THE INTRUDER IS BACK

110 3 0
                                    

LEE'S POV



Hindi ko na inabutan si Ava sa parking area. Sabi ng guwardiya ay nagmamadali daw itong umalis kasama ang kotse nina Mama at Jazzy pero hindi ako sigurado kung sa mansion ang kanilang diretso.



Kinumpronta ako ni Dorothy habang paalis ang lahat matapos ang isang tila exhibition sa Firing Range.



"Kilala mo? " Tanong niya pero hindi ako umimik. "Iyon ba ang tipo mong babae? " Muli niyang tanong. Hindi pa yata niya kilala na ang kaharap niya ay sina Mama at Jazzy. Ang aking ina at ang aking kapatid lang naman , at ang isa, ang babaeng mapapangasawa ko balang araw. OO, si Ava pa rin ang tipo kong babae. "Prof. Lorenzo, please tell me..."


"Dorothy, stop being silly. Don't act as if there is something going on between us."


"Hindi mo man lang ba ako susubukan?"


"Hindi..." Tahasan ko na siyang sinagot tutal gusto niya iyon malaman.


"Professor, I love you... Ikaw ang gusto ko. I can do everything for you. I can give you everything. Take me..." Napakadesperada naman nang babaeng ito. Bakit?


"Ano ba kasing nakita mo sa akin?"


"Hindi ko din masabi kung ano? Kumbakit? Hindi naman lahat naipapaliwanag ng love di ba? It always comes mysteriously..."


"Look, stop acting foolishly. Biyudo ako. May anak but definitely not alone. I love someone else. I am about to get married soon."


"Hangga't hindi pa nangyayari iyon, I will always hope. May the best girl wins..." Grabeh ang fighting spirit niya. Ang mga kabataan nga naman, papansin kahit sa love.



Nagpagabi ako ng uwi. Isang lugar lang ng naiisip kong uuwian ni Ava. Ang dati niyang tirahan sa San Roque malapit sa St. Gabriel Church, pero wala namang Ava ang nakatira doon. Hindi na daw iyon paupahan at may iba nang nakatira doon.



OO, matagal na ngang bakante iyon. Wala nang umupa matapos lisanin ni Ava ang lugar. Hindi ko na rin nakita si Manang Alicia. Sabi kasi noon ni Ava, malapit lang ang bahay nila doon pero matagal na raw umuwi ng probinsiya ang matanda kasama ang mga anak nito.



Saan ko ngayon hahanapin si Ava?



Tiyak na hindi siya sa mansion uuwi dahil alam niyang nandoon ako. Pag-uwi ko ay bukas na bukas ang ilaw sa likod-bahay.



"Sir, nandito na po pala kayo? Gusto po ninyong kumain?" Tanong ni Margaret. Umiling na lang ako at dumiretso sa aking kuwarto. Hindi ko na inusisa kung anong kasiyahan ang nagaganap sa likod.



Ibinagsak ko ang aking pagod na katawan sa kama. Matagal na rin akong hindi nakatikim ng laman, hahaha. Bigla ngang nabuhay ang aking katawang lupa ng makita ko si Ava. Tinitigasan pa rin ako sa kanya ng makita ko siya kanina. Mas grabe ang boltahe ng kuryenteng naramdaman ko ng magkadaupang palad kami.



Mukhang nakabalik na siya pero saan ko siya hahanapin ngayon. Bakit kailangan pa rin niyang magtago sa akin? Bakit niya ako iniiwasan? Napakaganda ngayon ni Ava. Mas maganda rin ang kanyang katawan ngayon. Mas maaaliwalas ang kanyang mukha at hindi stress.



Tiyak na hindi ko rin makukunan ng impormasyon itong si Mama at Jazzy. Gusto nila na ako mismo ang gagawa ng paraan. Saan ko nga siya hahanapin?



Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog.



Sa tingin ko ay malalim na ang gabi. Tahimik ang paligid at madilim sa loob ng aking kuwarto. May sinag ng ilaw na nagmumula sa lamp post sa labas ng mansion pero hindi sapat upang makilala ko ang pumasok sa loob ng aking kuwarto.



Narinig ko na lang ang kalabog. Tila mga sapatos iyon na ibinagsak sa carpet na sahig. Dinig ko pa rin ang tunog nito. Maya-maya pa ang yumugyog ang aking kama. Pamilyar ang pabango ngunit hindi ko mawari kung gising ba ako o nananaginip ng mga oras na iyon. Bigla siyang sumampa sa aking harapan. Umupo siya sa aking kandungan. Hindi ako makakilos. Tumakip ang kanyang buhok sa aking mukha at mas nagulat ako ng gumapang ang kanyang kamay sa aking dibdib. Piniga niya ang aking dibdib at yumuko at ginagap ang aking labi. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga at napahawak na ako sa kanyang hita at dumako ako sa bandang pigi.



Susme, sino na naman itong nagkamali ng pasok sa kuwarto? Pinilit kong kumawala ngunit malakas siya. Hindi ko alam kung anong klase ang suot niya. Pakiramdam ko ay basa siya. Hinagilap ko ang kanyang panty ngunit mukhang naka-g-strings lang siya. Hinila ko ang magkabilang dulo nito. Maging ang kanyang bra at parang bathing suit dahil basa pa. Malamig ang kanyang buhok. Mabuti't hindi na tumutulo.



Umungol siya at dinukot ang aking pagkalalaki. Ah, bakit hindi ako makakilos sa ginawa niya? Humalik ako at lumaban siya. Tuluyan akong nag-init at talagang humalik ako ng todo. Na-miss ko dito ito. Hinila ko siya at pinahiga ko sa aking bisig.



"Sino ka? Tanong ko pa ngunit hindi siya umimik. Hinagod niya ang aking katawan at malikot siyang kumilos sa kama. Naka-angkla ang kanyang isang hita sa aking beywang hangang sa unti-unti siyang nanghina at tuluyang huminto. Mapait ang panlasa ko sa kanyang labi. Amoy alak siya.



Maya-maya lang ay biglang may gumalaw ng door knob ko. Kinabahan ako kaya hinagilap ko ang kumot at itinakip sa aming dalawa. Naka-lock naman pala ang pinto.



Bigla siyang tumahimik at hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Binuksan ko ang aking lampshade at nagulat ako sa aking nakita.



Si Ava....



Niyakap ko siya ng mahigpit at nakuntentong magkatabi kami buong magdamag. Ayokong matulog dahil baka. bukas ay wala na siya. Nakita kong naka-bathing suit siya. Malamang ay si Jazzy ang kasama niya sa likod-bahay. And are back just like the good old days... Tinitigan kong mabuti si Ava. Naiyak ako sa tabi niya. And now, she is back in my arms. I will never let her go.Not this time.


THE SERIAL KILLER: EPILOGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon