JAZZY'S POV
Nagulat ako sa nalaman ko kay Kuya Ice. Habang walang malay si Ava, nag-usap na kami. Umalis si Kuya Lee dahil desperado siyang mailigtas si Leeah. Hindi naman ganoon kadaling makipagnegosasyon sa ang mga hostage situations . Hindi ka basta susunod sa gusto ng hostage taker dahil Segundo ang binibilang para magbago ang kanyang isip. Kung wala kang counter attack ikaw ang dehado at puwedeng isa ka pa sa i-hostage niya.
Hindi kaagad nakabalik si Kuya. Who knows what happened to him? Malay ba namin kung ano ang dinatnan niya doon. Lalo kaming nag-alala kaya minabuti ni Kuya na ganito ang gawin kay Ava para hindi niya sundan si Kuya. Delikado talaga.
"Jazzy, Eve wants Lee in exchange of Leeah. Listen to me carefully..."
Umaagos ang luha ko ng oras na iyon habang nakikinig ako sa kanya. Nasa kuwarto kami ni Kuya Lee. pakiramdam ko ay isang material na bagay lang si Kuya para ipagpapalit para sa kalayaan ng isa habang siya ay mabibilanggo sa isang taong ayaw niya.
That is too selfish. Ano ba si Kuya? Pang-barter trade lang. Kalakal lang...
"Ikaw ang tumayong sniper. Sa rooftop ng HallyuTowers magkikita sina Ava at Eve. Kasama ni Ava si Kai. Kasama naman ni Eve sina Lee at Leeah. Whatever happens, your main target is Eve. Kapag nagkaroon ng putukan, hudyat na iyon. Sa Skyscraper Tower ka pupuwesto. Naririnig mo ba ako... "
"Oo, Kuya... hindi ko na inisip na ang utos ang mula sa aming station commander.
"Bakit ka umiiyak? Ipagdasal mong okay si Leeah."
"Paano si Kuya Lee?"
"Kaya na niya ang kanyang sarili...Hindi kami sigurado kung sinu-sino pa ang kasama ni Eve. Baka ang mga natitirang miyembro ng EXO Gang... hindi ako aware kung sinu-sino pa ang buhay dahil lately iniisa-isa sila ng serial killer.
"Iaalerto ko rin si Ava para hindi siya basta gagawa ng kilos ng walang pahintulot ko. Si Justine ang kukuha kay Leeah, cover up si Jude. Be on guard. Eve is on rage. Kahit sino ay puwede niyang patayin"
Hindi ko alam kung opisyal ba ang operation namin. Nang magkita-kita kami sa Skycraper na nakasuot in full black overalls, bigla akong natahimik. Mukhang LORENZO CLASSIFIED ang peg. We are on the rescue for Kuya Lee and Leeah.
Matindi ang hostage taking. Trade na lang ang mangyayari. Walang usapang ransom, palitan na lang ang gagawin pero umabot pa sa putukan. Doon ko napatunayan na kahit nagbago na ng hitsura si Ava, Kai is so sure to still love Danica. If only he knew that Ava is also Danica. Hindi ko alam pero nang makita ko ang ginawa niyang pagharang kay Ava ng paputukan siya ni Eve...alam ko... something happened. That was so strange to put yourself in danger for Ava which means he can sacrifice anything for her. At bakit?
Si Eve, she is totally outrageous sa ginawang iyon ni Kai. How could he put himself in danger for that girl? Iyon tiyak ang kanyang iniisip. Nakakainggit di ba? Hanggang ngayon ganoon pa rin kuwento nila. Grabeh ang gigil niya habang hawak niya ang kanyang baril. Wala siyang awang bumaril. Tinarget niya sa noo si Suho ng hindi ito sumunod sa kanya. Malayo siya kay Leeah kasi si Suho ang may hawak sa kanya. Si Ava ang target niya dahil sila naman talaga ang magkaaway kaya ng makitang kong barilin niya si Kuya kahit naging mag-asawa sila dati, alam kong hindi rin mangingiming barilin din si Ava. Ako na ang tumapos sa kanilang laban. Ayaw ni Kuya Lee na mapatay ni Ava si Eve. Delikado si Ava kaya ng mag-go-signal si Kuya...
"Jazzy, take the final blow..." And the final shoot goes to Eve dahil up close ang tutok niya ng baril kay Ava. Pinaputukan na niya ito sa balikat pero hindi niya nagawang gumanti. May tama na siya sa balikat kaya alam kung hindi na niya kakayanin pa. Madami ng dugo ang nawala sa kanya. Physically and emotionally tired na si Ava. Pag-isipin mo ba naman buong magdamag tapos hinostage pa niya si Kai kapalit nina Kuya at Leeah. Imagine mo, kahit mag-isa siya, nagawa niyang ma-hostage si Kai.
Kawawa naman siya and this has to stop. Nakahandusay na si Kuya sa sahig. Wala siya sa sarili.
NOW!
Kumawala ang isang bala na iyon at sapul ang noo ni Eve. Patay kung patay. Ito ang trabaho ko bilang sniper. I get orders not on my own will. I get that courage from my Mama Lemuela kasi best sniper siya during her time. Nakakanerbyos ang mga pangyayari sa malayuan kasi hindi ako dapat magmintis sa putok na iyon.
And everything ended just like that. Lahat ay may detalyadong report but for sure this will be highly classified operation from my brothers. Ambilis nilang kumilos pero ako ang inaasahan nilang tatapos ng buhay ni Eve. I have nothing against Eve. This is my job...
Hindi ko nakitang nilapitan ni Ava si Kuya, kung nagkasulyapan sila, hindi ko alam.
Si Kuya Ice ang humapas sa ulo batok ni Ava at pinangko niya ito sa kanyang mga bisig. Kinuha ng medic sina Kuya Lee at Kai. I don't know what happened to Suho. That is so tragic.
Sa ospital ko na kami nagkaharap-harap. We are all wearing black overalls. Papa and Mama is also there. Niyakap ako ni Mama. Tinapik niya ako . "Job well done , Iha" Bulong niya sa akin pero iyak ako ng iyak ng makita ko ang mga pagod na katawan nina Ava at Kuya Lee. Puro sugat at pasa ang tinamo ni Kuya. Putok ang kanyang labi. Doon ko nalaman na lango pala sa droga si Kuya. Iyak ng iyak si Leeah. Mabuti at nakapiring ang kanyang mga mata. Wala siyang magiging ebidensiya para maghiganti maliban lang kung malalantad sa diyaryo ang lahat. Hawak siya ni Kuya Ice at pinapayapa habang karga niya ito.
"Tahan na. Your mommy and daddy is safe, Leeah. Are you hurt somewhere?" Halata ang mahigpit na pagkakagapos ng kanyang pulso. Namumula ito. Maliban doon ay wala na. Tiyak na takot lang siya dahil sa pagkakapiring ng kanyang mga mata.
Pero all is well with her.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Mystery / Thriller"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...