VALERIE'S POV
Kinausap ako ni DO at sinabi niyang gusto niya akong maging asawa. Tao din siya at marunong magmahal. OO naman, lahat ng tao ay may karapatang magmahal at mahalin. Kahit ang tulad nila na salot ng lipunan, may bisyo at mga mga kabarkadang may di maganda impluwensiya ay marunong magmahal. May pamilya din siya ngunit dahil bunso ay sunod ang kanyang luho.
"Be my wife, Valerie."Sabi niya. Makakatutol pa ba ako? Matapos niya akong kidnapin at pagsawaan ng kanyang mga kasamahan. Ano pa ang mukhang maihaharap ko kay Nanay? Diring diri ako sa aking sarili.
"Sorry kong...." Pinigilan kong ituloy ni DO ang sasabihin niya. Iba ang ginawa niyang kasalanan sa akin pero ang babuyin ang pagkatao ko at ituring na sex object ng kanyang mga kabarkada ay hindi ko mapapalampas.
Magtutuos kami pagdating ng araw at paghahandaan ko iyon.
"Stay here, Val. " Iyon ang gusto niyang gawin sa akin. Ikulong sa bahay na iyon. Araw-araw siyang umaalis, Araw-araw siyang umuuwi at hindi ako nagtatanong kung saan siya pumupunta at kung ano ang ginagawa niya. Pinagsisilbihan ko siya tulad ng isang asawa.
First time kong makatira sa isang marangyang lugar na tulad noon. Noon ay dinadaan ko lang ang gusaling iyon. Tinitingala at nangangarap na makatira doon balang araw ngunit ang maging bilanggo sa lugar na ito ay man lang sumagi sa aking isipan. Maganda nga sa labas ngunit animo'y isang hawla. Itinago ako dito ni DO. Inilayo niya ako sa tunay kong mundo. Inilayo niya ako sa aking pamilya at iniwan sila na balot ng pag-aalala.
Mabait si DO kaya hindi ako nahirapang mahalin siya. Sinunod ko ang mga gusto niya. Ibang klase siya sa kama. Hindi siya katulad ni Sir. Marahas siya at masyado siyang dramatic. Masyadong mabulaklak ang kanyang dila, madaldal kapag nakikipag-sex. Si Sir nga umuungol lang pero siya daldal ng daldal. Gusto niya sumisigaw ako sa sarap.
Nakakapagod siyang kaulayaw sa kama. Matagal siyang ma-satisfied. Palibhasa ay bata, masyadong mahaba ang kanyang orgy. Lahat na ng style ay nagawa namin. Minsan lumbas kami ng kuwarto. Tinanaw namin ang nagkikislapang ilaw sa baba na nakapaligid sa tower na iyon. Akala ko ang mga bituin ay sa langit lang puwedeng tingalain, puwede mo rin siyang tanawin sa baba kung nandito ka sa taas ng Golden Gate Tower.Iba ang pakiramdam habang nasa dilim kaming pareho ni DO. Nakayakap siya sa aking likuran.
"Valerie...magpakasal tayo bukas."
"DO..."
"Don't you believe me? Hindi ko alam kumbakit ako naging ganito sa iyo, Girl. " Gumapang ang labi niya sa aking leeg at punong tenga. Gumapang ang kanyang kamay sa bestidang suot ko habang inililislis niya ito paitaas.
"DO..."
"I love you, Valerie. "

BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Mystery / Thriller"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...