Chapter 42

1K 12 0
                                    

*Angela's POV*

DECEMBER 24



inimbitahan ko sina Gem pati sina Mandy na mag christmas sa amin, pati na si Anthonie. wala namang pakialam sina mama kung sinong iimbitahin ko, may sarili silang bisita nina papa eh. pumasok na sila Maya na may dalang regalo. kinuha ko yun at nilagay sa ilalim ng aking christmas tree. may sarili kaming christmas tree eh.

nagbeso kami nina Gem. nginitian ko lang si Anthonie, dapat back to strangers kami sa harap nina mama at papa. 

kumain na kaming lahat. magkaharap kami ni Anthonie, naguusap kami gamit ang mga paa namin. bigla naman niyang kinilit ang paa ko gamit ang toe niya at natawa ako ng malakas. napatingin naman silang lahat sa akin. sina Gem naman napakagat ng labi niya.

"is there something wrong Angela?" tanong ni mama. shit nakakahiya naman yun oh.

"wala po. cr lang po ako."

lumabas ako at inayos ang sarili ko sa salamin. hay, nakakahiya naman talaga si Anthonie. mapapatay ko talaga siya pag magkakausap kami. sinuklay ko nalang ang buhok ko at naramdamang yumakap si Anthonie sa likod ko. tiningnan ko siya ng masama sa salamin at nag pout. hinalikan niya ako sa pisngi ko pero nag pout parin ako.

"wag ka nga mag pout, natetemp akong halikan ka."

namula naman ako at binatukan siya ng suklay ko. "nakakahiya ka kanina ah."

"sorry, ang sarap naman kasing asarin ng baby ko."

"psh."

hinarap niya ako sa kanya at hinalikan ako. he kissed me passionately. niyakap ko ang leeg niya habang niyakap niya ako sa waist ko. he broke the kiss, touching his forehead to mine. niyakap ko siya ng mahigpit lalo nang maalala ko ang panaginip ko.

"may problema ba?" tanong niya.

"wala naman."

"psh, kilala kita Angel. sabihin mo na."

i sighed. "nanaginip akong namatay ka."

nagulat naman ako nang bigla siyang tumawa ng malakas. anong problema niya!? hindi man lang ba siya nagaalala? panu kung mawala siya sa tabi ko? hindi ko ata kayang magantay ng ganun katagal.

"Anthonie naman! ba't tumatawa ka?"

"yung lang ba? kala ko kung ano na." sabi niya.

niyakap ko siya ng mahigpit. "Anthonie naman.." at kinuwento ko sa kanya tungkol sa hula.

hinawakan niya ang baba ko para tingan ko siya. "Angela, hinding hindi ako mawawala. okay? kahit ano pang sabihin ng hula o ng panaginip mo. hinding hindi kita iiwan. promise ko yan. kaya wala kang dapat ipag alala dahil hindi rin ako mabubuhay kapag wala ka sa tabi ko."

i smiled. "i love you."

"i love you more Angel." sabay yakap sa akin.

paglabas namin, sumasayaw na sina Greg. nakakatuwa si Maya kasi partner niya si Charles. ayun sumayaw na kami ni Anthonie pero hindi masyadong malapit para hindi obvious. kumuha ako ng isang bote ng jack daniels at ilang baso at nag inuman kami sa labas. nag exchange gift na sila at binigay ko na sa kanila ang regalo ko. 

lumapit ako kay Anthonie and held my hand out for his gift.

"hindi ba pwedeng ako nalang ang regalo ko sayo?"

i rolled my eyes. "ang cheap mo talaga."

natawa naman siya at binigyan ako ng isang red na box na may white ribbon. inalog ko pero hindi ko mahulaan kung ano yun -_____-

"mamaya mo na yan buksan ah?"

"psh eh kung bubuksan ko ngayon?"

ginulo niya ang buhok ko. "wag na nga matigas ang ulo at sumunod ka na sa asawa mo."

"psh opo."

kwentuhan lang kami. of course di namin pina inom si Charles, grade 2 pa po ang batang yun. nag sipalakpakan na ang mga tao sa loob, december 25 na nga siguro. binigay ko na ang regalo ko kay Anthonie. agad niya namang sinuot yun.

hinalikan niya ako habang nagparty2 sina Maya sa tabi. bigla namang nag ring ang cellphone ko.

"panira." sabi ni Anthonie. sinapak ko siya at hinalikan ako sa pisngi ko.

"hello?" sabi ko.

"babe." nanigas ako, napahawak naman ako kay Anthonie. tumingin siya sa akin and i mouthed Chris. agad naman siyang nanigas.

"oh, hi. bakit?"

"miss mo na ba ako? ba't ang tamlay mo?" 

"miss mo mukha mo."  i whispered. natawa naman si Anthonie at pinaglaruan ang kamay ko.

"ano?"

"sabi ko na miss ko mukha mo." natawang sabi ko at nag sumenyas ako kay Anthonie na parang nasusuka ako.

"ang sweet talaga ng fiancee ko. anyway i just called to wish you merry christmas babe. sa january na regalo ko okay?"

"okay. bye." 

"Anj--"

binaba ko na agad ang cellphone ko. psh, ang galing umarte ng gagong yun. well this time wala na siyang niloloko. sumigaw sina Maya na sumali kami sa kanila at ayun nakipag sayawan na rin kami nina Anthonie. 

nung mga 2am na nag siuwian na sila at tumulong na rin ako sa mga maid sa paglinis. maya maya umakyat na ako at binuksan agad ang regalo ni Anthonie. nagulat naman ako nang makita ang isang scrapbook. 

naiyak ako at gulat at the same time. panu ba niya kinunan ang lahat ng to? at may picture pa ako nung nasa beach kami at naka tulala lang ako kay Anthonie. nilipat ko agad ang page, nakakahiya! sa next page may letter sa akin si Anthonie.

baby ko,

merry christmas! sana magkasama pa tayo ng mas matagal. tiyaga muna tayo sa ating secret relationship okay? yung next pages para yan sa future! ikaw na magpatuloy ah? napagod na ako eh. halos 5am ako natapos gawin to, psh. ge, love you.

- Anthonie

niyakap ko ang scrapbook hanggang sa maka tulog ako.

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon