THIS TOO SHALL PASS AWAY

107 2 0
                                    

LEMUELA'S POV



Natanggap ko ang tawag ni Ice makalipas ang isang oras. Nakabalik na siya sa opisina. Sinabi niya sa akin na nagresign nga daw si Ava sa pagpupulis. Dala ng kanyang abogado ang mga dokumento para naman honorably discharged pa rin siya at hindi nag-AWOL. Kung gustuhin man niyang bumalik sa serbisyo balang araw ay puwede pa rin.



Umuwi muna kami ni Justice sa mansion sa pag-aakalang uuwi doon si Ava ngunit nadatnan namin ang kanyang abogado. Doon na namin nalaman na inihatid niya si Ava sa airport.



Nagpasya si Ava na magpakalayu-layo muna. Iniwan niya si Leeah sa kustodiya ni Lee dahil imposibleng maisama niya ito sa America lalo pa't Espiritu ang kanyang dalang apelyido at hindi naman Lorenzo. Tigalgal kaming pareho ni Justice. Hindi kami makapagsalita. Matagal ng nakaalis ang abogado. Matagal kaming nanahimik ni Justice sa sala.



Niyaya niya akong lumabas ng bakuran ng mansion. Naglakad-lakad kami sa damuhan sa malawak na likod-bahay.



"Lemuela, naaalala mo ba noong tayo pa lang ang nakatira dito. Masukal pa ang lugar na ito. Pulos talahib pa ang makikita mo."


"Oo nga, Justice. Anglaki na ng pinagbago ng mansion. Mukha na talaga siyang tirahan ng mayayaman."


"Dati, ayaw mo pa nga dito dahil takot ka sa multo."


"Sinabi mo pa...Hay, ambilis lumipas ng panahon. Sabay-sabay nagsipaglakihan ang ating mga anak. Nilisan nila ang mansion at bumuo ng sarili nilang pamilya. " Napabuntunghininga si Lemuela."Anong mangyayari ngayon kay Lee at Leeah lalo na kung malalaman nilang nagpakalayu-layo na si Ava. Kayanin kaya nilang pareho?"


"Lemuela, hindi natin kontrol ang tadhana ng dalawa. Nakakalungkot lang dahil kung kailan nagiging maayos na ang lahat... Ano ba ang nakain nitong si Ava at nagpadalus-dalos ng desisyon?"


"Exactly...bakit siya umalis ng di nagpapaalam at hindi man lang sumangguni sa atin na dati-rati naman niyang ginagawa?"


"Hayaan muna natin silang pareho. Kailangan din nilang magpahinga. Napapagod din ang puso."


"Talaga? So you think of giving me up long time ago?"


"OO, dati..."


"Pero, anong nangyari?"


"I want you back in my arms, mahal na reyna..." Sabay sundot sa kanyang tagiliran. Napatakbo si Lemuela.


"Justice, umayos ka! Tigilan mo ako."


"Ikaw talaga, Lemuela..."


"Ikaw talaga, Justice..." Ginaya pa niya ako at tinakbuhan ako. Abah! Gusto niyang magpahabol kaya hinabol ko siya. Unahan kami sa Web Crawl pero bigla siyang huminto sa tutok, sa pinakagitna, hinintay niya ako doon.


"MATATAPOS DIN ANG LAHAT! " Sigaw ni Lemuela. Bigla akong natawa. Sa edad naming singkuwenta'y singko, malalakas pa ang tuhod namin. We feel good about it.


"MATATAPOS DIN ANG LAHAT." Sigaw naming pareho...Sabay tulo ng kanyang luha.


"Sana pareho na silang lumigaya..." Dugtong ni Lemuela. Alam kong si Lee at Ava ang inaalala niya.



Walang kasiguruhan ang bukas nilang pareho dahil malayo na sila sa isa't isa.



Tinanggap namin ng maluwag sa aming kalooban ang desisyon ni Ava. Ipinagdasal namin na maging okay siya sa bagong lugar na kanyang pinuntahan kahit iniwan niya ang kanyang mag-ama dito sa Pilipinas. Aalagaan pa rin naman namin si Leeah.


THE SERIAL KILLER: EPILOGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon