VALERIE'S POV
Dati akong tindera sa panaderya sa kanto ng San Roque kaya lang masyadong masungit ang Intsik na amok o. Ni halos hindi ako bigyan ng day-off tapos bastos pa. Sobra-sobra pa sa otso oras ang pasok ko. Madaling araw pa lang gusto niyang pumasok na ako kasi blockbuster ang malunggay pandesal niya tapos kapag inantok ako ng bandang alas nuwebe dahil wala namang kostumer eh galit pa siya.
May pagkabastos din ang amo kong iyon. Sinisimplehan niya akong hipuan. Minsan, tinapik niya ang aking pigi. Pinapagpag lang daw niya dahil may puting harina daw akong naupuan. Okay, nagmamagandang loob lang, maliit na bagay. Matanda na siya at hindi naman ako malisyosa. Para ko na siyang lolo at tinuruan naman akong gumalang sa matatanda. Minsan naman, halos malapit ang mukha niya kapag kausap ako. Natatakot ako dahil baka niya ako halikan. Minsan, nabuksan niya ang banyo habang umiihi ako. Ang maraming pagkakataon na iyon ay nagdala sa akin sa kapahamakan.
Isang madaling araw, naghihintay ako ng bibili ng pandesal. Nakatayo ako sa eskaparateng gawa sa salamin. Akala ko dadaan lang siya pero ramdam ko ang matigas na bagay na bumunggo sa puwetan ko. Nandoon ang matanda at ikinikiskis niya ang kanyang hinaharap sa aking leggings. Nahintakutan ako ng bigla niya akong hilahin sa loob.
"Sssshhhh! Ako bahala sa iyo, Valerie. Gusto ko lang makaano...Sige na. Bikyan kita pela...Mak-kano gusto mo? Bayad kita!" At ngumuso siya. Napasigaw ako sa takot. Dinaklot niya ang aking dibdib. Buwisit! Naka-tsansing pa siya. manyak na matanda. Sa halip na aminin ang ginawa niyang pangmomolestya, pinagbintangan niya akong nangungupit sa kanyang bakery. Pero sabi niya, umalis na lang ako at hindi na siya magdedemanda. Mabuti naman. Hindi ako magtitiis sa kanyang panaderya kung may manyak na tulad niya.
Nagtiyaga ako sa pagtitinda ng sampaguita hanggang hatinggabi.
Nakaligtas ako sa manyak kong amo sa panaderya pero mas madami pa palang bastos na pagala-gala at naka-motor pa sa kalsada. Ilang beses din akong nakaligtas ngunit hindi na ako nakaligtas sa ikatlong pagkakataon.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Misteri / Thriller"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...