Chapter 20

1.1K 15 0
                                    

*Angel's POV*

Sumigaw ako ng malakas, pero bigla namang tinakpan ni Anthonie ang bibig ko. Tiningnan ko siya ng masama pero naka pikit ang mga mata niya.

"Shet ang ingay mo!"

I slapped his hand away. "Paano ba naman kasi, tabi tayong natulog!"

"Ang oa mo naman, parang naka huba't hubad tayo kung mag salita ka ah."

Ay oo nga pala. Sumilip ako sa ilalim ng kama pero malaking tshirt lang ang suot ko. Sumigaw ako ulit.

"ANO BA!??" Sabay bangon ni Anthonie.

"What did you do to me!? What did you see!?" Hinampas hampas ko siya. Shet! Nakakahiya naman! Ayaw na ayaw kong makita ng lalake ang katawan ko. Ni legs ayaw ko, buong katawan pa kaya!?

"Oww! Ow!" He screamed with pain. "Anong nakita? Anong ibig mong sabihin!?"

"Why the hell did you take my clothes off!?"

"Let me explain!" he cried. I stopped hitting him pero binatukan ko siya.

"BILIS! MAGPALIWANAG KA NA AGAD BAGO KITA MAPATAY."

"Basang basa ka ng pawis eh kaya tinawag ko yung katulong namin para hubaran ka at palitan ang mga damit mo. Tapos sinukahan mo din yung skirt mo."

I sighed. Nakakahiya! "Sorry na. Pero ba't sa dinami daming kwarto sa bahay niyo eh dito mo pa ako pinatulog!?"

He pulled me close and whispered to my ear. "Masama bang gustuhin kong makatabi ang girl friend ko?"

Sinapak ko siya. "Ang corny mo! Diyan ka nga!"

"Oy oy oy! Teka nga lang. San ka pupunta?"

"Maliligo bakit?"

Tumayo siya pero hindi binitawan ang kamay ko. "Mahal ang bayad sa tubig. Conserve water, let's shower together."

"EW! AS IF NAMAN NO. ANG DAMING PARAAN PARA MAG CONSERVE NG TUBIG." Tinulak ko siya papalayo at tumakbo sa cr.

Ang manyak talaga nung Anthonie na yun! Kinakabahan tuloy ako kapag magkasama kami. Pano kung mabuntis naman ako!? Hello ang dami ko pang gusto gawin sa buhay ko! Nang matapos akong maligo napansin kong may naka patong sa counter. Nilapitan ko ito. Damit? Buti nalang at prepared talaga tong si Anthonie.

Sinuot ko yung damit. Shet ang iksi! Ano ba to!? baka naman galing ito sa mga babae niya dati!? para naman akong babaeng nag tra trabaho sa club neto! Lumabas ako ng cr. Sisigawan ko sana si Anthonie pero nakakatawa ang expression niya sa mukha. Para bang lalabas na ang mga eyeballs niya lol.

"Anong tinitingnan mo diyan!?"

"Magpalit ka."

"Ha?" Abnormal ba tong si Anthonie!? Siya nga yung naghanda ng damit ko, ipagpapalit pa niya?

"MAGPALIT KA KUNG AYAW MONG HALAYIN KITA!" At lumabas siya ng kwarto. Anthonie ano ba naman yan ba't ang horny mo!? Baka pag hindi ako nakapag control baka AKO pa yung hahalay sayo -____-

*Anthonie's POV*

Shit badtrip! Ano ba yung sinabi ko kay Angel!? Alam ko namang kami na pero dapat hindi ko sinasabi ang mga bagay na ganon sa kanya.

At least not to her face.. right?

Paano ba naman kasi, ang ganda niya kanina. Para siyang anghel na bumaba sa langit. Kay ate Frenchie galing yung damit. Akala niya kasi na may nakakabata pa akong kapatid na actually ate ang meron ako. Ang dami ngang damit dito na possibleng mag kasiya kay Angel.

Anyway back to the story. Ang cute niya pa nga tingan dun sa damit. I had the urge na lumapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit pero natatakot ako at baka kung mahawakan ko yung zipper ng damit niya eh maging Anghelito na ako pagkabukas. Ayoko namang masira ang kinabukasan ni Angel, plus good shot na ako sa mama niya!

Nasa hapag kainan na ako nun. Ang tagal namang bumaba nito ni Angel. Halos ten minutes na ah! Umalis ako ng dining table at umakyat ulit ng kwarto. Siyempre di na ako kumatok, nasanay na kaya akong labas pasok sa kwarto ko. Ba't kakatok pa ako!?

Wrong move.

Nakita ko si Angel na naka shorts at naka bra. Tinakpan ko naman agad ang mata ko. Sumigaw siya at sabi kong tumahimik siya at hahanapan ko siya ng masusuot. naglakad ako papunta sa kanya.

Again. Wrong move.

Di ko napansin ang carpet at tapilok ako. Naka takip parin ako ng mata eh! Bumagsak naman ako kay Angel at pareho kaming natumba sa sahig. Pareho kaming nagulat sa posisyon namin pero di kami nakagalaw. Pareho lang kaming naka tingin sa isa't isa na para bang ayaw bumangon.

Nagulat kami dalawa sa narinig naming yapak at tumayo kami agad. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at inihagis ang tshirt sa kanya at lumabas agad ng kwarto. Weird. Wala naman akong naka salubong. Ba't may narinig akong naglakad dito? O.O lalake ako! Wala lang yun.

*Angel's POV*

Shit! Ang awkward nun ah. Sinuot ko agad yung tshirt at bumaba na. Ang bango ng tshirt, parang bago hubad ni Anthonie. Tumigil ako sa paglakad at niyakap yung tshirt niya. Ang bango talaga!

"Hoy anong ginagawa mo diyan ah?"

Lumingon ako. Shit! Si Anthonie!

"Ah wala. Kinakamot ko lang yung likod ko."

"Kailangan talagang dalawang kamay ang gamitin?"

"Ano bang pake mo!?" Naramdaman kong nag blush ako.

"Aminin mo na kasing pinagnanasaan mo ako." He smirked.

"As if!" tumalikod ako at naglakad.

"hoy loser!" Sigaw niya. Hindi ako lumingon.

"Bobo, sa kabila ang daan." Tumawa siya.

Tumigil ako sa paglalakad and stomped my foot at hinarap siya ulit.

"Pasalamat ka mahal kita." Isip ko.

"Anong sabi mo?"

"Ha?" Shet! Napalakas ata yun ah.

"I love you too."

Ewan ko ba pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Is it because ito yung first time na sinabihan niya ako ng I love you o kasi may urge akong mag reply ng I love you more kasi mahal ko na siya??

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon