THE YOUNG HELPER

87 3 0
                                    

VALERIE'S POV



May inuupahang bahay si Miss Ava na malapit din sa aming tinitirhan sa Brgy. San Roque. Mag-isa lang siyang nakatira doon. Wala na siyang mga magulang at wala ding kapatid. Ako ang inupahan niya para magbantay sa bahay buong maghapon. Lahat ng gawing bahay ay ginagawa ko, naglilinis, naglalaba at at nagluluto ng simpleng putahe kahit mag-isa lang siya. Magana naman siyang kumain kahit ano ang ulam na iluto ko.



Hindi kami madalas magkuwentuhan dahil mas gusto niyang humiga at magkulong sa kuwarto pagdating niya. Kapag gusto niyang magkape o magpaakyat ng vodka, tatawagin lang niya ako. Bawal akong umakyat sa kuwarto niya ng walang pahintulot niya. Naka-lock iyon tuwing araw lalo na kapag wala siya at may pasok siya. Pero minsan kailangan kong ipasok ang mga damit niya. Naiwan ko iyon sa sala at hindi rin niya naiakyat. Kumatok ako pero parang di niya narinig. Dinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo, bukas pala iyon. Naliligo pala siya. Hindi ko sinasadya. Nakita ko ang kanyang kabuuan. Nakaseksi siya. Anghaba ng kanyang buhok at punong puno ng bula ang kanyang katawan saka siya tumutok sa harap ng shower. Humulas sa sahig ang bula. Paghawi niya ng kanyang mahabang buhok ay nakita ko ang isang malaking marka sa kanyang likuran. Natakot ako dahil magagalit siya kapag nakita niya ako. Hindi ko sinasadya ang nakita ko.



Naging mas maingat na ako sa pag-akyat doon. Kapag sinabi niyang hindi puwede, hindi puwede. Kapag huwag pumasok, huwag papasok lalo na ng walang paalam.



Pero minsan ng tulungan ako ng isang lalaki sa kapahamakan at nasugatan siya, dinala kina Miss Ava dahil may first aid kit doon. Nahuli ako ni Miss Ava na pinapasok ko ang lalaki. Nagmagandang loob lang naman ako dahil tinulungan niya ako. Hindi ko akalaing professor pala niya si Sir hehehe. Naku, nagtatakbo ako palabas dahil tiyak kong pagagalitan niya ako. Masama ang titig niya sa lalaki. Mukhang may something silang dalawa. Pero narinig kong ginamot naman niya ang sugat ni Sir. Umaaray ang lalaki.



Akala ko ay hanggang doon lang iyon. Nakasanayan ni Sir na magpunta doon. Pag-alis ko ay makakasalubong ko ang kotse niya. Kakaway siya na parang tinatanong kung nandiyan si Ma'am. OO naman, tatango pa ako. Sa di inaasahang pagkakataon, pinuntahan ko si Miss Ava para sana mag-cash advance dahil kailangan ni Nanay. Kung alam ko lang, sana ay hindi ako pupunta doon.



Sa may garahe ako dumaan at binuksan ko ng konti ang pinto sa kusina. Nasilip ko angf kanilang ginagawa. Hinila ni Sir si Miss Ava nasa sala sila habang bukas ang tv. Nakadamit siya ng puting oversized long sleeves at tulad ng dati nakayapak siya. Naupo sa sopa si Sir pero pinaupo niya sa kanyang kandungan si Miss Ava. Nakakakilig silang dalawa. Hindi na ako magtataka na magkagusto si Sir kay Miss Ava. Bagay naman sila eh. Dinig ko nga eh professor niya ang lalaki kasi Sir ang tawag niya noon dito.



Ampoging professor naman ni Sir. Tapos, susme, ganoon pala humalik? Ay tingnan mo , o... hanggang sa umakyat sila sa kanyang kuwarto. Pero kinilig ako at sinubukan kung ano ang kanilang ginagawa. Dahan-dahan akong umakyat ng hagdan at sumilip pa ako. Grabe, nakahubad na si Professor pero si Miss Ava...pakipot...



Mabait si Miss Ava. Hindi niya nakakalimutan ang sweldo ko kahit minsan nakaka-absent ako . Buo pa rin ang suweldo ko. Minsan nga si Sir pa ang nagbigay sa akin ng suweldo na sobra pa sa usapan namin. Madalas na siyang nagpupunta sa bahay ni Miss Ava. Anuman ang nakita ko doon ay hanggang doon lang. Sikreto na ang lahat.



Sana, makatagpo din ako ng lalaking tulad niya balang araw.

THE SERIAL KILLER: EPILOGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon