VALERIE'S POV
Sinikap kong magbago ng image. Ginaya ko si Miss Ava. Lahat ng pananamit , maging ang kanyang astiging kilos ay hindi ko pinalampas. Nag-enrol ako ng Taekwondo. Na-curious ako sa paghawak ng baril kaya lihim din akong nag-aral nito.
Nagkaroon na rin ako ng pagkakataon para mag-aral sa pagda-drive ng kotse kaya pati magmo-motor ay kinarir ko. Kakailanganin ko iyon sa tuwing aalis ako ng lihim at mag-isa.
Marami akong pagkakataon para manuod ng mga action films kaya kahit nasa loob ako ng condo ay halos kulang ang buong maghapon ko. Busy din ako. Nakasanayan kong kumilos ng may katulong sa bahay. Inako ko ang pagiging senyorita. Tahimik ang buhay namin ni DO.
Kapag dumating na si DO, siya naman ang inaasikaso ko. Tahimik siyang tao pag-uwi sa bahay. Hahalik sa akin. Magyayayang kumain kapag gutom na at saka maglalambing kung gusto niyang makaano. Hindi ko siya naringgan ng anumang reklamo. Wala siyang binabanggit na problema sa magulang niya, sa barkada at sa trabaho. Mabait ang kanyang katulong at hindi rin tsismosa. Kung nasa kuwarto ako, hinahayaan lang niya ako kung kailan ko gustuhing lumabas. Kapag nakalimutan kong mag-almusal o late akong gumising ay hindi niya ako pinipilit. Ipaghahain niya ako sa oras ng pagkain, ililigpit niya iyon kung hindi ko gusto ang pagkain.
Ipagluluto niya ako ng ibang pagkain para makakain ako. Magagalit daw kasi si DO sa kanya kapag nalamang hindi ko ginalaw ang pagkain. Madalas palang tumawag si DO para kumustahin ako. Tinatanong kung ano ang ginagawa ko at kung nasaan ako.
Madalas akong manuod sa loob ng kuwarto. Hindi ko pinapakita ang mga gusto kong panuoorin. Mga action films, mga kuwento ng assassination, mga gang at police story.
Hanggang sa magkaroon ako ng pagkakataon...
Hindi ko iyon pinalampas...
Si ChanYeol ang inuna ko.
Nakita niya ako at namukhaan kaya kailangan ko siyang mapatay. Hindi ako kinilabutan ng patayin ko siya dahil kulang pang kabayaran ang buhay niya sa kahayupang ginawa nila sa akin. Umpisa pa lang ng aking paghihiganti...
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Gizem / Gerilim"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...