LEE'S POV
Nagpagaling lang ako sa aking mga tinamong sugat. Nawala rin ang mga hallucinations ko. Grabeh , nakakatakot pala talaga ang epekto ng droga. Ganoon pala iyon. Imagine, may naririnig akong tumatawag sa akin at pakiramdam ko ay may hahabol sa aking demonyo. Mabuti na lang at iba ang epekto nito sa akin. Tahimik ako at hindi nagsasalita. Malungkot na di ko malaman kung totoo ba ang lahat.
Salamat naman at wala na ang pakiramdam na iyon. Pero heto ako ngayon. Wala na ang bakas ng mga pasa sa aking mukha mula sa pambubugbog sa akin ni Kai at DO. Putok ang labi ko sa pagkakasuntok sa akin. Ni hindi ako nakaganti dahil nakagapos ako. Gusto ko lang matapos ang lahat at makauwing buhay kasama ni Leeah at Ava.
That is the worst time of my life. Kapag nasa panganib ka pala, kung anu-ano ang sumasagi sa iyong isipan. Mga bagay na sana ay ginawa mo pero hindi nga lang inadya ng pagkakataon. Naisip ko pa nga na kung mamamatay ako ng mga oras na iyon, sana ay naging legal kong asawa si Ava para naibigay ko ang apelyidong Lorenzo sa kanya tulad ng matagal ko nang inaasam-asam para sa kanya.
What the heck has gotten into her changeable mind? All of a sudden ayaw na niyang magpakasal sa akin. Samantalang iyon na lang ang kulang sa maing pagsasama. Nagagawa namin ang mga bagay na tulad ng mag-asawa pero ang basbas ng simbahan ay wala kaya siguro palagi siyang nag-aalangan at nagdududa kung tama ba at moral ba ang aming ginagawa.
Pagbalik namin dito sa Manila mula sa pagbabakasyon sa Hongkong, hindi ko inakalang magbabago ang lahat. May plano pala siyang iwan ako kasama si Leeah. May pagkakataon sana siyang itakas ang bata habang tulog ako pero hindi niya ginawa. This time, she went all along on her own.Napaka-unpredictable talaga ng mga baba. kahit gusto, aayaw pa. Kapag-ayaw, gusto pala. Nakaka-lurkey talaga silang mag-isip at magdesisyon.
Habang nakagapos ako at pinahihirapan, iniisip kong matapos kaagad ang buhay ko kasi pagod na rin ako. Angdami na naming pagsubok na pinagdaanan at napagtagumpayan pero ang ilap ng kaligayahan para sa maing dalawa ni Ava. kaligayahang pannadalian lang ang aming nakukuha. Gusto naman namin 'yong pang-forever na. Kung kailan tapos na ang lahat saka pa niya ako iniwang mag-isa. Iniwan niya kami ni Leeah. Hindi ko alam kung babalikan niya kami. Hindi ko alam kung kailangan kong maghintay. At maghihintay na naman ako sa kanya. Ilang taon? Isa, dalawa, tatlo... sa bandang huli, nganga... wala pala akong inaasahan.
Kumuha na lang ako ng bote ng alak. Sa tingin ko , mahihirapan akong makatulog ngayon. iisipin ko na lang ng iisipin si Ava hanggang sa tuluyan akong mapagod at kusang pumikit ang aking mga mata ngunit kahit sa panaginip ay hindi man lang niya ako dalawin. Mailap talaga si Ava. Masyado niyang pinahihirapan ang aking kalooban.
"Lee, tigilan mo nga 'yan." Awat ni Mama sa basong hawak ko. "Kailan ka pa naging manginginom ha! Tama na 'yan..."
"Mama..."Ambilis tumulo ng aking luha. Para akong hindi lalaki. "Nasaan na si Ava?"
"Iho, focus on other things. Live your life. Nakakalamang ka na nga eh. Madami ng buhay ang ibinibigay sa iyo kaya lubus-lubusin mo at huwag mong sasayangin."
"What's with this life without Ava?"
"Hayan ka na naman... Babalik din si Ava. Malay mo, nagrerelax siya somewhere in the Carribean?"
"Without us? Buti kaya niyang magsaya ng ganoon?"
"Kung kaya niya, kakayanin mo rin..."
What a mighty thought from my mom? Kaya ko rin hindi para patunayang kahit wala siya ay kaya kong mabuhay, no, it's not that.
Kanya-kanya talaga tayo ng purpose sa mundo kaya lang sa edad ko ngayon partner na ang hanap ko. Tapos na ang unos at malaya na kami ni Ava.
Makakapagpakasal na kami sa wakas. Maisusuot na rin niya ang wedding gown na ipinagawa ko pa sa OLI Group.
I'll wait for your, Ava.
I will wait for you...
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Mystery / Thriller"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...