3RD PERSON'S POV
Dinalaw ni Ava ang mag-asawang Whitney at Drexel. Tuwang tuwa sila sa pagbabalik nito. Matagal na panahon ding hindi dumalaw ang among babae. Ang pinakahuli ay noong binyagan pa ang bata.
"Doon na lang kayo sa bahay, Whitney, Drexel. Mas maaalagaan ninyo ang bahay kapag doon kayo tumira. Walang tao doon."
"Ma'am , nakakahiya naman po."
"Hindi naman matatawaran ang inyong kabutihan sa aming dalawa ni Angel. Naging tapat kayo sa inyong paglilingkod sa aming pamilya kaya sapat na iyon para suklian namin ng kabutihan. Ano ba naman 'yung tumira kayo sa bahay eh matagal na panahon din kayong tumira doon."
"Talaga po..." Tumango si Ava. Ngumiti siya sa mag-asawa.
"Sige na. Mas mainam kung may tao doon."
"Ma'am Ava, pag-iisipan po muna namin ni Whitney. Tatawagan po namin kayo kung anu't anuman ang aming mapag-usapan."
"Huwag ninyong patagalin."
"OPo. Makakaasa po kayo"
Matagal ng nangyari ang trahedyang iyon at ayaw na daw nila iyon balikan. Tinanong niya sila kung sino si Mira kasi napansin ko na bitter siya kay Danica. Hindi naman niya alam kung sino si Ava. Nagkatinginan ang mag-asawa.
"Ava, hindi mo ba natatandaan si Mira?"
"Sino ba siya? Alam ko, pulis siya... Nakakuwentuhan namin ni Jazzy... may naaalala ako pero hindi ako sigurado..."
"Nang mabalitaang patay ka na... siya ang naging gf ni Sir Lee..."
"Talaga? Parang di ko alam 'yun ah..." Pero minsa kasi okay ang memorya ni Ava. Pasulpot-sulpot lang sa kanyang alaala.
"Pero siya ang tumulong sa amin para itakas ka ng ospital. Kinuntsaba namin siya para ideklara ng ospital na patay ka na."
"Nasaan na si Mira?"
"Patay na siya. "
At hindi rin nakaya ng kanyang konsensiya ang nangyari. Madalas siguro siyang managinip. Hanggang sa tuluyan siyang naloka at sa mental hospital siya nagpakamatay. Winakasan niya ang kanyang buhay.
Hindi naglipat ang buwan, matapos nilang mag-usap ay lumipat ang mag-anak ni Whitney at Drexel sa Condor St ng Hillsborough Subdivision. Lahat ng kapitbahay ay halos maputol ang leeg sa pag-uusyoso kung sino ang malakas ang loob na titira sa bahay na iyon.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Misterio / Suspenso"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...