Chapter 2

2.3K 32 2
                                    

Anthonie >>>

*Anthonie's POV*

Pagkauwi ko ng bahay, dumeretso ako sa may living room. Like everyday, andun si Michael nagbabasa ng news paper. Si tita naman (yung bagong asawa niya) ay hinahaplos si Mitsy, yung Siamese cat niya. Kinakabahan naman ako. Inayos ko ang sarili ko at hinubad ang bonnet ko. Umayos ka Anthonie! Para naman to sayo. Para naman maka revenge ka sa pesteng babaeng yun.

You see, I've researched about her. Ang buong pangalan niya ay Angela Liu pero mas gusto niyang tinatawag siyang Angel. Siya ay sixteen years old at mag seseventeen pag dating ng June 3. Siya ay running for valedictorian sa school at wala pang nakakatalo sa kanya and i'm determined to bring her down!

Pagpasok ko napatingin silang dalawa sa akin. Alam kong anong nasa isip nila ngayon, pero for the first time baka maging proud pa sila sa akin. 

"Michael, tita." Sabi ko. Nagagalit si Michael  kapag hindi ako nag eenglish. Half american siya eh.

"Yes Anthonie?" tumingin si tita Julie sa akin.

"Can I ask something?"

"What?" Galit na tanong ni Michael. Chill lang, may kailangan ka sa kanya. Pagkatapos nito happy happy na ulit.

"Ano..."

"Be a man, for Crissakes. What is it?!" Sigaw ni Michael. Pinigilan naman siya ni tita Julie.

"Gusto kong lumipat sa honor's class." 

"wh-what?" tanong ni tita Julie. Shock na shock siya, buwiset! anong akala nila sa akin? wala ng alam sa buhay?

Natawa naman si Michael. "Sa tingin mo, pano naman yun mangyayari?" 

Naiyukom ko ang mga kamay ko. Ito ang ayaw ko sa papa ko, masayang masaya siya kapag ipinamumukha niya sa akin na kailangan ko ang pera niya. Oo sige aamin ko, kailangan ko nga ang lecheng pera niya. Masaya ba na ipina mumukha niya sa akin yon!?

Wag muna Anthonie. Huminahon ka na muna. Pinipigilan ni tita Julie si Michael. Kawawang babae. Siguro pag namatay din siya gaya ni mama next week na next week may iuuwi na siya sa bahay gaya ng ginawa niya kay mama. Nakakatuwa.

"Bayaran niyo ang school, gamit ang pero niyo." Tumingin si tita Julie sa akin na parang naawa. Alam niya kasing ma-pride kaming dalawa at ngayon iniisip niyang kawawa ako kasi wala akong magawa at magpakumbaba sa lalakeng to.

He smirked. "Sure, son."

*Angel's POV*

Buti naman at maaga akong nagising ngayon. 7:40 palang eh nandito na ako. I decided to just study Physics. Kagabi, I dreamt of Anthonie. Ewan ko bakit pero sa dream ko ay naka evil smile siya. Ang weird nga eh, o baka naman epekto lang yun ng galit ko. Napansin kong madami na palang estudyante sa classroom kasi dali-dali silang bumalik sa upuan nung pumasok ang principal.

"Good morning ma'am Montes." sabay-sabay naming sinabi. 

"Good morning. Ngayong araw ay magkakaroon kayo ng new classmate." Sabi niya. Napatingin ako kay Gem. Siya ang best friend ko. Maganda, mahaba ang buhok at mahilig sa lipstick. Mayaman din siya. Alam kong ano ang nasa isip niya, gusto niyang gwapo ang new student.

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon