Chapter 12

1.3K 19 2
                                    

*Angel's POV*

Mga 2am na pero hindi parin ako nakakatulog. Iniisip ko kasi yung kiss namin ni Anthonie. First time kong gawin yun ever in my life. Ang weird nga lang kasi parang may fireworks or something like that. I don't like it, parang hindi normal. I mean i've read it in books pero hindi ko alam na may ganun nga talaga.

I won't let him kiss me again >___<

"What!? Bakit naman?" Nasa hallway kami nun. Napatingin tuloy yung classmates namin, kung makapang react wagas!

"Ayoko lang."

"Sa cheeks pwede?"

Pinagisipan ko muna.

"Ewan."

"Ano ba naman yan. Girlfriend ba kita o hindi?"

"Anong mas gusto mo ako o yung katawan ko!?"

"Siyempre ikaw!" May dinagdag pa siya. "Wala naman akong mapapala sa katawan mo." >3>

"Anong sinabi mo!?"

"Ang aga-aga ang ingay niyo!" lumapit sina Pete, Christian at Gem sa amin. Aba! Naka holding hands pa sila ni Pete!

"Kayo na!? Ba't di mo sinabi!?" I hugged Gem. First time kasi naming magka love life. Pero si Gem may naging ka-mu na dati. Maganda kasi si Gem. Mahaba at straight yung buhok niya, magaling din siyang sumayaw at sexy pa. Akala ko nga dati magiging isa siya sa mga girls ni Anthonie eh.

"Hindi mo nga sinabi sa akin na kayo na ni Anthonie."

Hindi parin naman ako sure kung kami na nga talaga eh. Hindi ko naman talaga siya ganyan ka gusto kung tutuusin. Parang kilig-kilig lang? Hindi nga ako sure kung gusto niya na ba talaga ako. Alam ko naman kasing masasaktan lang ako sa end kasi I'm just going to be one of his girls. 

Plus di niya ako niligawan >3> Hay wala talaga akong alam sa mga relationship!

Lunch time hindi pa dumating si Anthonie. Naawa ako kay Christian, halos couples kami tapos siya walang partner. Tumayo ako sa inupuan ko at lumipat sa tabi ni Christian.

"Uy, baka mag selos si Anthonie."

Natawa ako. As if naman! "Hindi naman. Friends naman kayo eh."

"Iba kasi siya kapag mahal niya ang tao eh."

"Ha? Anong mahal?"

"Ah, wala yun."

"Alam mo ang mysterious mo."

"Pano mo naman nasabi yun?"

"Wala naman talaga ako masyadong alam tungkol sayo."

"Hmm.. ako si Christian Chua. 17 years old galing Pampangga but moved to Makati nung nine years old ako. May isa lang akong babaeng minahal mula nung bata pa ako at si Angela Liu lang yun."

Hindi ako nakahinga sa sinabi niya. Hinintay kong tumawa siya at sabihing nagbibiro lang siya pero ang seryoso niya. natahamik din si Gem at Pete na kanina ay tawa ng tawa. I just stared at Christian's face. What should I say? What should I do? Tumingin ako kay Gem pero tinitigan niya lang ako. Pero biglang tumawa si Christian.

"Ikaw naman, masyado kang seryoso. Sige alis muna ako." Tumayo siya at umalis ng caf.

Hindi na kami nag salita pagtapos nun. Wrong timing naman ata ang pagkasabi ni Christian pero parang wala lang sa kanya yun. Biglang dumating si Anthonie sa table, napatingin kaming tatlo sa kanya. He leaned down and kissed me on the cheeks. Wala ako sa mood para pag sabihan siya. Sabing bawal akong i-kiss eh >3> Nagbulungan agad ang mga studyante sa caf.

"Sorry na-late ako." Pero hindi kami sumagot.

"Bakit? May nangyari ba?"

"Ah wala. Ba't ba ang tagal mo?" Tanong ni Pete. 

Hindi na ako nakinig sa paguusap nila. Kaya pala ang bait ni Christian sa akin. Ewan ba bakit pero bigla akong naguilty. Wala naman akong ginagawang masama diba? Hindi ko naman alam na gusto niya pala ako eh. Kung nauna siguro siyang nagtapat...

I feel guilty again! Para bang tinatraydor ko si Anthonie? Hindi naman diba? Iniisip ko lang naman kung anong mangyayari kung sinabi ni Christian sa akin kung anong naramdaman niya. Hindi ko napansing nag ring na ang bell, binatukan ako ni Anthonie. Ang sakit nun ah! Sinuntok ko siya sa braso pero natawa lang siya.

"Hoy ikaw, masyado ka ng in love sa akin. Mag aral ka muna!" Tumawa siya ulit.

Nag blush ako. Napansin niya palang naka tunganga pala ako. Naalala ko tuloy yung iniisip ko kanina.

"Hala! Kinilig ka?"

"Hindi ah! Kapal mo din no." Lumabas ako ng classroom. Di ko napansin na mabilis na pala akong naglalakad. Hindi ko tuloy napansin na may nabanggaan ako. He offered me his hand pero hindi ko alam kung anong gagawin kasi nakatayo si Christian sa harap ko.

"Tumayo ka na nga diyan. Para kang engot na umuupo sa gitna ng hallway." Hinila niya ako patayo at kinuha ang nahulog kong libro.

"Salamat." Kinuha ko ang libro galing sa kanya ng biglang inakbayan ako ni Anthonie.

"Tara hatid na kita." 

"Sige."

"Una na kami pre." At naglakad kami papunta sa kanyang sasakyan.

As usual lagi nalang kami nag aaway. Hindi niya kasi ako pinapapili ng radio station. Ang hilig niya kasi sa RnB, ako naman dun sa pop. Para kaming aso't pusa na nag aaway. Naka park na kami sa labas ng bahay ko at nagaaway parin kami. Nilock niya kasi ang pintuan kaya hindi pa ako nakakalabas. Nag sigawan kami at binatukan niya Ako. Nahulog ang glasses ko sa sahig ng sasakyan niya.

"BUWISET! TINGAN MO ANG NANGYARI!"

"IKAW NAMANG MAY KASALANAN EH!"

Tumingin ako sa kanya at nag bad finger, hindi ko mahanap ang glasses ko.

"Angel.."

Napatingin ako sa kanya pero ang lapit na pala ng mukha niya sa mukha ko. Ang gwapo niya!

"Ang ganda mo talaga kapag hindi ka naka glasses."

Nag blush ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko! Baka nga naririnig na niya ito. Nagblush ako lalo nang lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Sorry na. Sa totoo lang nagseselos ako sa inyo ni Christian eh."

Ha? So totoo nga yung sinabi ni Christian.. 

"Ha?" niyakap ko na din siya. "Bakit naman?"

"Eh.. katabi kasi kayo kanina sa caf."

Waaa! Ang cute niyang mag selos! 

"Ang cute mo namang mag selos, para kang bata!" Natawa ako.

He pushed me gently away at hindi tumingin sa akin. Seryoso pala talaga siya, ang sama ko naman.

"Seryoso ako dito tapos ganyan ka makapag react. Nakakainis!"

Lumapit ako sa kanya at sumandal sa balikat niya. "Sorry na. Ang cute mo naman kasi talaga kung magselos."

Niyakap niya ulit ako. "Wag ka ng lumapit pa kay Christian ha?"

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kawawa naman si Christian eh, pero parang ayaw ko namang malayo si Anthonie..

"Sige."

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon