Chapter 6

1.6K 24 0
                                    

*Angel's POV*

Malas naman. Sa lahat pa ng taong pwede kong i-tutor si Anthonie pa? Nakakainis naman. Ang sama niya pang studyante, habang tinuturuan ko sasabihin niya pang ako yung mali! Buti pa hindi nalang siya nag hire ng tutor.

Eto ako ngayon sa kwarto, nakahiga. 3pm pa at wala akong magawa kundi mag aral. Wala naman kasi akong social life kasi hindi mahilig si Gem lumabas pag weekends. Biglang nag ring yung cellphone ko. Paniguradong si Gem to, magtatanong tungkol sa assignment.

from: 092********

labas tayo

Huh? Sino naman kaya to?

to: 092********

sino to?

Nag ring ulit yung phone ko. Nakakaloka, pano ba nakukuha ng mga tao ang phone number ko? 

from: 092********

anthonie

Gusto niyang lumabas? At gusto niyang ako ang kasama niya? Ano kayang nakain nito..

to: 092********

wag na. nag-aaral ako

from: 092********

sige na. nasa labas ako ng bahay mo.

What!? Bumangon ako at sumilip sa bintana. Wala namang sasakyan!

to: 092********

wala naman ah!

from: 092********

HAHAHAHA loser. sige na, pupuntahan kita diyan

Loser pala ah?

to: 092********

ayoko! lumabas kang mag isa mo! 

I turned off my phone. Nakakainis, magaayaya na nga lang lumabas bastos pa! Kinuha ko ang ipod ko at nakinig nalang ng music. I played my favorite song Terrified. I started singing along hanggang sa makatulog ako. Nang nagising ako 7pm na. Tumayo ako at nag stretch. Napasigaw ako sa nakita ko.

WHAT THE HELL!?

I saw Anthonie sleeping on the tiny couch in my room. Pano siya naka pasok dito!? Pinapasok ba siya ni yaya? Ano ba namang klaseng security meron ba kami!? Kinuha ko yung unan ko tapos pinagpapalo si Anthonie hanggang sa nagising siya. Nahulog siya sa sofa. Nakakatawa ang mukha niya!

"Ano ba!?! Tama na!" 

"Pinapalo pa ba kita?" I rolled my eyes. "Tsaka ano bang ginagawa mo dito?! Trespassing ka!"

Tumayo siya at pinagpag ang sarili niya. "Sabi ko naman diba na pupunta ako dito?"

"Pumayag ba ako!? Tsaka sinong nagpapasok sayo dito?" 

"Yung yaya niyo."

Lumabas ako ng kwarto at hinanap si aling Nena. Nakita ko siyang naglilinis ng jar sa tabi. 

"Aling Nena!"

"Po?"

"Ba't niyo naman po pinapasok yung lalakeng yun sa kwarto!?" 

"Eh sabi niya po na boyfriend niyo po siya." Napakamot siya ng ulo. Ano ba naman yan! Kapag sinabi niya bang boy friend ko siya papapasukin na niya? Eh kung killer siya tapos sinabi niyang class mate ko siya pano na!?

Hinarap ko si Anthonie at ngumiti siya ng nakakaloko. Nakakasuka talaga ang pagmumukha niya.

"Alam mo, ang ganda mo pala pag walang glasses."

"UMALIS KA NA NGA!!!"

"Is that anyway to treat your boyfriend?" Napatingin ako. Pakiramdam ko mamamatay na ako. Shit wrong timing ka talaga Anthonie! Sinamaan ko siya ng tingin. 

"Mom." Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. 

"Hello, I'm Elena Liu. I apologize for my daughter's rude behavior." Nakipag shake hands pa tong gagong to sa mama ko!

"Mom what are you doing here? Diba nasa Kuala Lumpur ka?" Minsan lang siya umuwi dito. Sa lahat ng araw ba't ngayon pa pumunta dito ang lalakeng to!?

"Yes well my meeting with Mr. Chow was cancelled and I hated their hotels there so I went home instead," Naka business suit pa pala siya. "Excuse me, what's your name by the way?"

"Anthonie Reyes po." 

Tumatango tango si mama. "Ah, is your dad Michael Reyes?'

"Opo." 

She nodded. "You've impressed me this time Angela. Join us for dinner Anthonie?" 

*Anthonie's POV*

Amp naman! Ba't ba ako pumunta dito? Sina Pete naman kasi, busy. si Loser nalang yung pag-asa ko. Saturday night at nasa bahay lang ako? Di pwede yun!

Tss, nakakatakot naman tong mama ni loser. Buti pa tong papa niya ang bait. Naalala ko sa kanya si Santa Claus. Ang cute din nung kapatid ni Angela, si Charles. Bibong bibo. Buti hindi yun nag mana kay Angela.

Ang sosyal pa ng pagkain, parang yung kinakain namin sa Four Seasons Hotel pag nag hohotel kami sa States. Pagtapos naming kumain eh hinatid na ako palabas ni Angel. Tahimik siya, not like her usual self. 

Humarap ako sa kanya. "tha--"

Bigla niya akong niyakap. Huh?

"Thank you Anthonie."

"Para san?"

"Ngayon lang ulit kasi sinabi ni mama sa akin na impressed siya sakin."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Siya si Angela Liu diba? Running for valedictorian nga yan eh tapos minsan lang masabihan ng praise words? Anong klaseng ina ba yung Elenang yun? Pero.. at least may nanay pa siya. Okay naman si tita Julie kaso iba talaga pag siya yung nag luwal sayo diba?

Nakaupo kami ni Pete at Christian sa caf. Napagusapan namin yung dinner kina Angel.

"Pre iba na talaga yan." sabi ni Pete.

"Kayo naman kasi! sabi ko mag gym tayo, di naman kayo sumipot." 

"Busy kami nun eh." sabi ni Christian.

"Ba't si Angel pa ang napagtripan mo?" 

"Malay ko ba." Oo nga, ba't si Angel pa?

"Baka gusto mo na siya!" Sigaw ni Pete at nag apir sila ni Christian.

"Ha? Hindi ah. Hindi ko naman type ang mga babaeng gaya ni Angel."

"Hala si Angel oh!" turo ni Christian. Ang lakas naman ng boses nito, napatingin tuloy dito. Nag wave siya sa amin.

"Halika!" sigaw ni Pete. Ano ba naman tong si Pete!

Lumapit si Angel sa amin. Nag iba ata ang hitsura niya ah?

"Wow, naka lugay ka lang ngayon ah!" Sabi ni Pete. 

"I just wanted to try something new."

"Weh? O baka naman gusto mo lang magpa ganda dito kay Anthonie!" Nag apir kami ni Pete. Hilig namin sa apir no? Hahahaha.

"Oo nga, may payakap yakap ka pang alam ha."

Binatukan niya kami ni Pete. "Mga feeling!"

"Chill ka lang, nagbibiruan lang naman tayo dito." Sabi ko habang hinahaplos yung ulo ko.

"Whatever. mauna na ako." At umalis siya. Ang cute niyang asarin!

"Oh, ba't parang abot langit naman yang ngiti mo?" Tanong ni Christian.

"Uuuuuuy, crush niya si Angel!" 

I think i do like her. Wow, nagkagusto ako sa isang loser? Pwede pala yun? 

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon