WE SAY.....

244 6 0
                                    


SIS AND BRO'S IN LAWS POV



CHANDY'S POV



Nagulat ako sa tawag ni Ice. Sa mansion daw siya magpapalipas ng magdamag. Hindi ko alam kumbakit. Napasugod ako doon dahil pinagdadala din niya ako ng mga damit na pamalit niya.



Doon na kami nagkausap. Natakot ako sa narinig ko. Kinidnap ni Eve si Leeah at hindi pa alam ni Ava dahil nasa operasyon pa sila kasama ni Jazzy. Tiyak na magwawala si Ava kapag nalaman iyon.



"Chandy, umuwi ka na. Delikado ngayon. Dito muna kami kina Mama at Papa. UUwi din ako sa bahay pagkatapos ng operasyon namin.


"Ice, mag-iingat ka ha!"



Niyakap ko si Ice. First time na nangyari iyon. Ano bang kinalaman ni Leeah sa away ni Eve at Ava? Bakit si Leeah kung si Lee lang naman ang pinag-aagawan nila? In the first place, we loved Ava a lot more than Eve. Eve has put Lee into shame.



She doesn't go along well with us kahit mayroon kaming get together. Palagi siyang may alibi para hindi niya kaya makasama. Parang angtaas ng tingin niya sa kanyang sarili. Masyado niyang under si Lee. Feeling reyna. Mas reyna pa kay Mama. Palaging nakataas noo kahit wala naman palang maipagmamalaki.



Ipinahamak pa niya ang walang muwang na bata at pinag-alala niya ang buong mansion. Lahat kami ay nabulabog.




XITY'S POV



Hindi nakauwi si Jude sa bahay. nagpaalam siya na sa mansion uuwi.


"Huh, bakit? May emergency ba?"


"Sweetheart, let's talk later. I am in a hurry. Bring me some clothes will you..."



Binabaan kaagad niya ako ng tawag. Seldom na mangyari iyon na uuwi siya ng mansion at doon pa matutulog. Tinawagan ko si Shandy. Nasa mansion na pala siya. ayaw niyang sabihin sa akin kung bakit kaya nagmadali akong kumuha ng damit sa shop at dinala kaagad sa mansion.



"Shan, wait for me ha!"


"Yes, sister..."



Umiiyak si Judevene dahil hanap niya ang kanyang papa. I am so stressed out that day. Inalagaan naman siya ni Jarred pero walang epekto ang kanyang mga pang-uuto niya para patahanin ang sumpong ng kapatid. Kasama niya si Leuwisa ng mga oras na iyon.



Ganoon kami ka-close kahit mga hipag kami at asawa ng mga lalaking Lorenzo. Iba ang bonding namin. Lahat kami ay close. Kaya masaya ang get together namin dahil lahat kami ay nabibigyan ng pagkakataon na makilala ang isa't isa. parang matalik na kaibigan ang aming turingan. Kapag nagkaroon kami ng problema sa aming mga asawa, kami-kami ang nagbibigayan ng payo sa isa't isa. Best friend din namin si Justine, ang panganay na babae ng mga Lorenzo. Close din kami sa bunsong Lorenzo si Jazzy dahil lahat naman sila ay mababait kahit may kanya-kanya silang sumpong.Hindi uso ang inggitan sa amin. May napipikon pero walang magsusuntukan at magsasabunutan sa mga magkakapatid. Walang tsismis dahil all family matters are private matters for us. Ang problema ng isang pamilya ay problema naming lahat dahil lahat ng relasyon ay nagdadaan sa iba't ibang pagsubok. Nagkataon lang na matindi ang pagsubok ni Lee at sa kanila ni Ava.



Napagdaan din namin iyon when I got involved with Jude habang Leuwan wants to win me back. I encountered a very unforgettable tragedy and Lee was there to comfort Jude when he is needed the most. Lahat silang magkakapatid ay naging sandigan ni Jude hanggang makaligtas ako from coma.



It's Lee's turn. Kailangan niya kami.



Grabeh, nakaka-shock naman... Paano nagawa ni Eve na kidnapin si Leeah eh parang anak na niya ang bata? Ay mali pala, never pala niyang itinuring na anak si Leeah kaya malayo ang loob ng bata sa kanya. Ayaw daw kasi ni Eve magkaroon ng anak. Iyon pala naman eh wala na siyang matris tapos minadali niya ang kasal nila ni Lee dahil kay Ava.



We like Ava even more ng malaman namin na siya pala ang biological mother ni Leeah. Akala ko nga kukunin na niya ang bata pero pinatuloy siya sa mansion and later I thought feelings have developed between Ava and Lee pero Jude told me that Ava is Danica Bridge Mayers. That secret is still kept within the family.




SULLIVAN'S POV



Well, alam kong mahirap magkaroon ng asawang pulis. Yes, I worked double time as a graphic artist and a photographer sa DreamWorks but when I married Justine, I also married the whole clan of Lorenzo. I love this family. It was a big family of five children na puro piniling magpulis. My wife is the eldest girl, pero pang-apat siya sa magkakapatid. Dito ko napatunayan ang close family ties nila and it extended even to us kahit mga hipag at bayaw eh ibang klase ang samahan. We are all close to each other. I bonded with the males, sa mga lalaking Lorenzo ... at iba rin ang bonding ng mga babae sa pamilya. Maging mga hipag ay close sa isa't isa. Madalas silang magkatuwaan , magbigay ng payo, makinig sa kuwento ng bawat isa at minsan ay magyayang kumain sa labas. Iyon ang panalo sa lahat. Sa kanila ko lang iyon nakita. Napaka-ideal di ba? Pero they did it.



We all wished that things will end well. 



Delikado ang plano ng magkakapatid. But my wife... my courageous wife was determined to save Leeah. Si Kuya Ice at Papa , the general, made a plan, since it was just a trade between Ava and Eve. Walang nakakaalam kung ano ang sitwasyon ni Lee.

THE SERIAL KILLER: EPILOGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon