EVE'S RAGE
Hindi ko alam kung hanggang saan ang sukdulan ng aking galit ngayon. Buong buhay ko ay ginugul ko sa isang relasyong sa tubig ay hindi kayang isulat. Buung buo kong pag-aari si Kai pero ni minsan ay hindi naging akin ang puso niya.
Masyado akong nalinlang ng aking puso. Akala ko pa naman, ito ang makakapagturo sa akin kung ano ang totoo ngunit lalo niya akong isinadlak sa kalungkutan at matinding pag-aalinlangan. Nasaan ang ligaya? Bakit hindi ko na laam ang totoo sa hindi? Bakit ako nabubulagan ng ganito kay Kai? Wala na ba talaga akong kasiyahan? Hindi na ba ako marunong makuntento?
Bakit hanggang ngayon? Sino si Ava para pagtuunan niya ng ganoong pansin? Bakit si Lee ay nagkakandarapa sa babaeng iyon? Porke ba't anak niya si Leeah. Sapat na bang dahilan ang anak na ipinaampon niya upang magkaroon sila ng kaugnayan at mahumaling ng ganito.
Napakapalad na babae. Ang kanyang hitsura ay nakakainggit upang magkandarapa ang mga lalaki sa kanya. Si Lee , si Kai... mabuti nga't namatay pa ang isa, si PO1 Simeon Carlo Espiritu...
Hindi ko mapapalampas ang mga ligaw –tingin ni Kai. May kalalagyan si Ava. Maghintay ka lang... Iisa-isahin ko rin kayo at sisiguraduhin kong ako pa rin ang magwawagi, Ava.

BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Mystery / Thriller"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...