JAZZY'S POV
Nagkasabay-sabay kaming muli sa pagkain ng araw na iyon. Maaga ding bumaba si Kuya para mag-almusal. Masigla kaming dalawa ni Mama dahil may usapan kaming magkikita nina Ava sa academy. Hindi kami nagpahalata kay Kuya. Si Papa, pormal lang. Walang sinasabi para hindi makatunog si Kuya sa mangyayari.
"Pupunta yata ang ninong Roman mo dito on weekends... Sunday ba ang sabi ni Roman, Justice? " Tanong ni Mama kay Papa. Totoong pupunta si Tito Roman dito dahil niyaya namin si Ava sa welcome party at get together namin.
"Eh ano ngayon? As if naman... Ngayon nga darating ang professor na kapalit niya. "
"Talaga! Kilala mo na ba?"
"At kaapelyido pa niya. Sus, kasingsungit din kaya niya? Wala na bang ibang professor kundi Espiritu at Lorenzo?"
"Makareklamo ka naman. Maging mabait ka na lang."
"Mama, may lakad ba kayo mamaya?"
"OO, bakit?"
"Baka puwedeng kayo muna ang sumundo kay Leeah? May pupuntahan lang ako."
"Alam mo kuya, puwede saan kaya lang 'yang anak mo magagalit sa amin. "
"Ewan ko ba? Lumalaking selosa...Bantay-sarado tuloy ako."
"May nililigawan ka ba ngayon?"
"Hay ano bang klaseng tanong 'yan? Makaalis na nga , baka kung saan na naman mapunta ang usapang ito." Taktika lang namin iyon para paalisin kaagad si Kuya.
Natawa na lang kami ni Mama. Nagkatinginan kami.
"Mama, naniniwala ka ba kay Kuya na wala siyang nililigawan?"
"Hindi ko masabi kasi siya ang pinakapihikan at pinakamalihim sa inyong apat at pinakakomplikado ang kanyang lovelife. Wala naman akong nahahalata. Palagi naman siya dito sa bahay kasama si Leeah. Walang beer session sa mga kuya mo. Good boy naman..."
"Nakakatakot nga siya ngayon, Mama. Hindi natin alam kung ano ang iniisip niya. Mahal pa kaya niya si Ava? Hay sana magkatuluyan na sila ni Best."
"Ano bang sabi ni Ava?" Nagkibit balikat ako sa kanya kasi iniiwasan ni Ava na mapag-usapan si Kuya. Ayaw niyang iniintriga ko siya.
Maaga kaming umalis ni Mama sa mansion. Hindi na sumama si Papa dahil hihintayin na lang daw niya kami nina Ava at Mama sa mansion. Iyon eh kung balak ni Ava na sumama sa amin.
Nagkita-kita kami sa Academic Affairs. Kilala din doon si Mama dahil kinukuha siya minsan bilang speaker or resource person for Forensic Testing. Mas advance ang nakuhang pag-aaral ni Mama kasi trained siya abroad. Niyaya kami ni Ava na mag-target shooting mamaya sa lower ground ng academy. Ipinasa na daw niya ang kanyang comprehensive resume on line. Ipapasa niya ngayon ang original copies nito.
Walang kaalam-alam si Kuya.
Tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase ng umagang iyon. Nasa firing rangena kaming tatlo. Nagsuot na kami ng goggles namin at earplugs. Seryoso kaming tatlo nina Mama at Ava habang nasa harap kami ng maing mga target.
Malalakas na putok ng bala ang umalingawngaw sa lugar. Hindi namin alam na madami na palang mga tao sa likuran namin. Pare-pareho pa kaming naka-black fitted suit. Maiksi ang buhok ni Mama at parehong mahahaba ang buhok namin ni Ava.
Wala pa ring kupas ang galing namin sa paghawak ng baril kaya hanggang ngayon ay sniper pa rin ako sa aming mga operasyon. Si Ava... Savanna Osborne Espiritu ay bumalik para maging guro kapalit ni Tito Roman. Pumayag si Tito na gamitin na ni Ava ang apelyido ng kanyang asawa kaya tiyak na hindi siya makikilala ni Kuya. Matagal na ring patay si Simeon at nagkapatawaran na rin silang dalawa.
"Sino ba ang pinagkakaguluhan nila?" Dinig kong sabi ng babae sa likuran.
"Ano ka ba? Look, ang hot nilang tingnan..."
"Hot? Hot nga kasi tingnan mo naman ... Mainit talaga sa katawan ang suot nilang outfit. Pupunta lang dito, nakaganyan pa sila. What are they? Models..." Abah, ang etchoserang baboon na ito kung mag-comment. Papansin ka ha! Napalingon ako sa inis. Gusto kong makita ang mukha ng babaeng nagsabi noon at nang maingudngod ko ang fes niya sa floor.
Pero si Kuya ang nakita ko habang nakatabi sa kanya ang mahaderang babae na iyon. Nagulat siya ng makita ako doon.
"Jazzy..." Hindi na ako nagkaila. "Bakit kayo nandito ni Mama? " Pero nilapitan siya ni Ava. Hindi makakilos si Kuya sa kinatatayuan niya.
"Ava..."
"Nice to see you again, Prof. Lorenzo...." Nilapitan din siya ni Mama at nagyakapan kaming tatlo. "Grabeh, namiss ko kayong tatlo" Sabi niya.
"Ava..." Nakita kong iwas pa rin si Ava kay Kuya. Puro pangalan ni Ava ang kanyang nasabi kaya... hayun nilayasan siya ni Ava at nagmadali kaming umalis.
Convoy kami pauwi ng mansion. Nagmotor lang siya paalis ng academy. Hindi ko kayang sagutin ang mga tanong ni Kuya kaya nagmadali rin kami ni Mama. Alam kong magtutuos kami sa bahay pag-uwi niya.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Детектив / Триллер"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...