THE TRAGEDY

100 3 0
                                    

AVA'S POV



Hindi ko makalimutan ang trahedyang nangyari ng araw na iyon. Napuno ng dugo ang rooftop ng HallyuTowers. Binaril ako ni Eve dahil talagang gusto niya akong patayin. Pero si Kai ang humarang sa akin.



"KAIIII!" Si Eve ang naghysterical sa nangyari . Hindi niya magawang lapitan si Kai. Lalo pa siyang nanggalaiti sa nakita kaya para makaganti si Lee naman ang kanyang pinaputukan. Wala sa sarili si Lee. Mukhang may ginawang di maganda sa kanya. Pinaputukan siya sa balikat at bumagsak ang kanyang hinang hinang katawan sa semento. Isa pang putok at pumikit siya . Hindi ako makaiyak para sa kanya dahil isinampang bigla si leeah sa pasamano. Hindi ko alam kung sino ang uunahing kaawaan. Eh halos mabaliw ako sa torture na ginagawa sa akin ni Eve. Hindi niya alam kung gaano kasakit para sa akin na makitang nasasaktan ang dalawang taong mahalaga sa akin. halos mabaliw ako dahil hindi ko sila malapitan, mayakap at mahagkan.



Pinagtangkaan pa niya ang buhay ni Leeah and thanks to Suho kahit may pagkapraning siya, alam niyang bad ang utos sa kanya. Binaril siya ni Eve sa noo at ang masaklap diretso siya sa ground floor ng tower building. Nahulog siya sa baba. May he rest in peace. Salamat sa kanya dahil nabunutan ako ng tinik sa pagkuha niya kay Leeah ngunit kapalit noon ang kanyang kamatayan.



Hindi ko ma-underestimate ang kakayahan ni Eve sa paghawak ng baril. Hindi na iyon kataka-taka. Saan pa ba niya puwedeng gamitin ang kanyang pera? Heto ... mag-aral kung paano humawak ng baril at matutong bumaril at pumatay. Pera lang ang katapat at matututo ka rin. In fairness, magaling ang instructor niya.



"Nag-aral talaga ako kung paano bumaril, Ava..." Pinaghandaan talaga niya ang araw ng pagtutuos. Hindi na ako magtataka kasi masyado kasi siyang insecure.


"NO doubt..."Sigaw ko.



And someone up there killed Eve in one shoot of bullet on her head.



Iyon ang araw-araw kung bangungot simula ng bumalik ako dito sa America. Pinagpapawisan ako ng malamig at nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi. "OMG... That nightmare again..." Kumuha ako ng alak sa ref at mabilis itong nilagok na parang tubig para lang makatulog. Umiyak ako pagbalik ko sa loob ng kuwarto at sinulyapan ang larawan ng aking mag-ama.



"I miss you, baby..."


"I miss you Lee..." Sabay halik sa picture frame.


"Sav, you can go back anytime you want. You don't have life here. You life is there with Lee and Leeah. Go now!" Payo ni Tita.


"If you still need some thinking then stay but don't burden yourself and don't lock yourself up in your room. Better go out and breath some fresh air." Sabi ni Jonathan.



Later I decided to pursue on advance studies in Ballistics kaya I grab the opportunity to take a course para malibang ako. Tinawagan ko si Mama at Papa. Tuwang tuwa silang makausap ko pero sinabi kong ilihim na lang muna. Tinanong kung kailan ako babalik. Sabi ko , pag natapos ako sa pag-aaral. Galingan ko daw. Ibabalita daw niya iyon kay Kuya Ice.



Madami silang kuwento tungkol kay Leeah. Mas naging close ang mag-ama. Minsan nakita nilang nag-iiyakan dahil nagmamaktol si Leeah. Bakit daw kasi wala silang picture na magkakasama? Kailangan daw niya iyon sa school. Hahaha, mayroon naman kaya lang hindi ko na naipa-developed. Hindi ko naisip na isang araw ay kakailanganin din pala niya iyon.



Madalas silang mag-swimming tuwing weekend, lumalabas para kumain at nitong bakasyon ay nagyaya ulit si Leeah na mamasyal sa Hongkong. Kasama na daw sina Mama at Papa.



Napabuntunghininga ako. Slowly, I am going out of my shell again. Matapos kong maging matapang, binalot ng takot ang buo kong pagkatao matapos kung masaksihan ang isang napakalagim na trahedya sa aming pamilya at pati anak ko ay nadamay.



Mabuti na rin sigurong lumayo muna ako sa kanila at least malayo din sila sa gulo.


THE SERIAL KILLER: EPILOGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon