AVA'S POV
Sumandal ako sa malambot na upuan ng eroplano. Sa kabutihang palad, si Ms. Hongkong Flight Attendant na naman ang nakita ko. Luminga siya sa paligid at hinanap ang aking mga kasama. Sorry siya, wala ang talagang pakay niya. Wala si Lee .
"Yes..."
"Hi there. We see each other again."
"Yeah, I know who you are looking for. Kaya lang , sorry ka kasi hindi ko siya kasama. I am alone in this trip."
"Well, enjoy your trip." Nginitian niya ako. Pumikit ako kasama noon sana ay makatulog ako pero hindi rin iyon nangyari kaya umorder ako ng alak.
Siya na naman ang nag-serve sa akin. Business class ang kinuha kong trip kasi ayokong makipagsiksikan sa ibang pasahero.
This is so.... how will I describe it. Ayokong mag-emote dito ngayon. Ito ang pinili kaya dapat kong panindigan ang anumang desisyong ginawa ko.
FLASHBACK
"Sav, are you sure of what you are doing? This is crazy, Honey. Why did you have to leave him?"
"Have I really gone crazy? I don't know what to think."
"Make up your mind. You've been hurt before and stop hurting yourself. Love yourself. Forgive yourself."
Iyon ang huling usapan namin ni Tita Sacha Lewis, kapatid siya ni Mama. Canadian citizen si Tito Jonathan Osborne. Sila ang adopted parents ko. Wala kasi silang anak kaya ng sumulpot akong bigla sa pintuan nila, halos himatayin sa takot si Tita Sacha.
"OMG, who are you?"
"TIta Sacha si Danica po ito." Sinipat niyang mabuti ang aking mukha. Tinitigan ang aking mga mata saka siya umiyak ng umiyak sa sobrang habag ng makita ako. Buhay na buhay ngunit halos hindi makilala dahil sa tinamo kung saksak sa katawan. Naghilom ngunit hindi ang kabiguan at kamatayan ng mga mahal ko sa buhay kaya tuluyan ko na ring pinatay si Danica Mayers and Savana Lewis Orborne is born.
Ang daming nangyari. Nakapagtapos din ako ng pag-aaral at the same time ay nakita ko si Leeah hanggang sa makilala ako ni Mama Lemuela. Napakagaling niyang manubok. Nahuli niya ako . Nakilala niya ako bilang si Danica sa kabila ng malaking pagbabago sa aking mukha bilang si Ava. Ang mata at ang aking boses ang hindi nagbago sa akin. Hindi namin nadugtungan ni Lee ang aming love sotry dahil nagpakasal siya kay Eve. Doon mas naging masalimuot ang aming mga buhay-buhay. Hindi namin napigilan ang bugso ng aming damdamin. Sinunod namin ang makamundong pagnanasa at ipinagpatuloy ang isang bawal na pag-ibig sa pagitan naming dalawa. Sino ang makakaiwas? Sino ang hindi papayag sa mga pangyayari? Mahal ko si Lee. Siya lang ang lalaking minahal ko. Hiwalay na siya noon kay Eve. Sinamantala namin ang pagkakataon.
Pero nanaig ang aking konsensiya, sinikap kong iwasan ang tukso kahit ilang beses din akong nagpaubaya kay Lee. Nawala ang phobia ko sa pakikitalik dala na rin ng marahas na pagkakagahasa sa akin dahil sa paulit-ulit naming pagkikita. Saksi ang bahay na iyon sa mga gabing nagpaparaos kami sa iba't ibang bahagi ng bahay, kung saan kami abutan at kung saan namin magustuhan.
Nagsimulang malagay ako sa kapahamakan ng may magtangka sa aking buhay. Hanggang sa may madamay; sina Simeon at Lee. Si Simeon na nangakong mamahalin ako at tatanggapin ang malaking sikreto ng aking pagkatao at si Lee na nagpupumilit na ibigay sa akin ang bukas kahit malabo ng mangyari. Ngunit ang lahat ay hindi inaadya ng pagkakataon, maging ng aming tadhana. Dumating ang isa pang malagim na trahedya ng aking buhay ng muling pagbantaan ang aking buhay sa mismong araw ng kasal ko. Namatay si Simeon at nasaktan si Lee.
Nasa serbisyo na ako at kasalukuyang hinahanap ang gumagalang serial killer. Napagkamalan akong serial killer at nalagay ako sa alanganin. Nakagawa ako ng paraan na mahuli sana kung sino ang gaya-gayang iyon sa pamamagitan ng isang tracking device ngunit kinidnap si Leeah. Anggaling ng tyiempo pero nagkataon lang talaga ang lahat.
Nalagay sa binggit ng kamatayan si Lee at nagsisi ako sa mga pangyayari. Kapag may nangyari sa kanya at hindi siya gumising, malaki ang pagsisisihan ko. Dahil sa pagkakakidnap na iyon ni Leeah, binalewala ko siya. Mahalaga na maibalik lang sa akin si Leeah.
Ako ang unang naka-recover sa trade na nangyari. Pareho kaming isinugod sa ospital ngunit hindi pa rin gumigising si Lee.
Nang malaman kong okay na siya saka ako nagmadaling umalis na ng bansa dahil ayokong makita pa siya. Baka magbago pa ang isip ko at hindi ko na maisip bumalik ng Canada. Ipinangako ko na gumising lang si Lee at magpapakalayu-layo na ako kaya ito ang ginagawa ko ngayon. Sinalubong ako ni Tita Sacha at Jonathan sa terminal ng airport.
"Wow! You are really blooming, Sav..."
"As usual... Whew and I am back to life."
"Really! That's great."
Umuwi na kami sa bahay. Tahimik lang ako sa backseat. Umidlip para hindi niya ako usisain. Pag-uwi ng bahay hindi na rin ako kinausap ng pumasok ako sa dati kong kuwarto. Ibinagsak ko ang aking katawan at hinayaang makatulog ng walang masyadong inaalala. Kusa akong gumising at naghanap ng makakain.
"Are you sure you are okay now?" Tanong ni Tita habang sumusubo ako ng pagkain at kumukuha siya ng tubig sa ref. Nasa sala si Jonathan at nanunood ng tv.
"I'd be okay and that's for sure...Away from all complicated things and all hassles in life."
"Being okay is different from being fine, Sav..." Alam kong hindi niya ako titigilan kasi hindi siya kumbinsido na okay lang ako sa pagbabalik ko. Alam kasi niya na sina Lee at Leeah ang kaligayahan ko pero bakit itinatapon ko na lang ng ganoon na lang sa isang iglap kung kailan okay na at wala ng problema.
Natatakot lang akong harapin ang katotohanan na ang panahon para lumigaya ay now na. Paano kung hindi pa rin pala at sa bandang huli hindi na pala kami liligaya?
I am being negative on this because I fear a lot of things.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Misteri / Thriller"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...