FINAL CHAPTER

132 3 0
                                    

LEE'S POV



This is our final destination. Not the final destination we are thinking in the movie. For those who love a person, this is exactly what we wanted to end up with. End up with a person we love and believe in forever. Love will mysteriously take place and fulfill everything in its proper time and order.



Dito ko lalong na-appreciate ang pagmamahal ng Diyos. Matapos ang mahabang paghihintay na puno ng pagsubok at sa pananalig ko na hindi ako bibitiwan ng Diyos, heto nasa harap ako ng altar at hinihintay si Ava habang unti-unti siyang naglalakad papunta sa harap ng altar. Katabi ko si Mama at Papa. Masayang masaya sila para sa akin. Panay ang tapik ni Papa sa balikat ko. Proud na proud sa akin. Si Mama naman, hawak ang kamay ko at panay ang haplos .



"Lee, kinakapabahan ka pa ba?"


"Excited lang po , Mama."


"Mahal na mahal mo ba talaga si Ava...."


"Nang buong buhay ko, Mama..."



Dinig ko ang malamyos na himig ng mga Heswitang kumakanta ng aming theme song. Napakamemorable ng simbang iton para sa amin ni Ava. Ito ang aming naging kanlungan sa mga panahon ng aming kalungkutan kahit noong mga binata't dalaga kami.



♪Bawat huni ng ibon sa pag-ihip ng amihan♪

♪Wangis Mo'y aking natatanaw♪



Hindi mo iisiping kami ay parehong dumanas ng maraming kapighatian sa buhay. Hindi mo iisiping ang lahat ng iyon ay nagawa naming pagtagumpayan dahil hindi rin kami tumigil sa pagtawag sa Diyos sa kanyang awa at gabay.




♪Pagdampi ng umaga sa nanalamig kong kalamnan♪
♪Init Mo'y pangarap kong hagkan♪



Maraming beses naming nakalimutan ang katotohanan at katwiran. Maraming beses kaming nabulid sa kasalanan. Maramig beses naming pinagsaluhan ang magdamag na puno ng pagdurusa sapagkat ang lahat ng iyon ay kasalanang mortal. Isang mabigat na kasalanan sa Diyos ngunit sinikap naming sundan ang kabutihan.



Chorus:

♪Panginoon, Ikaw ang kasibulan ng buhay♪
♪Puso'y dalisay kailanpaman♪
♪Ipahintulot Mong ako'y mapahandusay♪
♪Sa sumasaimbayong kaginhawahan♪





Tanging sa Diyos ko lang naihinga ang lahat ng aking mga kalungkutan, kabiguan, ng aking mga pagkakamali ng paborito kong gawin kasama si Ava. Hindi ko maiwasan ngunit ng mawala si Ava, naisip kong maging siya ay nahirapang iwasto ang aming pagkakamali habang natutukso siya sa akin. Matapos ang unos ng aming buhay, Iniwan niya ako.



♪Nangungulilang malay binulungan ng tinig Mong♪

♪Nagdulot ng katiwasayan♪
♪Paghahanap katwiran nilusaw Mo sa simbuyong♪
♪Karilagan ng pagmamahal♪




Ngunit the more na malayo kami sa isa't isa, lalong nag-alab ang aking pagmamahal sa kanya. Lalo kong kinatok ang pintuan ng langit na wakasan na ang aking paghihirap at kung maaari ay bigyan ako ng kaginhawaan sa piling ni Ava. Hindi sapat na kami lang ni Leeah. Dapat kasama si Ava. Dapat mabuo ang maing pamilya.



(Chorus)


Coda:
♪Dalangin pa sana'y mapagtanto kong tunay♪
♪Kaganapan ng buhay ko'y Ikaw lamang♪



Hinawakan ko ang kamay ni Ava ng mahigpit habang papalapit kami altar. Magsisimula na ang seremonya. Ang lahat ay tahimik, kinakabahan, pero ako, excited at nininerbyos dahil nagdadasal akong wala ng aberyang mangyayari. Ayokong may sisigaw ng pagtutol. Huwag ngayon, please lang. Ayokong may barilang magaganap dahil mamayang gabi pa iyon sa kama kapag kami na lang ni Ava. Hindi puwedeng may magmoment sa kasal namin. Huwag please...



Kasal namin ito ni Ava at huwag kayong kill joy. Hindi puwedeng kayo lang ang masaya.



Nandoon ang pinakamalalapit naming mga kamag-anak at kaibigan. Kompleto ang buong angkan ng Lorenzo pati si Lola Thelma at Lolo Logan. Ang buong kapulisa ay red alert. Syiempre kasal namin ito ni Ava.



"Do you take Savanna Osborne Espiritu...." Sabi ni Fr. Pio.


"Yes Father..."


"Do you take Leeam Juz Lorenzo..." Tinanong naman si Ava. Ngumiti sa akin. Sabay sagot ng "Yes, Father"



And our I do's and YESES made a big difference in our life now. Napahagulgol ako ng iyak ng yakapin ko si Ava. Iyak ako ng iyak. Nahihiya siya sa aking ginawa. Pinahid niya ang aking luha.



"Lee naman eh, tumigil ka nga ng kaiiyak. Nakakahiya na..."


"Ava, hindi ko kasi mapigilan."


"Isa..." Para akong batang binibilangan para tumigil sa pag-iyak.


"Dalawa..." Tinitigan niya ako ng matalim. Nakakatakot nga eh. bago pa siya magsabi ng tatlo ay suminga ako at tumigil, inabutan ako ni Leeah ng tubig. Tinapik niya ako.


"You can do it , Daddy." Sabay bulong niya sa akin.



Nagkasigawan sa loob ng simbahan ng sabihin ng pari ng you may kiss the bride. Eh kasi iyon ang pinahihintay kong announcement sa lahat. Si Ava ay kikilalanin ngayon bilang Savanna Orborne Espiritu y Lorenzo... Ang aking maybahay...



And I am Leeam Juz Gonzales Lorenzo, the 2nd son of Justice Lorenzo and Lemuela Marie Gonzales...

THE SERIAL KILLER: EPILOGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon