LEE'S POV
Hindi nagpahatid si Ava sa kanyang bagong tirahan. Alam kong iniiwasan pa rin niya ako. Naisip kong padalhan siya ng bulaklak for making my night a memorable one again pero hindi ko alam kung saan siya ngayon nakatira. Tinawagan ko si Kuya Ice.
"Kuya, diyan na ba ulit nagtatrabaho si Ava?"
"Huh, Lee. Napatawag ka. Agang – aga si Ava na naman ang hinahanap mo. Di ba sa mansion siya umuwi kagabi?"
"Huh, paano mo nalaman? "
"Saan ka ba nanggaling at anong oras ka nang umuwi? Ikaw lang ang wala kagabi? May welcoming party sa mansion kagabi dahil bumalik na si Ava. Nandyan ako kagabi. Sumama sina Gaspar at Ivan pati sina Jino at Jhopet. Sus! Ikaw na taga-mansion, hindi mo alam ang nangyayari sa paligid mo."
Ibig sabihin, sila ang maingay na nag-iinuman sa likod-bahay at malamang sina Ava at Jazzy ang naka-bathing suit. Wait! Tatlo ang nakita ko kagabi. Hindi kaya si Mama iyon? Angtindi nilang tatlo. Ah siguro nga kasi silang tatlo ang nakita ko sa Firing Range.
Pero saan ngayon si Ava?
Pagpasok ko ng faculty room, mga mga nakapatong na libro doon. Mukhang dumating na ang bagong Prof. Espiritu na tinutukoy ni Ninong Roman. Pumasok si Sgt. Querubin. Ibinagsak ang kanyang clipboard ng attendance sheet.
"Unang araw, absent. Anong klaseng professor 'yan? Sa lahat pa naman ng ayoko ay 'yong mag-substitute ng klase ng may klase."
"Baka naman may nangyari..."
"Bakit ba kapag magaganda, mayayabang din? Nakakainis!" Bigla akong natawa. Si Ava kasi ang madalas naming ilarawan na magandang mayabang. So it means pati pala ang bagong professor ay maganda at mayabang. Di ngaaa!
Hinintay ko kinabukasan na makilala ang bagong professor sa Ballistics. Pagdating ko sa parking area ay nakita ko ang isang pamilyar na kotse doon. Ang kotse ni Papa. Inisip ko tuloy na nandoon si Papa o kaya si Mama kaya dumaan ako sa Academic Affairs. Tahimik lang ako at palinga-linga. Hindi ako nagtatanong. Wala akong napala kaya minabuti kong pumasok na lang sa klase ko. Hangos na tumatakbo si Dorothy.
"OMG! Bakit ba napaka-traffic? Haaa, haaa haaa... " Hiningal siya sa pag-akyat sa Second Floor. Madadaanan ko ang classroom ni Ninong Roman bago ang klase ko. Kaya lang nakatalikod ang babae tulad ng uniporme ko sa academy. Nakakulay asul din siya ng over all at nakalugay ang mahabang buhok sa likuran. Maganda ang katawan. Napangiti na lang ako. Angganda sa likuran , sana mas maganda kapag nakaharap. Natatawa- tawa ako sa loob-loob ko.
"Sir, bakit po kayo natatawa?" Tanong ni Dorothy.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Mystery / Thriller"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...