AVA'S POV
Hindi ko akalaing pupunta rin si Lee sa shooting range ng umagang iyon. Hindi naman talaga siya nagpupunta doon. For sure, na-curious lang siya kung sino ang mga sharpshooters na pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Baka nadala lang siya sa kanyang narinig at nakiusyoso din. Nagulat siya ng makita ako. Binati niya ako pero hindi siya nakakilos sa kanyang kinatatayuan ng makita kaming tatlo nina Jazzy at Mama.
Hindi ako sumabay kina Mama pag-uwi dahil naka-motor ako.
"Sa bahay ka na umuwi ha!" Sabi ni Mama pero hindi pa rin ako sigurado.
Nagpunta muna ako sa Club Roman upang magpainit saglit. Kailangan ko kahit ilang shot lang kasi alam kong giyera patani ito mamaya. Solo ko ang aking upuan ng umagang iyon. Hindi ko alam kung anong oras na akong lumabas sa lugar na iyon. Nakaidlip na ako sa aking mesa. Pero kaya ko pa naman. Pagtingin ko sa aking cellphone, angdaming miss call ni Mama. Muntik ko nang makalimutan, ini-expect nila ako for lunch.
Hindi ako nagpahalata. Naghanda pala ng simpleng salu-salo sa bahay. Tuwang tuwa si Papa. Siya daw ang sumundo kay Leeah dahil nga kasama ko sina Jazzy at Mama ng araw na iyon. Si Lee talaga ang sumusundo sa kanya pero may biglaang lakad daw siya.
"Mommy, I missed you so much." Sabi ni Leeah. Anglaki na ng anak namin ni Lee. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nandoon din ang buong investigating Team sa mansion ng araw na iyon dahil nalaman din ni Kuya Ice na darating ako. Masayang masaya siya.
"Ava, na-miss ka namin. " Niyakap ako ng mahigpit ni Kuya Ice. Ganoon din ang ginawa ni Papa. Napasinghot si Papa sa akin.
"Nakainom ka ba? Hanggang ngayon ba naman eh..." Napailing na lang si Papa at ngumiti ako sa kanya. Napakamot tuloy ako ng ulo. Tuwang tuwa din sina Jhopet at Jino.
"Partner, balik ka na sa presinto. Welcome na welcome ka pa rin doon" Pinangunahan na nila si Kuya Ice na station commander nila.
"Ano? Are you ready to say YES this time?"Tumango ako pero puwedeng magbago iyon kapag nagkaharap kami ni Lee. Alam kong hindi pa kami nagkakapaliwanagan. Sa klase ng tingin niya kanina , alam kong galit siya.
Masaya ang kainan namin sa hapag-kainan. "Mommy, did you already see daddy?" Tumango ako. "What do you think? " Inaasahan din niyang oo na ang isasagot ko sa kanyang ama. Napakibit-balikat ako sa tanong niya. "I really looked after him when you are away. I think he will be better this time" At ano naman ang alam niya sa pagiging better person ni Lee? Good boy daw naman siya sabi nina Mama at Jazzy at iyon ang ibig sabihin ni Leeah about her daddy. Pero kanina may katabi siyang estudyante sa shooting range and I feel something strange about that girl.
Nagkayayaang mag-inuman. Kami nina Mama at Jazzy ang magkakasamang nag-inuman sa tabi ng pool. Naka-bathing suit kaming pare-pareho. Nagbabad kami sa tubig, umahon at saka ipinagpatuloy ang inuman.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Gizem / Gerilim"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...