Chapter 54

820 11 2
                                    

FEBRUARY 13 12am

ehh bukas na ang valentine's day. di ko parin matanggal sa isip ko yung hula. nakwento ko na naman yun kina lee pero sabi nila wag ko na raw sayangin ang oras kong mag alala. hula lang naman yun diba? parang warning.. pwede pang baguhin.

nahiga ako sa kama ko, naka tingin lang sa ceiling. alam mo ba yung pakiramdam ng kaba? ngayon kasi pakiramdam ko matapos ang kasiyahan ko may darating nanamang kamalasan. 

kung ganito man sana hindi nalang ako masaya lagi, para naman di na ako mag expect. bakit? hindi ba pwedeng lagi nalang masaya? kahit once lang Lord. i won't tell anyone, promise :(

"angel?" lumigon ako at nakita sina lee.

"oh?"

"para kang zombie." sabi ni gem.

i sighed. "di kasi matanggal sa isip ko yung hula eh. bukas na ang valentine's."

"si angela ba talaga yan?" tanong ni maya.

"oo nga.. siguro dapat iwan ka ulit ni anthonie para lumabas si anna."

"sira -.-"

"angel naman. hula lang yan, saka diba nga nag promise na sayo si anthonie na wala siyang gagawin? diba?" sabi ni lee.

i nodded. "pero kinakabahan parin ako -.-"

KRIIIIINNNNNNNNGGGGGGGG KRRRRRRRIIIIIIIIIIINNNNNNNNNGGGGGGGGGG!

pumasok na kami ng school. grabe, halos di ako makapag concentrate sa tests. binabasa ko nga ang mga tanong pero walang pumapasok sa utak ko. hindi ko nga napansin na ako nalang yung nag tatake ng test kaya pinasa ko nalang ang paper ko.

nung nag review quiz naka 2/20 lang ako. grabe ano bang nangyayari sa akin? si chris tinatanong ako kung okay lang ba ako, sabi ko masakit lang talaga ang ulo ko. dadalhin niya sana ako sa clinic pero sabi ko wag na. 

pansin kong hindi ko pa nakikita si anthonie. nasan na ba ang lalakeng yun?

"uy di ko pa nakikita si anthonie ngayon. nasan siya?" tanong ni pete sa akin.

"ha? ewan."

tiningan ko ang cellphone ko kung nag text ba siya, pero wala naman. bumili muna kami ng lunch tapos umupo sa aming usual table. medyo wala akong ganang kumain ngayon. for one wala si anthonie, tapos ngayon naman naalala ko yung hula nung matanda. sana hindi nalang ako sa moa nagshopping for chistmas -.-

biglang tumahimik ang caf pero wala na akong pake. kumain lang ako ng aking lunch, not even looking up. napansin kong sinisiko ako ni gem pero di ko naman siya pinapansin. ehh wala ako sa mood ngayon.

nagulat nalang ako nang umupo ang isang duguang anthonie sa tabi ko. hindi naman sobrang bloody pero ang daming galos sa mukha niya. tapos napansin kong wala na siyang suot na polo tapos naka sando lang siya sa pang itaas niya. grabe ang muscles niya.. bigla ko namang naalala ang ginawa namin sa aming meadow.

>////<

ehhh angel! hindi ito ang oras para diyan!

anthonie laughed. "my fiancee's blushing, why?"

"anthonie?! ano bang nangyari sayo!?" tanong ko. speechless parin ang whole caf. pumasok ba naman ang isang bugbog sarado sa caf namin!

"nothing. sige bili muna ako ng pagkain." sabi niya.

"wag na pre, ako nalang." sabi ni pete. medyo seryoso si pete ngayon, may alam ba siya sa pangyayari? 

pinatong ni anthonie ang ulo niya sa lamesa. may cut siya sa taas ng kanyang kilay tapos may onting dugong lumabas sa labi niya pero medyo nag dry na. yung kamao niya may mga sugat din tapos medyo nag swell ang kanyang right eye pero hindi naman ata siya magkaka black eye.

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon