3RD PERSON'S POV
Iba naman ang pinaasikaso ni Ice kina Gaspar at Ivan kasama sina Jino at Jhopet. Pinasok nila ang loob ng condo unit ni Eve. Magulo ang loob ng kanyang condo. Ipinakuha sa kanila ang recorded file ng CCTV sa loob ng unit habang nagkakaroon ng negosasyon sa taas ng tower.
Nagkataong nandoon na ang matandang katiwala na kasalukuyang nagtataka kumbakit ganoon kagulo sa loob ng kumatok nina Gaspar at Ivan. Naka-bonnet sila.
"Huh, sino kayo? Anong kailangan ninyo?"
"Hindi ka masasaktan kung susunod ka sa iuutos namin." May kasamang pananakot na sabi ni Gaspar.
"Saan ang kuwarto ni Eve?"
Syiempre, takutin mo ba naman ang isang mali-maling matanda na tulad ni Manang Helen, talagang matataranta siya at matatakot sa hitsura nila. Napaupo na lang si Manang Helen habang hinahalughog ng dalawa ang kuwarto ni Eve. Nakuha naman kaagad ang pakay nila kaya umalis kaagad sila.
Ebidensiya iyon na kinuha talaga ni Eve si Leeah. Siya ang sumundo sa bata, ayon iyon sa pamunuan ng kanilang school. May CCTV din kasi sa Trinity High lalo na sa gate nito maging sa mga katabing poste ng paaralan. Lihim na pinuntahan nina Mama at Papa ang principal ng school at sinabi ang sitwasyon.
"Leeah's parents were both police. My son is a police turned into professor and my daughter in law is an active policewoman. We just want you to keep this in private. Ayaw po naming magkaroon ng hysteria. kapag nalaman ito ng iba baka lalong mawalan ng tiwala ang mga kliyente ninyo kung ganoon kaluwag ang security dito sa school. But of course, sana po mas paigtingin ninyo ang pagbabantay sa mga bata para ito ang una at huling insidente nang kidnapping sa school. " Biglang umiyak si Lemuela. "Sorry, Mrs. Palma...Si Leeah lang kasi ang only apo ko na inalagaan namin sa mansion and the rest of my apos stayed with their parents. Hindi namin inaasahan na mangyayari ito sa amin. "
Hindi naisip ni Eve ang resulta ng kanyang padalus-dalos na desisyon dahil lang sa selos at poot niya kay Ava.
Mga abogado na lang ng mga Lorenzo at Hilario ang nag-usap sa mga pangyayari. Natural na umiyak ang magulang ni Eve dahil hindi nila akalaing dadating sila sa puntong iyon .
Wala na sa poder nila ang anak.
"Why the hell did she do that?"
"Drugs has something to do with it. How I hate those drugs. Pati si Eve...I told her to avoid Kai...That brat! Puro kahihiyan ang dinadala niya." Puro paninisi ang bukambibig ng mag-asawang Hilario dahil hindi nila inaasahan ang lahat.
Ang usapan ay sa pagitan lang ng mga abogado ng kanilang pami-pamilya. Ipinaabot ng mga Lorenzo ang kanilang pakikiramay sa pamilya Hilario sa pamamagitan ng kanilang mga abogado. Ito ay hindi puwedeng isapubliko dahil magkakaroon ito ng malaking isyu. Magkakaroon ng sari-saring espikulasyon ang lahat ng tao at baka isiping parang isa lang itong shooting o drama na tulad ng nakikita nila sa telebisyon. Damay na dito ang kanilang mga pamilya.
Kitang kita ni Ava kung paano tumagos ang bala sa noo ni Eve. "NOOOOO...." Humarang si Ava. Pero huli na. Sinalo niya ang katawan ni Eve...
"Eve... Eve..." Umagos ang kanyang luha. Hindi niya gusto ang ganitong katapusan. Wala sa usapan ang ganito. Pero hindi naman tama na magpatayan sila kung ang usapan lang ay ibalik ang isang bagay na feeling niya ay inagaw sa kanya. Hindi naman pumunta doon si Ava para makipagpatayan, ang usapan ay magpalitan, si Leeah at Kai, free na si Lee para kay Eve. Hands off na si Ava doon.
"Ava, I am sorry..." Napuno ng dugo ang mukha ni Eve. " Pinahid ni Ava ang dugo kasabay ng mga luhang iyon ng pagsisisi at paghingi ng tawad. Tinitigan niya ang mala-anghel na mukha ni Eve. Unti- unti niyang ipinikit ang kanyang mga mata.
"You are forgiven, Eve... along time ago. I was supposed to say sorry. Ako ang may malaking kasalanan sa iyo. Sinira ko ang pagsasama ninyo ni Lee. Eve, I am sorry. I lost myself for loving Lee too much. I am sorry. Am I forgiven?" Hinalikan siya ni Ava sa pisngi bilang pamamaalam at niyakap ng mahigpit sa una at kahuli-hulihang pagkakataon.
"YES..." Isang paos na boses ang bumulong sa kanyang tenga. Pagod at malungkot na boses hanggang sa tuluyang nalagutan ng hininga ang babae.
Namatay si Eve hudyat nang kalayaan nina Ava at Lee. Ngunit hindi ito ang oras para magdiwang. Anak niya ang priority ngayon. Ni hindi niya nagawang lapitan si Lee. Nagulat na lang siya ng sumulpot sa kanyang likuran ang mga taong naka-black over all.
Hindi na siya nakahakbang para lapitan pa si Leeah habang kinukuha siya ng mga di kilalang mga tao. May humampas ng malakas sa kanyang batok at nawalan siya ng malay.
Pagmulat niya ng mata ay nasa hospital na siya katabi ng hospital bed ni Lee. Nasa isang pribado silang kuwarto. Hindi siya makaikot ng tingin sa buong lugar. Tumulo ang kanyang luha at nanatiling hindi kumilos sa kanyang higaan.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Mystery / Thriller"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...