AVA IS BACK!

102 3 0
                                    

AVA'S POV



Namatay si Eve dahil ang engkuwentro naming iyon sa roof top ng HallyuTowers. Sinikap ng magkakapatid na maging lihim ang lahat at nabansagan tuloy ang pangyayari na Black Project dahil mukhang magagaling daw na vigilante ang grupo . Naitago nila ang pagkakakilanlan namin ni Leeah. Na-hack ni Ivan at Gaspar ang CCTV ng buong tower kaya nalinlang nila ang mga guwardiya at hindi man lang namalayan ang nagaganap na hostage crisis sa taas.



Walang nakaalam ng mga pangyayari at hindi man lang nailathala ang lahat sa mga pahayagan. Magaling ang kanilang taktika. Mabilis ang kanilang isip. Tanging magagaling at eksperto sa mga lihim na misyon ang puwedeng gumawa nito. Natural, matatawaran ba naman ang kakayahan ng secret agents... Syiempre, walang makakapantay sa kanilang galing. Manang mana ng kanilang mga anak ang kanilang husay at galing.



Si Kai, na-paralized ang buong katawan ni Kai ng tangkain niya akong iligtas kay Eve. Tinamaan ang kanyang spine. Hindi siya namatay ngunit buong buhay naman siyang mabibilanggo sa kanyang kama. Aparato ang bumubuhay sa kanya ngayon. Bago ako umalis papuntang America ay dinalaw ko pa siya.



"Kai, patawarin mo ako. Kung sana ay nagawa mo akong palayain, hindi sana humantong sa ganito ang lahat. kahit anong pilit ko, hindi na kita puwedeng mahalin. Binigyan kita ng pagkakataon pero pinili mong malulong sa droga kaysa magpakabuti sa piling ko. Alam kong mahal mo ako... Hindi na ako maghihiganti. Quits na tayo ngayon."



Mas matindi ang kapalit ng lahat. Aanhin ngayon ni Kai ang pera kung hindi na nito madudugtungan ang buhay niya. Nakita ko ang luhang umagos sa kanyang mga mata. Manhid ang kanyang pandama pero ang puso niya ay tiyak na nagdurusa sa bilangguang kanyang kinalalagyan ngayon... higit pa sa rehas na bakal ang kanyang wheelchair at higit pa sa kabaong ang kanyang kamang hinihigaan dahil doon na rin siya naghihintay ng kamatayan.



Wala na siyang pag-asang makabangon pa. Hindi na niya madudugtungan ang nakaraan. Hindi na niya kailanman masasabi ang aking sikreto. Isasama na rin niya ito sa hukay balang araw.



Pinisil ko ang kanyang kamay at saka ako umalis sa kuwartong iyon. Hindi ko sinasabing naging tagumpay ang aking pagkamit ng hustisya. Nalungkot nga ao eh. Aanihin mo pala lahat sa bandang huli ang masamang ginawa mo sa iyong kapwa.



Si Valerie... hindi ko akalaing magagawa ni Valerie ang paghihiganting gagawin ko. Hindi ko iyon inasahan sa kanya. Kung nalaman ko lang kaagad na siya ang pumapasok sa aking tirahan ng di ko namamalayan, sana ay nasabihan ko rin siyang huwag ng ituloy ang paghihiganti.



Pinakahuling biktima ni Valerie si DO. Pero ayon sa report, nagpakamatay daw si DO dahil iniwan siya ng kanyang asawa. Hindi niya nakayanan ang masaklap na pangyayaring iyon kaya mas mainam daw na mamatay na siya. Pinuntahan pa ako ni Valerie ng gabing iyon.



"Sa wakas, naubos din sila. Ako na ang bahala kay DO." Akala ko ay magpapakalayu-layo silang dalawa. Hindi ko alam kung kailangan kong isuplong si Valerie sa mga pulis. Hindi ko alam kung huhulihin ko siya. Hindi ko matimbang ang katwiran sa katotohanan at ang awa at hustisya dahil biktima din siya.



Sayang, nagbagong buhay naman pala si DO pero para kay Valerie... Isang malaking kahibangan ang pananatili niya sa loob ng gusaling iyon na nagsilbi niyang kanlungan, taguan ng lihim at isang malamig na hawla para pagparausan ni DO.



Ang totoo, mahal na siya ni DO pero hangga't lulong siya sa droga, walang mangyayari sa buhay niya. Kung pipiliin pa rin niya ang droga, mainam ngang maghiwalay na sila at iyon ang kanyang ginawa. Ngunit hindi kinaya ni DO kaya nagpakamatay siya. Nagpatihulog siya sa building na iyon.



Lumabas na wala namang foul play. Sa bandang huli, bumalik si Valerie sa kanyang ina ngunit hindi ko na sila nakita sa San Roque.



"Miss Ava, nabili ko na ang dating bahay na inuupahan mo."


"Mainam, Atty. Navarro. Uuwi na ako pero puwede bang gawin mong opisina ko ang secret room sa tabi ng ref ng bahay na iyan. Itago mo ang lahat ng ebidensiya. "


"Sabi mo eh..."



Talagang gusto kong bilhin ang dating kong inuupahan. Pinaaabangan ko iyon sa aking abogado. Kung sakaling maisip na nilang ibenta ang bahay ay ako pa rin ang bibili. Nang mag-migrate sa ibang bansa ang may-ari ng bahay at ng wala nang umupa dito dahil sa naging pang-aambush sa akin ay minabuti nilang ibenta na itong tuluyan sa akin.



Pagkatapos kong ibaba ang tawag na iyon ay tinawagan ko si Leeah. Tuwang tuwa akong marinig ang boses niya. Hindi ko rin natiis sina Mama at Papa.



"Iha, ginulat mo kami..." Dinig ko ang iyak ni Mama.


"Mama, huwag ninyong sabihin kay Lee na tumatawag ako sa inyo." Hindi ko ipinaalam kay Lee ang pagkkaaroon ko ng komunikasyon sa kanila. Masayang masayang muli si Jazzy dahil nagkausap ulit kami.


"I'm going home, Mama... Papa..."


"Sunduin po ninyo ako...Isama ninyo si Leeah."



Ang lahat ay inilihim ko kay Lee. Hangga't maaari ay ayokong malaman niya ang pagbabalik ko. Hindi pa kao handang makita siya.

THE SERIAL KILLER: EPILOGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon