LEMUELA'S POV
Halos isang taon din ng mawalan kami ng komunikasyon kay Ava. Hindi siya nagparamdam sa amin hanggang sa matanggap namin ang overseas call niya. Pinayuhan ko siya na huwag aksayahin ang kanyang panahon habang nasa America. Nag-aral siya ng Forensic Studies tulad ng kinuha ko. Nakapasok siya sa USFB for Forensic Advancement.
Babalik daw siya para magturo. Mabuti naman at nakapagpasya na siyang bumalik. Miss na miss na siya ni Leeah at ni Lee. Madalas kong makausap si Lee. Balik sa dati, para siyang binata at sa bahay lang lagi.
"Mama, doon na lang po ako sa dati kong inupahan titira."
"Bakit hindi ka pa dito sa mansion tumira?"
"Mama naman..."
"Anak, matagal ka nang hinihintay ni Lee...Hanggang ngayon ba naman eh tinitikis mo pa rin siya." Hindi na iimik si Ava pero hindi naman niya ako bababaan ng telepono. Iibahin nga lang niya ang usapan. Alam ko namang mahal na mahal niya si Lee. At sa tingin ko ay wala ng hadlang para ituloy angk nailing naudlot na kasal. Wala nang pipigil sa kanila sa pagkakataong ito.
JAZZY'S POV
Masayang masaya ako ng muling magpasya si Ava na umuwi sa Piliipinas. Mas masaya ako para kay Kuya. Pero ayaw magpakita sa kanya ni Ava. Hindi ko alam kung ano na naman ang drama nilang dalawa.
"Uy , Friend... Tatanggapin mo na ba ulit si Kuya?"
"Jazzy, ano ka ba?"
"Sus, kunwari ka pa? Umoo ka na kay Kuya. Tumatanda na siya. Biyudo na nga eh, ano pang hinihintay mo? Baka maunahan ka ng iba?"
"Okay lang..." Kunwari pa sa sagot niya. Sarap niyang sabunutan.
Gusto ko na ring mag-asawa si Kuya. Angdami na nilang napagdaanan. Marami na silang pagsubok na napagtagumpayan at sinubok talaga sila ng panahon kung sino ang unang susuko. Wala namang sumuko. Feeling ko, napagod lang si Ava at gusto lang magpahinga.
"Mahal mo pa si Kuya di ba?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"Jazzy, will you drop the subject please..."
"Bakit ba kapag si Kuya na ang pag-uusapan, ganyan ka?"
"There are lots of interesting topics to talk about..."
"At si Kuya , hindi?"
"Hindi naman ako tumawag sa'yo para kumustahin ang kuya mo ah. Bakit ba kayo ganyan? Alam mo namang hindi ako gumagamit ng ibang tao kung interesado ako sa isang bagay di ba?"
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Mystery / Thriller"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...