Chapter 18

1.1K 18 0
                                    

*Angel's POV*

Dalawang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos. Pano kasi, hindi ko ma contact si Anthonie. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko, pati na rin ang mga email at messages that I sent him. Kinakabahan na tuloy ako. Kinuha ko si Tony, yung bear na binigay niya sa akin at niyakap ito ng mahigpit. 

Ano ka ba Anthonie!? Ba't basta2 mo nalang ba talaga ako iiwan sa ere? Kung kailan pa naman ako nagsisimulang magtiwala sayo. Tapos ganito na ang mangyayari!? Nambababae ka na? Hindi mo na ako pinapansin? Ano to, fling lang ba? Umiyak ako hanggang sa makatulog ako. 

Nung nag alarm na ang alarm clock ko bumangon agad ako at dumiretso ng cr para maligo at mag ayos. Hindi na ako kumain, di na ako mapakali. Nakita ko si Anthonie na nagbabasa ng notebook sa labas ng classroom. Tumakbo ako papunta sa kanya at tiningnan siya ng masama. 

"HOY IKAW! BA'T KA BA GANYAN!? BA'T HINDI MO SINASAGOT ANG MGA TAWAG KO!? BA'T DI KA SUMASAGOT SA MGA TEXT AT EMAILS KO!? GANYAN KA NA BA NGAYON!? PUROS KASINUNGALINGAN LANG BA LAHAT NG SINABI MO SA AKIN!? NAG ALALA PA NAMAN AKO KASI AKALA KO NALIGAW KA SA JEJU ISLAND!"

Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Tiningnan ako ni Anthonie na para bang maiiyak na din siya. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko. Napansin kong naka bandage ang kamay niya. At may pasa siya sa mukha.

"Sorry babe, plano ko naman talagang sundan ka sa Jeju island kaso yang buwiset na Christian na yan, panira ng mga plano."

Tiningnan ko siya ng masama. "At si Christian pa ang masama ngayon!? Kung di nga dahil sa kanya eh baka nawawala pa ako sa Jeju!"

"Ha!? Ano bang nangyari sayo!?"

"Nawala ako sa isla kasi hinahanap ko yung perfect spot for the sunset eh!"

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Wala akong kwentang boy friend. I'm so stupid. Sorry. Sorry kung pinag alala kita. Sorry kung wala ako sa mga panahong wala ka. Babawi ako sayo ng todong todo." Tiningnan niya naman ulit ako. "At yung nangyari sa bar, stalker ko yun. Sinundan niya ata tayo sa club at hinalikan ako. Ikaw naman kasi, ayaw mong sumayaw. Alam mo namang ang daming gusto makipag sayaw sa gwapong boy friend mo!"

Binatukan ko siya. "Narcissist." 

"Sorry na babe ha?" Niyakap niya naman ako ulit.

"Okay lang yun.. babe." Natawa siya.

"Ba't ka tumawa?" Napakamot ako ng ulo.

Kinurot niya ang magkabilang pisngi ko. "Ang cute mo kasi."

I slapped his hand away. "Whatev."

Ang saya ko at okay na kami ni Anthonie. Ewan ko ba bakit pero tuwing nakikita ko siya kinikilig ako. Pag niyayakap niya ako o hinahawakan ang kamay ko para bang sasabog na ang puso ko sa saya. Tiningnan ko siya ulit at nag coconcentrate siya sa pakikinig sa teacher namin. Ang cute niya!

"Huy babe, baka naman matunaw na ako sa kakatitingin mo diyan."

I looked away. Ano ba naman yan! Naramdaman ko agad na namumula ako. Tapos may quote na pumasok sa isip ko:

"he caught you staring at him but you caught him staring at you."

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang landi! Pero okay lang yun, boypren ko naman ang nilalandi ko HIHIHI

Hindi sumabay si Christian sa amin. Ni hindi ko siya nakita the whole day sa school. Gusto ko pa naman sana siyang pasalamatn ulit para doon sa tulong niya sa akin but I decided not too look for him kasi mas gusto ko pang mag spend time with Anthonie. Si Gem naman grabe kung kiligin sa amin. But I don't blame her, nakakakilig naman kasi talaga tong si Anthonie.

Since wala parin sina mama at papa, I decided to invite Anthonie over para naman magkakilala sila ni Charles ng mabuti at para maibigay sa kanya ang stuff toy na binili ko. Para namang long time pals si Anthonie at Charles. Mas maganda pa nga ang pinagsamahan nila kung ikukumpara mo sa amin. Naalala ko naman ang sinabi niya tungkol kay Christian at sa kanyang mga pasa. Tatanungin ko na sana siya tungkol doon pero ang saya saya niya pa with Charles. Ayoko namang masira ang mood niya. Nung umalis na si Charles kinuha ko yung stuff toy at binigay sa kanya. 

"Ano to?"

"Pasalubog ko." I smiled.

"Kamukha mo, pareho kayong cute."

I rolled my eyes. *shet! ano ba naman to ang cheesy!*

"Sus. Alam ko namang kinikilig ka diyan eh."

"Ako? Kikiligin sayo? Never."

"Kahit pa sabihan kita ng cheesy lines?"

"No."

"Kahit pa yakapin kita?"

"No."

"Kahit pa halikan kita?"

"No."

"Kahit pa hawakan ko ang kamay mo?"

"No."

"Eh kung gawin ko to?" Bigla niya akong tinulak papunta sa kama. Agad naman akong nahiga sa lakas ng tulak niya. Lumapit siya sa akin. He was on top of me, he was so close that I could tell What the exact color of his eyes is. Dark brown with flecks of gray. A beautiful shade. Ang lakas ng tibok ng puso ko, naku po! Ayaw ko pa pong magka anak!

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon