LEE'S POV
Hindi ko inaasahan na ang professor na tinutukoy nila ay si Ava. Little did I know na Prof. Espiritu pala ang ginamit niyang apelyido. Anyway, that's her legal surname for now. Hindi ako tumututol doon. Walang problema kay Dorothy. Masyado lang siyang desperado kasi hindi niya kilala si Ava at kung ano kaming dalawa.
Dumiretso na lang ako sa St. Gabriel Church. Nag-emote na naman ako sa harap ng Diyos. Tahimik ang lugar ng mga oras na iyon at ramdam ko ang bigat ng aking kalooban. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay pahihirapan ako ni Ava ng ganito.
♪Minsan oo, minsan hindi, Minsan tama, minsan mali.♪
♪Umaabante, umaatras ... Kilos mong namimintas♪
Lord, bumalik na si Ava. Matagal ko na siyang hinihintay at sana ito na rin po ang tamang panahong para sa aming dalawa. Gusto ko na pong mabuo ang aking pamilya at hindi na po ako bumabata. Wala na akong ibang puwedeng lapitan pa na mas makakapagpabago ng damdamin niya kundi kayo. Ano pa po ba ang dapat kong gawin para patunayang mahal ko siya?
♪Kung tunay nga ang pag-ibig mo♪
♪Kaya mo bang isigaw♪
♪Iparating sa mundo♪
Mahal na mahal ko pa rin si Ava hanggang ngayon. Kung hindi pa siya dumating , ako na po talaga ang pupunta sa kanya. Lord, salamat. Iniisip ko po ngayon ng blessing ang pagbabalik niya. Kahit papaano, may tsansa pang mabuo ang akin pamilya. Pero hindi po iyon mangyayari kung hindi niyang ako tutulungan.
♪Tumingin sa 'king mata, Magtapat ng nadarama♪
♪Di gustong ika'y mawala, Dahil handa akong ibigin ka♪♪Kung maging tayo ,Sa 'yo lang ang puso ko♪
Lord, wala pong imposible sa inyo . Nagagawa ninyong possible ang lahat ng bagay. Mapapalambot po ninyo ang kalooban ni Ava kung hanggang ngayon ay tinitikis niya ako. Sana po ay huwag na niya akong pahirapan. Madami-dami na po kaming pagsubok na nalampasan at lalo kaming matututo sa isa't isa. Lagi ko pong inaasam-asam na magkakasama na rin kami sa iisang bubong.
♪Walang ibang tatanggapin, Ikaw at ikaw pa rin♪
♪May gulo ba sa 'yong isipan, Itugma sa nararamdaman♪
♪Kung tunay nga ang pag-ibig mo, Tumingin sa 'king mata, Magtapat ng nadarama♪
Mahal na mahal ko pa rin po si Ava. Si Ava na lang po ang huli kong iibigin ngayon. Kung hindi rin lang siya ay huwag na lang po. Pero kung anupaman ang inyong kagustuhan, bigyan po ninyo ako ng pusong magagawang tumanggap ng kanyang pagkatalo.
♪Di gustong ika'y mawala, Dahil handa akong ibigin ka♪
♪Kung maging tayo♪
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Mystery / Thriller"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...