BRO'S VISIT

131 5 0
                                    

ICE'S POV



Tinawagan kami ni Mama para sabihin ang magandang balita na gising na si Lee. Isa-isang pamilya lang muna ang puwedeng dumalaw sa kanya dahil baka naman lalong ma-stress ang pasyente kong hindi na nakapagpahinga dahil sa mga bisita.



Tinurukan ng Liquid Ecstasy si Lee every 12 hours. Nakadalawang turok din si DO sa kanya and who knows how high the dosage is. Napaiyak si Mama dahil sa pagkakatanda namin namatay si Lolo Alfred dahil sa pagturok din sa kanya ng liquid ketamine. Naawa si Mama kay Lee.



Sa halip na palayain daw kasi kaagad si Leeah, gusto muna siyang masolo ni Eve pero ang siste, nahuli sila sa kuwarto na gumagawa ng kahalayan. Itong si Eve, may pagka-sex maniac daw. Hindi lang namin alam kung may katotohanan ang lahat.



Wala na pala siya sa sarili niya ng umakyat sila a rooftop. Mabuti at nag-stay foot na lang siya at hindi nagwala dahil pakiramdam daw talaga niya ay high na high siya na para siyang lumilipad. Eh kung wala siya sa sarili at sumampa sa pasamano katulad ng ginawa kay Leeah, tiyak na pinaglalamayan na siya dahil sa pagpapatihulog sa gusali.



Lalabas sa medico legal na high siya sa droga ng mga oras na iyon kaya mabuti na lang... Welll kahit hindi maganda pakinggan, mabuti na lang at binaril siya ni Eve sa balikat na sukat ikatumba niya. Mabuti na lang din at malakas pa rin ang kontrol ni Lee sa sarili para huwag sundin ang sinasabi ng kanyang guni-guni habang nagkakaroon ng sumbatan itong sina Ava at Eve.



Nang paputukan ni Eve si Ava ng baril at humarang si Kai, nakakuha na siya ng tyiempo na paputukan din ang babae ngunit maagap na nakaganti si Eve kay Lee kaya tumumba na ito. Isang putok sa ulo ni Suho at si Jazzy na ang tumapos kay Eve.



Nahulog si Suho sa building ng HallyuTower.



Natanggap ko ang tawag na iyon sa aking sekretarya habang kasalukuyan kaming nagkakabiruan na tuloy na tiyak ang kasal nina Lee at Ava lalo na ngayong patay na si Eve. Masaya si Utol. Nakangiti na siya pero kanina pa niyang hinihintay si Ava. Si Leeah lang ang kasama ni Jazzy dahil hindi daw umuwi si Ava sa mansion.



Inisip ko na baka tinarabaho na naman niya ang kaso ng serial killing sa area na sakop ng presinto namin. Pero kasasabi lang sa akin sa tawag na nagpunta si ava sa opisina at may inilapag na putting sobre sa aking mesa. Ipinakuha ko kaagad iyon at pinakisuyong buksan na at basahin sa akin kaagad.



"Sir, resignation letter ni Miss Ava." Okay nag-resign si Ava at inisip kong good option to start a new life with Lee and Leeah somewhere else na malayo dito. Hindi ko na sinabi kay Lee. Hahayaan kong si Ava ang magsabi ng kanyang desisyon kay Lee tutal pupunta naman ito tiyak sa ospital upnag dalawin ang biyudo. Pareho na silang malaya. Baka ngayon na ang takdang panahon.



Umalis ako at bumalik sa opisina at umaasa na ang lahat ay magiging panibagong umaga para sa aming mga Lorenzo. 

THE SERIAL KILLER: EPILOGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon