Chapter 22

1K 18 7
                                    

*Angel's POV*

tinulungan ako ni Christian na makatayo. bigla namang nag init ang ulo ko nung nakita ko siya, naalala ko yung paghamon niya kay Anthonie ng suntukan. ang sarap niyang suntukin err.

"pwede wag muna?" hindi ko siya tinitignan sa mata.

"please?"

"umalis ka na sa harap ko Christian kung ayaw mong masuntok kita." ang weird, i am usually a non-violent person. ano bang nangyayari sa akin?

na sense niya na talaga siguro na galit ako kaya lumayo siya sa akin at nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. tumigil ako sa labas at inantay ang aking driver. umupo ako sa stairs. ewan ko ba bakit pero parang naguilty ako sa ginawa ko. dapat pinagbigyan ko nalamang siyang mag explain.

err ang tagal ng driver ko, halos six na sa gabi. ayaw ko namang tawagan si Anthonie kasi alam kong pagod yun sa practice. 

maglalakad na nga lang ako -.-

medyo madilim na rin ang daan kahit may mga lamp posts. malamig din kasi above the knee ang uniform namin at white blouse na may ribbon na dark blue. di bale, five blocks nalang at makakahiga na rin ako sa beloved kama ko. 

shit.

may lalakeng tumutok sa akin ng kutsilyo. sumigaw ako ng malakas pero wala namang nakakarinig kasi walang dumadaan. i tried kicking him in his groin pero naninigas ako. waaa! dapat nagpasundo nalang ako kay Anthonie! 

pero ang weird kasi hindi siya nagsasalita, ni hindi niya hiningi ang bag ko -.-

nakakita ako ng sasakyan na nag park sa tabi namin. halos magtatalon ako sa saya nang makita ko si Christian palabas ng sasakyan at pinagsusuntok yung lalake na agad naman tumakbo papalayo. hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. niyakap ako ng mahigpit ni Christian.

"ano ba kasing problema mo at bakit ka naglalakad na mag-isa??"

hindi na ako nakapag salita at pumasok nalang sa sasakyan niya. tuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko at hinayaan lang ako ni Christian na umiyak. hindi ko alam kung asan kami pupunta pero ayoko pang umuwi. tumigil ang sasakyan at bumaba si Christian. pinagbuksan niya ako ng pintuan.

"tara na."

dinala niya pala ako sa Jollibee at nilibre ng dinner. nagiguilty tuloy ako ._.

"kapag malungkot ako, pumupunta ako dito para kumain." sabi niya.

"salamat Chris ha." sabay subo ng burger.

"aba't may nickname ka na ngayon sa akin ha." he smirked.

"masyadong mahaba ang pangalan mo."

"eh ang Anthonie hindi ba?" 

i didn't answer.

natawa siya. "masyado kang seryoso diyan, lighten up."

"sorry ha kung hindi kita pina explain." 

"kayo na ba ni Anthonie?" 

nabigla ako sa tanong niya. masyadong diretso, hindi ako sanay na ganito si Chris sa akin.

"ewan. he calls me his girlfriend pero he never courted me. hindi rin kami official kasi hindi niya ako tinanong."

"i won't give you up Anj." sabi niya.

tinignan ko siya sa mata niya and there was no hint of joke. ba't ba biglaang sumikip sa Jollibee?

"Chris.."

"you can't talk me out of this Anj, kukunin kita kay Anthonie."

tahimik lang kami ni Chris habang kumakain hanggan sa paghatid niya sa akin. kung ikokompara mo si Anthonie kay Chris, mas gusto ko si Chris. mas mabait, mas sweet, mas maasikaso. pero alam ko naman sa puso ko na kay Anthonie lamang ako sasaya. 

what if choosing Chris is healthier?

ano ba to, naguguluhan na ako >.< ba't parang ang tagal naming makarating sa bahay ko??

"Anj?" tinapik ako ni Chris.

 "what??"

"um.. nasa bahay niyo na tayo." 

sumilip ako sa bintana at nandoon sina papa, Charles, iilang pulis, si Anthonie, Blanche pati Pete. lahat sila malungkot at problemado ang mga mukha nila. bumaba agad ako ng sasakyan at niyakap si papa. tumulo ulit ang mga luha ko at naramdaman kong may humawak sa may thighs ko at nakita si Charles na niyakap ang legs ko. kinarga ko si Charles at niyakap ng mahigpit. naramdaman kong may tumapik sa balikat ko at nakita si Anthonie.

"pwede ako nanaman?"

binaba ko si Charles at niyakap siya ng mahigpit. biglaan ko nalang namiss ang yakap ni Anthonie.  biglang nanigas si Anthonie at hindi ko na kinailangan pang malaman kung bakit. 

naglakad papalapit si Chris sa amin at pinosisyon ako ni Anthonie na para siyang shield ko.

"wag ka nang magalit sa kanya, niligtas niya ako mula dun sa lalake." 

"anong lalake!?" biglang lumapit si papa sa akin.

"may lalake pong tumutok ng kutsilyo kay Anj." sabi ni Chris.

"WHAT!? and Angela, why were you walking alone at night??" sigaw ni papa.

"you could've called me." dagdag pa ni Anthonie.

"ang tagal po kasi ng driver kaya napilitan akong maglakad mag-isa sa daan." 

"my God Angela! ba't di ka tumawag ng taxi?"

"LOOK I DON'T KNOW ALRIGHT? I WAS TIRED AND I WAS PANICKING AND I HAD A REALLY BAD DAY." hindi ko na nakaya at sumagot na ako. hindi ko naman kasalanan na nangyari yun sa akin.

"tahan na." hinaplos ni Anthonie ang likod ko. patuloy parin ako sa pag iyak.

*Anthonie's POV*

umalis na ang mga pulis at pumasok na sa loob sina Angel. nakatayo lang kami nina Christian, hindi gumagalaw at tumitingin lang sa isa't isa.

"alam kong tao mo yung tumutok ng kutsilyo kay Angel." sabi ko.

"and so?" he smirked.

"hindi yan tatalab Christian."

"HOW WOULD YOU KNOW!? DI PA NGA KAYO!"

kumunot ang noo ko. "ano bang problema mo pare? Angel's mine and mine alone."

"look, business partners ang parents namin ni Angel."

"and?"

"madali lang kami mag back out at masisira ang buhay nina Angel."

"kaya kong buhayin si Angel!" aba gago to ah!

natawa siya. "papayag ba si tito?"

"you--!" susuntukin ko na sana siya pero pinigilan niya ang kamao ko. 

"gusto mo bang pumangit ang mukha ng magiging asawa ni Angela?" he smirked.

hindi ko na alam anong gagawin ko. i kneeled down at nagbow kay Christian. hindi ko na rin mapigilan ang pagluha ko. hindi ko kayang mawala si Angel. alam kong ang weak ko ngayon but Angel's all i got, di ko kayang mawala pa siya sa tabi ko.

"please?"

"i'll give you a month to say goodbye to her." 

[a/n: ang taray ni Christian! okay ba ang chappie?]

vote, COMMENT, be a fan :)

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon