Chapter 29

904 12 2
                                    

Maya >>>

*Angela's POV*

hindi ko parin naiintindihan ang pangyayari nung isang gabi.

totoo ba talaga yun? pakiramdam ko panaginip lang lahat ng yun. hindi ko alam kung anong iisipin ko. pero hindi ko mapigilan ang umasa.. umasa na mayroon parin siyang pagtingin sa akin. 

pero ayokong umasa! lalo't alam kong wala naman talaga eh. pwede bang isipin ko na mahal parin niya ako? hindi naman masama yun diba? 

eh pareha lang naman yun sa pag aasa eh =.=

ano ba naman tong love, nakakabobo!

"hoy babae, nakatunganga ka nanaman diyan." sabi ni Gem.

"h-ha? hindi no! wala lang talaga akong tulog."

"yeah right. so tell me, sino bang nagbigay niyang singsing mo?"

nakatingin na sa akin ang buong barkada. waaah! anong sasabihin ko?? obviously hindi ko naman pwedeng sabihin na galing kay Anthonie to. amp naman! ba't ba kasi nakalimutan kong tangalin to? ganyan na ba ako ka distracted?

"hoy you're idling." sabi ni Gem.

"um ano.." nakita ko si Chris sa isang table. di nanaman sumabay, busy mamaintain ang grades para di matanggal sa honor's class. "si Chris!"

"HUWATT!?" sabay nilang sinabi. as in! halos tumahimik ang whole caf, pati si Chris napatingin sa amin.

"sssh! ano ba, friendship ring lang to ano."

"oh my gosh! i knew it! may something nga sayo si Chris!" sabi ni Lee.

"eh tayo, kelan magkaka something??" sabi naman ni Greg.

binatukan siya ni Lee. "che!"

awww ang sweet nila!

"wow Greg, nagtapat ka na pala kay Lee?" gulat na tanong ni Pete.

"aba siyempre, ang sweet nga ng pagtatapat ko nun."

"heh! sweet ka diyan. binilhan mo lang naman ako ng kwek kwek sabay sabi ng 'will you be my girlfriend?'"

"ang sweet na kaya nun! baby naman."

"psh wag mo nga akong ma baby baby diyan, hindi kita mama!"

"then pwede ka ba maging mama ng mga anak ko?"

"GAHH!!!"

ang kulet naman nila. namimiss ko tuloy si Anthonie =.= nakita ko ulit si Chris, mabuti pa't sabihan ko na siya tungkol dito sa singsing, baka mamaya mabuko pa nila ako tsk!

"san ka pupunta Anj?"

"ah kay Chris."

"SUS. nafafall ka na no?"

"YIHEEEEEE!"

"sssh magtigil nga kayo!"

umupo naman ako sa tabi ni Chris. medyo nagulat pa nga siya eh, ang cute! nakita ko si Anthonie na nakaupo sa table namin. ba't ganyan siya? why does he always give me the wrong message? o baka ako ang nakaka misinterpret. baka naman bakla siya??

"ba't umasim naman ang mukha mo diyan?"

"ah wala no!" 

"ikaw talaga." sabay gulo ng buhok ko.

"um Chris, pwede maki ride ka nalang sa mga sinasabi ko? ano kasi.. sabi ko sa kanila na ikaw nagbigay nitong singsing. pero sinabi ko namang friendship ring lang yun eh! promise! wag ka sanang mailang."

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon