Chapter 43

848 11 0
                                    

*Angela's POV*

"alam ko na, icoconfront mo siya pag retreat natin." sabi  ni Anthonie.

"oh? panu naman yun?"

"siyempre, ipapaguilty mo siya. bibigay din yan!"

nakaupo kami nina Anthonie ngayon sa patio namin. bukas na ang back to school. medyo kinakabahan nga ako kasi malapit na rin ang wedding namin. sina mama busy na para sa preparation ng wedding namin, hay -__- akala naman nila na friends kami ni Anthonie.

nagpaplano kami ni Anthonie kung papaano namin mapapa amin si Chris. sabi niya sa akin pag iproprovoke mo daw si Chris, bibigay din daw siya. nung mga bata pa raw sila yun daw ang ginagawa ng mama ni Chris para mapa amin siya kung siya nga ang naka basag ng vase nung naglalaro sila. pangbata naman ata yun -____-

"sigurado ka ba diyan?"

"oo nga sabi." sabay gulo ng buhok ko.

"kinakabahan ako eh. ayokong makasal sa kanya." i pouted.

"kasi sa akin mo lang gusto diba?" he smirked.

tinulak ko siya at nahulog siya sa upuan. ang lampa niya hahahaha!

"aray naman baby ko! sadista ka talaga."

"psh."

"halika ka nga dito." 

hinila niya ako paupo sa lap niya at pinatong ang ulo niya sa balikat ko. hay miss na miss ko na ang moments ko with Anthonie. pano ba naging complicated ang aming love story? paano ba nauwi dito ang simpleng banggaan namin sa hallway? hindi ko inaakala ang isang lalakeng gaya ni Anthonie.

naiinis ako kapag tinatawagan ako ni Chris. at mas lalong umiinit ang ulo ko kapag inaasar niya akong namimiss ko siya o di kaya kapag naglalambing siya sa akin. nasusuka ako. 

pinapasok na ako ng wedding planner sa kwarto ko. siyempre sinama ko si Anthonie, okay lang naman sa wedding planner. 

"miss Liu, ipapasukat na po sayo ang wedding dress mo."

"ha?!" malapit akong mahulog sa kama ko. wtf!? tapos na ang wedding dress ko!? ang bilis naman ata nun ah!

"eh sabi ng mama niyo na kailangan tapusin na agad ang damit mo in case may changes kang gustong gawin."

napatingin naman ako kay Anthonie. ang laki ng ngiti niya sa labi niya. lokong to!

"s-sige."

pumasok na ako sa cr ng kwarto ko at nagpalit sa aking wedding dress, pero tinulungan ako ng isa sa mga assistant. nang masuot ko na ang damit, nanlaki ang mga mata ko. ngayon ko palamang na appreciate ang wedding dress ko. wow, as in wow. 

isang simpleng tube siya na may ruffles sa baba. tapos puna siya ng pearls sa baba. as in napanganga nalamang ako. naiimagine ko ang sarili ko na maglakad sa altar papunta kay Anthonie. napangiti nalang ako nang maisip kong hindi ko na talaga kailangang makasal kay Chris.

nagulat naman ako nang biglang pumasok si mama sa kwarto ko. iniwan muna kami ng assistant para makapag usap kami.

"do you like it?" tanong ni mama.

i nodded, speechless parin ako sa damit ako. 

"good." 

"ma, panu niyo po to napagawa within one month?" sobrang linis ng pagka gawa, walang bahid na rushed!

natawa naman siya. "it was mine actually."

napatingin naman ako sa kanya. hindi naman siya yung type na emotional o sentimental. first time ko nga magkamoment ng ganito with my mum. napaupo naman siya sa counter ng cr ko. what the? mama ko ba talaga to? sobrang in formal niya ah..

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon