AVA'S POV
I really went back to see if Lee hasn't change about his plans for our family. Hindi ako masyadong naghahangad ng sobra-sobra sa kanya. Sapat na sa akin na maging katuparan ng kanyang mga hiling. Pareho lang naman siguro ang kahilingan ng aming mga puso. Hindi niya ako binigo. Hindi rin ako binigo ng Diyos.
Nang hapong magpunta siya sa St. Gabriel Church ay nakita kong nagdaan ang kanyang kotse sa tapat ng bahay. Inisip ko na madalas pa rin pala siyang magtungo doon. Sinundan ko siya at nakitang seryosong nakayuko at nagdarasal. Taimtim ang kanyang dasal hanggang sumungaw ang luha sa kanyang pisngi. Masyado talaga siyang emotero, pati si Lord dinadramahan. Eh nangungulit lang naman siya. Sinabayan ko ang kanyang pagdarasal. Ni wala siyang lingun-lingon sa kaliwa't kanan o sa kanyang likuran kaya hindi niya ako napuna. Naiyak din ako ng makita kong humihikbi siya at umuuga ang kanyang balikat.
Sobra naman siya. Ano pa bang iniiyakan niya? Hay, iskandaloso...
Pagdating daw niya sa mansion ay uminom na naman. Ngayon na lang ulit siya uminom kung kailan nandito na ako. Ah, siguro ay problemado siya. Tiyak na kinakabahan siya na magbabago ang isip ko at lalo akong magagalit dahil sa mga ginagawa ni Dorothy. Pero hindi niya alam kung anong ginawa ko kanina pagkatapos mang-agaw ng bulaklak ang kanyang estudyante.
Kapag hindi niya tinantanan si Lee , abogado ko na ang kakausap sa kanya. Mabuti nga at mabait pa ako ng lagay na iyon at hindi ko siya tinutukan ng baril. Kung hindi ko lang naiisip na magiging professor niya ako, hindi ko palalampasin ang pambabastos niya kanina.
Kinorner ko si Dorothy. Inabangan ko siya sa library at doon nangyari ang komprontasyon naming dalawa. Sinabihan ko siyang tigilan si Lee. Hindi ko hahayaang masira niya ang aming pamilya. Pero mukhang hindi pa siya naniniwala. Well, hindi ko siya pipilitin. Magugulat na lang siya.
Hindi ko na rin pinalampas ang pagkakataong ito. Madami talagang pinagdadaanan ang relasyon ng tao. Ang pinakamahalagang doon ay palagi itong hinaharap ng may kasamang pang-unawa at pagmamahal.
"Ava...."
"Lee..."
Pinag-usapan kaagad ang aming plano sa nalalapit naming kasal. Tinawagan namin si Fr. Pio kung may schedule ba ng kasal sa ikalawang linggo ng Disyembre. Nagback –out daw ang bride ng kasal kaya kababakante lang nito. Wow! what a blessing in disguise, so we have a spot for that date.
Nandoon din si Xity.
"Kuya, ready na lahat iyon. So, tuloy na tuloy na." Napatingin ako kay Lee.
"What!" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kompleto ang buong entourage. I have my own bride's maid who is my bestfriend Jazzy at Lee's bestman, Gaspar. Hindi ko kinalimutan sina Jino at Jhopet na malaki ang tiwala sa akin.
Masayang masayang natapos ang get together. Na-polish kaagad ang aming usapan kasama sina Papa Roman at Mama Alexa. Sila ang tatayong mama at papa ko. Inangkin na nila akong anak noon pa man lalo na noong magkapatawaran kami.
"At tuluyan ka na ring magiging Lorenzo" Yumakap ako kay Lee.
Masaya kaming pumasok ni Lee sa academy. Syiempre, pormal kami. Nakita ko na naman si Dorothy at nilapitan niya si Lee. Hindi ko hahayaang salingin uli niya ang dulo ng daliri ni Lee o manakawan siya ng halik.
"Honey, huwag mo na siyang patulan. Dorothy, imbitado ka sa kasal namin." At itinaas ni Lee ang kamay ko to show our engagement ring. Hindi lang kasi iyon napapansin ng dalaga.
"So, totoo po talaga na..."
"May anak na kami ni Ms. Espiritu. Long before maging Espiritu siya, daughter-in-law ni Prof. Roman Espiritu na ninong ko."
"WHATTTT!"
"Girl, ito ang totoong endless love. Although pareho kaming nawalan ng asawa, we still long for each other. Kasi siya talaga ang first and last love ko."
Luhaan ang dalaga. kawawa naman. Ayaw kasi niyang maniwala. Gusto pa niyang nasasaktan. Choice niya 'yun kaya sorry na lang talaga.
Preparations are made already. We attended seminars for atleast four Sundays as required by the Church. Syiempre, ipinasa namin ang dokumento na katunayan na pareho kaming biyuda at biyudo ni Lee.
"Talagang hinintay po ninyo ang isa't isa ha!"
"Buti po at nakapaghintay pa." Sabi ni Lee. "Ava..." Ngumiti ako sa kanya. Mag-i-emote na naman siya.
The final day has come.=)
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Mistério / Suspense"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...