KAI

79 2 0
                                    

I found Danica alive. Hindi ako nagkamali ng hinala. Ngayon ko naintindihan ang koneksyon namin ni Ava sa isa't isa. Siya nga si Danica. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon basta sa unang pagkakataon ng aking buhay , naniwala ako sa himala dahil buhay si Danica. After all these years, nagbalik na pala siya. Matagal kong minanmanan si Ava at si Leeah kung ano ang posibleng koneksyon ko sa bata. Anak ko ba siya? Sino ang totoo niyang ama?



Gumana na naman ang aking instinct. Naisip kong baka anak ko si Leeah. Tuwang tuwa ako ng malapitan ko siyang nakita sa gate ng kanilang school. Grade 3 na yata siya. Tamang tama lang ang edad niya sa panahon na nangyari ang malagim na insidente na iyon. Kung buhay si Danica , posibleng ako ang ama ng bata o possible din namang ang lalaking nakauna sa kanya.



Sino kaya ang walang hiyang iyon? Bakit kailangan niyang ipaampon sa mag-anak na pulis na Lorenzo? Bakit hindi na lang niya sa akin ibingay ang bata? Ah tiyak na maiisip niyang wala akong kuwentang ama. Nagawa kong gahasain ang kanyang ina at heto ako , umaasa pa na sa akin niya ibibigay ang bata para alagaan.



Pero hindi niya ako matatakasan. Ano pa ang silbi ng pera ko at kapangyarihan at impluwensiya ng aking mga magulang upang hindi ko makamit ang anumang naisin ko? Lahat ay may katapat na salapi. Nagagamit ang pera upang malantad ang katotohanan at hindi ako nagkamali. In just a matter of week and barely a month, nalaman kong hindi ako ang ama ni Leeah. Sa kanyang birth certificate, kinilala ni Lee ang paternity ni Leeah. Ibig sabihin, siya ang ama. Kung si Ava at Danica ay iisa, ibig sabihin totoong anak nila ang bata. Nabuntis ni Lee ang aking fiancée. Humanda ka, Sgt. Leeam Juz Lorenzo at matitikman mo ang galit ni Kai Zerrudo.



Nakakapanggitgit sa galit. Pero hindi ako tumigil sa pagsuyo sa kanya at nakuntento akong tingnan ang bago niyang anyo. Lalo kung nagustuhan ang kanyang bagong hitsura. Akalain mo nga naman, hindi siya sumuko. Hindi sila sumukong dalawa upang mabuhay. Bagong buhay, bagong bahay , bagong pagkakakilanlan at mas matapang na Ava. Mas tigre ngayon si Danica. Naging aral sa kanya ang kapighatiang kanyang naranasan.



Lalo rin siyang pinanggigilan ni Eve. Hindi alam ni Eve na nalilinlang siya nang kanyang mga mata. Ang babaeng dati niyang kinaiinggitan ay mas kaiinggitan niya ngayon kung alam lang niya. Ang Danica na labis niyang kinamumuhian dahil sa akin at mas kaiinisan niya dahil ipinagpalit siya ni Lee sa kanyang dating mahal na si Danica mismo.



Wala siyang lugar sa aking puso kahit kailan. Mamatay man at mabuhay man ng ilang beses si Danica, si Ava man siya ngayon, ang puso ko ay tanging kay Danica lang at wala ng iba.


THE SERIAL KILLER: EPILOGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon