Chapter 36

824 15 1
                                    

*Gem's POV*

kanina pa ako silip ng silip sa upuan ni Angela. 

hay magaabsent ba talaga siya? ilang linggo na rin siyang ganyan. medyo natatakot nga ako sa kanya. ang sungit tapos kung maka tingin parang papatay na. ewan ko ba parang ayaw kong lumapit sa kanya pero hindi pwede. best friend ko siya at dapat nasa tabi niya ako lalo na't nahihirapan pa siya.

wala parin siya, sayang club culmination pa naman ngayon sa school. yearly tradition na namin maging partners kasi by class yun. i guess magiging loner na muna ako ngayon, sayang naman tong outfit ko.

maya maya may pumasok na babae sa classroom namin.

WHOA.

obvious na obvious na si Angela siya pero.. wow!

nagpa full bangs siya tapos bumalik siya sa kulay black na buhok. ang shocking tingan kasi sanay kami na kulay brown na buhok niya tapos biglaan naging black. 

tapos ang  suot niya! grabe, provocative much? naka hanging shirt siya so kitang kita ang pusod niya tapos ang iksi pa ng kanyang shorts. dati halos ayaw niyang magsuot ng bermuda shorts kasi nga makikita parin daw ang legs niya tapos ngayon ano to!?

para siyang evil Hannah Montana -.-

umupo siya sa upuan niya at pinatong ang paa sa lamesa. pati si Chris nagulat sa kanyang new image. napangiti naman to nang hinalikan siya ni Angela sa pisngi. grabe ang love talaga oh.

"Miss Liu, please pakibaba ng paa mo."

"what if i don't want to?"

"excuse me?"

"you're excused." sabay ngiti.

ano ba naman to Angela?! diba pangarap mong grumaduate na may award? or even graduate man lang!? i need to talk in some sense to her! shit ano ba tong ginawa ni Anthonie sa kanya!?

"that's it, detention for you."

"k."

*KRIIIIIIIIIING KRIIIIIIIIIIIIIIIING!*

"class dismissed." 

grabe ang sama ng tingin kay Angela. lumapit naman agad ako sa kanya habang siya nakaupo sa lap ni Chris. ano ba naman to Angela!? ba't ba ang angas na ng dating mo? tas feel mo pa nasa bar tayo! huy ano ba!

"Angela, ano bang ginagawa mo!?"

agad naman siyang tumayo. mas matangkad siya sa akin ngayon kasi naka heels siya. gulp.

"first of all, Anna's the name. second sino ka ba para pag sabihan ako? nanay ba kita? niluwal mo ba ako? and third, back off." sabay tulak sa akin at walk out ng class room.

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon