BE PATIENT

133 4 0
                                    

LEE'S POV



Pagmulat ng aking mga mata, sina Ava at Leeah ang gusto kong makita. Tumulong bigla ang luha ko ng makita ko ang aking sarili na nakaratay na naman sa hospital bed. Hirap akong huminga kaya mayroon akong oxygen. Hilo pa nga ako eh. Ramdam kong umiikot ang aking paningin. It will take sometime bago maalis ang mga hallucinations ko dahil sa epekto ng drogang itinurok sa akin.



Sa tingin ko naman ay hindi ako magiging adik. Nakakatakot din kung magkakagayon.



"Mama, Papa... nandiya na ba sina ava at Leeah." Biglang bumukas ang pinto at patakbong yumakap sa aking si Leeah. Umiiyak siya.


"Daddy, you're awake. Thank God, you're alive." Na-touch naman ako kay Leeah. Natuwa ako dahil marunong siyang magpasalamat sa Diyos dahil ligtas na ako. Pero mas nagpasalamat ako dahil ligtas silang pareho.


"Leeah, where's your mommy?"


"I thought she's here?" Lumabas si Leeah. "Mom... Mommm... Mommyyyyy!" Sinaway siya ni Mama.


"Naku, Leeah , huwag kang sumigaw. Bawal sumigaw dito sa ospital dahil baka makaistorbo ka ng mga pasyenteng natuutlog at nagpapahinga.


"Lola, Lolo, I just saw Mommy here before I come in. I thought I saw her peeping through the door. I thought she's inside already."


"Wala nga dito ang mommy mo. Hintayin na lang natin at baka si TIta Ninang ang nakita mo" Kakamut-kamot ang bata.



Bago pumasok si Mama sa loob ng pinto ng kuwarto ko ay tinanggap niya ang tawag kaya lumabas muna siya dahil maingay sa loob.



"Ice..." Si Kuya ang kanyang kausap. Pagdating niya ay pinahid niya ang kanyang mga mata. Parang umiyak si Mama.


"Mama, bakit po? "


"Ha a e, wala ito Iho. Nagluluha lang ang mata ko dahil sa puyat. Uuwi muna kami ng papa mo ha. Tutal nandito naman si Jazzy."


"Sige po , Mama...Hihintayin ko na lang si Ava dito." Ngunit nakaalis na sina Mama at Papa. Bandang tanghali ay hindi dumating si Ava. nagdilim na ang kumain na ng hapunan ang dalawa ngunit wala pa rin si Ava.


"Leeah, kindly get my cellphone and dial it to oyur mommy's phonenumber, will you? " kasi hindi ko pa rin kaya. Wala pa akong sense of grip. Kailanga ko pang i-exercise ang aking mga kamay at daliri.


"Yes, daddy..." Pero sumimangot siya sa akin. " The phone is not available at the moment. Please try your call later." Ipinarinig niya sa akin ang sabi ng answering machine.



Nag-dial ulit ..." The subscriber cannot be reached." Umiling ang kanyang ulo. Nasaan na si Ava? Hindi ba niya ako dadalawin.



"Jazzy, have you seen Ava, lately?"


"Kuya, noong isang gabi na nagkamalay ka, nasa bahay kaming dalawa. Umiinom na naman siya para lang antukin. Pinagsabihan ko para tumigil kasi alam kong namumrublema siya dahil hindi ka pa nagkakamalay pero bago siya umakyat sa kuwarto, natanggap niya ang balita na okay ka na. Umalis siya at akala ko naman dito siya dumiretso. Hindi naman pala. Baka naman umuwi sa kanila. Wait ka lang kasi. Huwag kang mainip, dadalawin ka rin ni Ava dito. You'll see..."



Pero nakaidlip na ako at nakailang rounds na rin ng nurse ang nagpunta para i-check ang aking dextrose. May mga doktor na rin na kumausap sa akin at nakabalik na sina Mama at Papa. Pauwi na rin sina Jazzy at Leeah ngunit wala pa rin si Ava...



"Mama, busy po ba si Ava sa presinto? Sabihin naman ninyo na dalawin ako. Silipin man lang ako bago siya pumasok sa trabaho." Hindi ko na napigilan ang luha ko. Nalungkot naman ako. Inuna pa ni Ava ang trabaho kaysa silipina at dalawin ako.


"Lee, baka hindi na makarating si Ava..."


"Ano po ang ibig ninyong sabihin...May nangyari po ba sa kanya?"


"Pagaling ka na lang muna anak..."


"Papa, sabihin na po ninyo."


"Anak, wala na si Ava. Hindi na namin siya inabutan. Umalis na si Ava at bumalik na sa ibang bansa."


"Iniwan na ako ni Ava...Bakit?"


"Anak, huminahon ka. Tiyak na may mabuting dahilan kumbakit umalis si Ava. Hayaan mo muna siya , Anak kung saan niya gusto. Baka gusto niyang mag-isip-isip muna. Malay mo bumalik siya."



Iyon ang mga salitang walang kasiguruhan. Malay mo, bumalik siya ... Malay ko rin ba kung forever na rin niya akong iiwan. Hindi niya isinama si Leeah pero hindi iyon sapat dahil siya ang kukumpleto ng aming pamilya.



Gusto kong bumangon. Gusto kong hanapin si Ava at siguraduhing hindi niya akong pinagtataguan. Baka iniiisip niyang galit ako sa kanya. Nagkaiyakan na naman kami sa loob ng kuwarto.



Ilang araw pa ang binilang at puwede na rin akong umuwi sa wakas. Pero hindi na magiging kasing saya dahil wala si Ava...



Habang nakaupo ako sa kama at nagpapahinga, nilapitan ako ni Leeah. Ikinuwento niya sa akin ang ginagawa nila ni Ava habang natutulog pa ako at hindi nagkakamalay. Ipinarinig niya sa akin ang isang audio recorder ng cellphone ko.



"Lee, do you hear me Honey. "


"Honey, do you hear me? Move your hands, Honey if you are listening"


"Lee, I am sorry for everything that I have said. I love you so much , Honey. Please wake up. Tell me where it hurts. Tell me what's wrong? Lee, I didn't mean to hurt you, Honey. Wake up..."


"Dad, mommy loves you very much..."



Hindi ako umimik sa sinabi ni Leeah. Mukhang madami silang napag-usapan ni Ava habang tulog ako. Atleast ngayon alam ko na inalagaan naman niya ako habang wala akong malay. Kaya lang, mas maganda sana kung nandito rin siya paggising ko.

THE SERIAL KILLER: EPILOGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon