamaan. Sumayaw pa nga sila ng "Please Don't Go" by Mike Posner. Ang cute talaga nila tingan! I never expected na magugustohan ni Angel si Anthonie. Hindi kasi siya yung type ng babae na mahilig makipag boyfriend.

When you least expect it, love happens.

Napagod na rin maya-maya si Angel kaya umupo nalang siya sa tabi ko. Ang baho na niya! First time ko siyang makitang uminom. Ang weird tingan kasi inosente ang mukha niya, yung tipong hindi umiinom. Maya maya sumayaw nanaman ulit si Angel at Anthonie. Ayaw naming sumayaw ni Pete. Nag usap nalang kami tatlo nila Christian. 

Nagulat nalang kami ng may babaeng nagwala sa gitna ng mga tao sumasayaw. Nakita ko si Angel na inaawat ng mga lalake. Shit! Nasan ba si Anthonie at hinayaan niya si Angel na magwala ng ganito?? Lumapit kami nina Pete at Christian para makita kung sino yung kaaway niya.

Anthonie?

At may babae pa siyang hinawakan sa kamay. Hindi ko narinig ang sinasabi ni Angel kasi ang ingay ng bg music pero bigla niya nalang sinampal si Anthonie. Bigla nalang tumakbo palabas si Angel. Susundan ko na sana siya pero pinigilan ako ni Pete. Tumakbo palabas si Christian. 

Pagka bukas ang laki ng eyebags ni Angel tapos mugto pa yung mga mata niya. Hindi ko alam anong sinabi ni Christian but it didn't help her. Hindi na nga sumasabay si Angel during lunch at umuuwi na diretso sa bahay after school. Si Anthonie naman absent. Mga ilang araw na din. pero kapag tinatanong namin si Angel kung anong nangyari pero ngumingiti lang siya. She looked so fragile, na para bang ligaw na bata! 

Monday pumasok na si Anthonie pero back to his old self na siya. Nag padagdag pa to ng piercing sa tenga. Nag susuot pa siya ng bonnet. Ang bad boy niya talaga tingan. Yung ibang babaeng kaklase namin nagkakandarapa sa kanya. Pinalilibutan pa nga siya sa caf pero wala namang paki si Angel. Hindi ko na talaga na kaya. Hinila ko si Angel papunta sa kanya. Mas pumayat pa ata siya. Nagtinginan ang mga babae sa amin at lumayo sa amin.

"Sabihin niyo nga saken. Ano ba talaga ang nangyayari at nagkakaganito kayo?" I demanded.

Hindi sila sumagot.

"Ano ba Angel! Best friend mo ko. You're supposed to tell me what's wrong!"

"Wala namang nangyari ah."

"Ikaw naman Anthonie, ano bang ginawa mo!?" 

Hindi siya umimik.

"Pesteng buhay naman to oh!"

"Chill best. Ganyan talaga ang buhay. Puno ito ng challenges. In the end I realized that boys will be boys." Then she walked out.

Tiningnan siya ni Anthonie. Tumayo siya at sinipa yung mesa. Tumalsik ito at nabasag ang pinggan. Agad siyang naglakad palayo. They left me hanging there! Buwiset.

Dismissal time, at nakita ko si Angel sa locker niya. Nilapitan ko siya agad.

"Best. Sasabihin mo ba sa akin ang nangyari o hindi??"

She took a deep breath. "Nakita ko kasing nagkikipag halikan siya dun sa isang babae."

I was shocked. "Seryoso ka ba? Did you even try listening to his side of the story?"

She smiled. "The sad thing is, hindi na kailangan. I know who Anthonie is. Hindi siya nakakatagal sa mga babae. He was never serious with me."

"Sabi ni Pete sa akin na first time daw ni Anthonie na magkakaganito." 

"Oh?" natawa siya. "Bahala siya. I need to go, I still need to pack some stuff."

"Ha? San ka pupunta?"

"Jeju island. One week lang naman. Para sa school paper, may conference kasi para sa mga photographers." Nakita kong may sugat siya sa wrist. Para bang... LASLAS!?

Hindi ko pinahalata na napansin ko. "Ah sige, mag ingat ka."

Hinalikan niya ako sa pisngi at umalis na. Hinanap ko si Anthonie around school pero hindi ko siya makita. Naisipan kong pumunta ng soccer field. Nandun nga siya, nag training mag isa. Napansin niya akong nakatingin at nag smile pero patuloy parin siya sa paglalaro. Hindi ko napigilan at lumapit sa kanya.

"Ano ka ba Anthonie. Why aren't you trying?"

"What's the use of trying if she wouldn't even listen to the side of my story." Gumawa siya ng malakas na penalty kick.

"Yan ang hirap sa inyong mga lalake eh, mabilis kayong sumuko. I know you're good Anthonie. alam ko may rason ka na gawin yun at alam ko na hindi mo kayang saktan si Angel. So why don't you just try? TRY!!! ALAM MO BANG SHE TRIED TO COMMIT SUICIDE!??" Hindi ko na mapigilang hindi sumigaw at umiyak.

Napatingin si Anthonie sa akin.

"What!?"

"Kailangan mo siyang sundan Anthonie. Aalis siya bukas papuntang Jeju island. What if she tries to commit suicide there? Hinding hindi talaga kita mapapatawad."

Bigla siyang tumakbo paalis ng soccer field.

That night I called Anthonie and Angel non stop pero hindi sila sumasagot. Kinakabahan na talaga ako. Angela, suicide? Seryoso ka ba!?

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon