FEW MORE FLASHBACKS

109 3 0
                                    

3RD PERSON'S POV



Ilang araw pa lang na nakakauwi si Ava ay nagtungo siya sa Colombarium upang dalawin ang abo ng kanyang mga magulang. Masaya siyang humarap sa mga ito.



"Mama, Papa, Angel, bumalik na ako. Nakapag-isip-isip na rin ako ng mabuti. Sa tingin ko ay mas handa ako ngayon na harapin ang bagong buhay. As in totoong buhay kasama ang aking mag-ama, sina Lee at Leeah. Na-miss ko silang dalawa. Anglaki-laki na po ni Leeah,Mama,Papa. Kamukhang-kamukha po siya ni Lee pero napakaganda po niyang bata at napakatalino kaya mahal na mahal siya nina Mama Lemuela at Papa Justice.



Sana po ay masaya na kayo kung saan man kayo naroroon ngayon. Hayaan po ninyo at magiging mabuti akong asawa kay Lee. Magtuturo na lang po ako sa academy kung iyon ang mas makabubuti sa amin ni Lee.



Mama, Papa, Angel, I'll say say to Lee if he asked me to marry him. I will not deny my feelings anymore at hindi ko na siya pahihirapan. Gusto ko naman po talaga siyang makasama sa habambuhay at hindi namin aaksayahin ang aming mga araw sa pag-aaway.



Mamahalin namin ang isa't isa buong buhay namin."



Binalikan niya ang kanilang lumang bahay. Pinag-iisipan pa rin niya kung ibibenta ba ito o pauupahan o kaya naman ay patitirhan na lang kina Drexel at Whitney tutal naman ay naging tapat sila sa naging serbisyo sa kanyang mga magulang.



"Atty. Navarro, do you suggest anything?"


"Mas mainam pa rin na gawin ninyo kung ano ang sa tingin ninyo ay makabubuti. Malaki ang halaga ng property na ito, Ms. Ava. " Sanay na rin ang abogado na tawagin siya sa pangalang Ava. Napangiti si Ava.



Sinamahan siya ng abogado sa loob ng kabahayan. Pinasok ang loob ng kanyang kuwarto. Inikot ang kanyang paningin sa loob. Wala daw ginalaw doon. Walang pinalitan maging ang kurtina ay hindi ginagalaw pero ipinapalinis niya ito buwan-buwan upang maiwasang kumapal ang mga alikabok. Biglang napako ang mga mata ni Danica sa iron rod ng kurtina.



Tinawag ang isa sa kasambahay na isinama niya mula sa kanyang bahay sa San Roque. May isa ding binata silang kasama kung sakaling kailanganin ang tulong ng lalaki. Ipinababa niya ang iron rod ng kurtina. May hinahanap siya ngunit hindi niya alam kung ano. Sinalat niya ng kabuuan ng manipis na ngunit magaang tila ba tingga hanggang sa makapa niya ang isang device. Intact pa rin iyon doon. Maingay niya itong tinanggal doon.



Hindi ito halata sa sobrang liit. Nakakubli ito sa kurtina at walang makakaisip na mayroong ganitong device sa itaas na bahagi. Hindi mo aakalaing hidden camera pala iyon. Kung ano na lang ang pumasok sa kanyang isip, naalala niyang bigla ang turo sa kanila ng kanyang professor.

THE SERIAL KILLER: EPILOGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon