Chapter 48

751 10 0
                                    

so gwapo ni chris :") >>

yay happy na kami! friends na ulit si anthonie at chris. of course back together na ulit ang barkada. paminsan sumasama ako kina xena. miss na miss ko na talaga ang barkada namin!

of course kumalat agad ang news sa school. ang daming reactions! yung mga fangirls ni anthonie siyempre malungkot, yung iba nga eh galit. yung iba nalungkot bakit nag break na kami ni chris. ang sabi nga nila malandi raw ako eh -.- pero okay lang basta back to the old angela na ako!

pero may dalawang problema nalang.

kailangan kong tulungan si maya kay chris.

at siyempre, kailangan kong ma reunite si anthonie with his dad.

"guys, ano? ready na kayo?" tanong ko.

nag thumbs up naman ang boys.

"a-angel, sure ka ba dito?"

"oo no! basta mag tiwala ka lang sa akin!"

"hay kinakabahan ako eh." napakamot ng ulo si maya.

"psh wag ka na nga diyan, alam ko naman gusto mo eh." sabi ni anthonie.

"wag ka na nga diyan!"

"guys papunta na dito si chris!" sigaw ni greg.

"SSSSSH!!!" sabay naming lahat sinabi.

"sorry!"

"sige pwesto na."

*chris's pov*

hay.

hindi pa talaga ako nakakamove on kay angela. biruin niyo, ang tagal ko na kaya siyang gusto tapos mauuwi lang dito? hay. 

oo gusto ko parin siya. pero alam ko naman na hindi pwede.

kaya mamahalin ko nalang siya ng patago.

baka nga tatanda akong single =.=

pero pansin ko lang ang buong barkada pinagtutulakan ako kay maya. may gusto ba yun sa akin? mukhang wala naman siguro. inlab yun kay anthonie eh. pero nakakainlab din naman ako ah! diba? 

"pare!" salubong nina anthonie.

"oh? bakit?" 

"to naman, maging sport ka naman oh!" sabi ni anthonie sabay akbay sa akin.

"psh oo na."

"tara library tayo." sabi ni pete.

napatigil naman ako sa paglalakad. 

"pete? okay ka lang? may sakit ka ba?"

"ha?" napakamot siya ng ulo. "wala naman. bakit ba?"

"ang isang pete? gustong pumunta ng library?!"

"aba't kung di lang dahil kay--"

"o sige na tama na yan." pigil ni anthonie. i smell something fishy -.-

nakapag mouth wash naman ako diba?

papasok na kami ng library. teka nga, ba't ang dilim? tapos wala pang tao? bumilis naman ang tibok ng puso ko. oo, bakla na kung bakla pero natakot talaga ako sa ginawa nila angel sa akin x( medyo na trauma nga ako eh!

paglingon ko bigla namang sumara ang pintuan. oh shit! patay sa akin yung mga yun paglabas ko. 

"ch-chris?"

napalingon ako at nakita si maya. anong ginagawa niya dito?

"maya? thank god! alam mo bang natrauma ako sa ginawa niyo?!"

"sorry ha. plano ni angel yun eh, di kami makapalag."

naupo nalang ako sa tabi nila. hay alam ko, plano nanaman to nila para maging kami ni maya. medyo naawa na nga rin ako kay maya, baka naiinis na siya. hay naiintindihan ko naman si angela. alam ko namang gusto niya rin ako maging masaya.

waaaa nakakainlab -.-

pero di ko namang kaya magpaka selfish kay maya. diba masamang mang gamit ng tao para mag move on? 

ang dami ko na atang kasalanan, ayokong mapunta sa impyerno -.- 

"maya--"

"chris--"

natawa naman kami. ano to? palabas sa sine?

"ikaw nalang muna." sabi ko.

"di sige na ikaw na." sabi ni maya.

nu ba to -.- ang drama

"maya.. sorry. kung nasasama ka dito. alam ko namang gusto lang ni angela na maging masaya ako. alam ko naman din na mahal mo si anthonie. ikaw, sa lahat ng tao.. ang nakaka alam kung gaano ko kamahal si angela diba?"

"sorry kung pinag pipilitan ka nila sa akin. alam ko naman na ayaw mo eh. sino pa ba ang magkakagusto sa akin kung nalaman nila yung ginawa ko? kaya nga ang laki ng utang na loob ko kina anthonie at di nila kinalat. nakakaawa nga si angel kasi tinatawag siyang pokpok."

"sorry talaga ha. tsaka.. sorry din kung nasali pa kita sa mga plano ko. pati ikaw na tsi-tsismis na nagpa abort daw. hay. mabait ka maya.. swerte ang magiging boyfriend mo. sorry din kung nasaktan kita dati ah?"

tahimik lang kami. medyo gumaan naman ang pakiramdam ko. palagi naman eh.. kapag kasama ko si maya. laging gumagaan ang pakiramdam ko. pinaparamdam niya sa akin na tama ang ginagawa ko. basta masaya lang daw ako, okay na yun. paminsan kailangan mong isipin ang sarili mong kasiyahan bago sa iba.

pero alam kong mali yun.

"maya? anong sasabihin mo sa akin?"

tumingin siya sa akin. umiiyak ba siya? 

"m-maya, sorry--"

"chris, mahal kita."

ano? mahal niya ako?

[a/n: concentrate muna tayo kina chris para after nun anthonie ang angel na ulit hehehe]

vote comment be a fan? :) 

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon