Si Valerie Santiago ang dating kasambahay ni Ava. Tinulungan niya ang dalaga sa grupo ni Kai ng gabihin siya sa pagtitinda ng sampaguita sa St. Gabriel, the Archangel Church. Pinaligiran na siya ng grupo . Maganda kasi si Valeire at batang bata. Iyon ang kahinaan ng mga binatilyong ito. Hari sila ng kalsada. Ang kalsada ay tila ba isang malayang bilihan para pumili ng taong kanilang magiging biktima. Nailigtas ni Ava si Valerie sa tiyak na kapahamakan. Nagkasundo sila na magiging kasambahay niya ang babae at titigilan na ang pagtitinda doon sa dis oras ng gabi. Ngunit dala ng kahirapan at sa kagustuhang madagdagan ang kanyang kita ay hindi niya sinunod ang sinabi ni Ava. Nagbenta pa rin ito ng sampaguita at gumala sa kalye hanggang sa maubos ang kanyang tinda.
Natyiempuhan na naman siya ng grupo ni Kai at si Lee naman ang tumulong sa kanya. Naitaboy naman ni Lee ang mga kalalakihan. Tinulungan siya ni Valerie na gamutin sana ang kanyang sugat sa mukha. Hindi akalain ni Valerie na nasa bahay na si Ava noon. At doon nalaman ni Lee kung saan nakatira ang kanyang estudyante. Pinagtagpo silang muli ng tadhana.
Matapos ang insidenteng iyon, biglang bigla na lang na hindi na pumasok si Valerie at sinabi ng ina na pinag-aral na daw ang dalaga. Natuwa naman si Ava dahil iyon din sana ang balak niya para kaya Valerie. Balak niya itong papag-aralin dahil mukhang matalino naman siya at sayang kung magtitinda lang siya ng sampaguita. Delikado iyon para sa kanya. Kaya si Manang Alicia ang tumayong kasambahay ni Ava simula noon.
Kinukumusta niya ang dalaga sa ina at sinabing okay naman ang pag-aaral nito. Umasa si Ava na maisip man lang ni Valerie na dalawin din siya ngunit hindi iyon kailanman nangyari. At hindi siya nagkaroon ng hinala na may malaking problema ang matandang kasambahay dahil madami ring problemang kinakaharap si Ava.

BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Mystery / Thriller"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...