VALERIE'S POV
Dati ko na palang nakikita si Miss Ava sa simbahan. Hindi ko lang siya namukhaan. Maging si Sir at doon ko din nakikitang nagsisimba sa St. Gabriel Chruch. Parang doon din sila nagtagpong dalawa. Madalas kong makitang magsimba ang babaeng iyon. Madalas siyang mag-isa at tahimik na uupo sa mga flower boxes sa tabi ng parking area. Minsan, sinundan ko siya upang alukin ng sampaguita ngunit nakita kong umiiyak siya.
May binata din akong nakikitang umiiyak sa parking area sa magkaibang pagkakataon. Hay, parang crying ground tuloy ang parking area. Ang parking area na iyon ay para sana sa mga kotse nila ngunit maging sa mga pagod na puso din pala. Doon nila inilalabas ang kanilang mga sama ng loob . Pagkatapos naman nilang umiyak, aalis na parang walang nangyari.
Silang dalawa rin ang tumulong sa akin sa magkaibang pagkakataon. Nakilala ko si Miss Ava ng minsan akong mapagtripan ng mga binatilyong nakamotorsiklo. Natakot ako ng paligiran nila ako. Hinablot ako ng isang lalaking parang malalaki ang mga mata. Cute sana, maputing lalaki , malago ang buhok at heart-shaped ang labi pero bastos at manyakis naman.
"Miss, type kita..." Sabi niya. Pero natakot ako kasi lahat ng mga mata nila ay nakatutok sa akin. Para silang mga asong lobo at ako ang kanilang pagkain pero kumaripas silang lahat ng takbo ng makatikim sila ng malalakas na sipa at suntok mula kay Miss Ava. Estudyante pa lang noon si Miss Ava. Ako naman ay nahinto nang pag-aaral para tulungan si Nanay na magtitinda. Biyuda na si Nanay at tatlo kaming magkakapatid. ako ang panganay.
Nagkataong naghahanap pala siya ng kasambahay dahil bago lang siya sa lugar at kailangan niya ng maglilinis at maglalaba para sa kanya. Kaya hayun, ako ang naging instant kasambahay niya. Instant tagapagtanggol ko pa.
Humanga ako sa galing niya dahil babae kasi siya. Sa telebisyon ko lang nakikita na magaling makipaglaban sa mga goons ang mga babae pero hindi pala. Tulad niya, anggaling niyang mangarate. Natakot 'yong mga goons sa kanya. Malakas ang loob niya na sagupain ang mga lalaking iyon kahit mag-isa lang siya.
Maging si Sir... Sir Lee...iyon ang pangalan ng professor ni Miss Ava. Ah parang gusto ko ring magpulis. Sana makapagtapos ako ng pag-aaral tulad niya. Bilib ako sa katulad niya.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Mystery / Thriller"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...