WILD FANTASY

114 2 0
                                    

AVA'S POV



Madaling araw akong naalimpungatan. Madilim ang paligid pero nasa loob na ako ng kuwarto. Sa pagkakatanda ko ay nag-iinuman pa kami nina Jazzy sa likod-bahay. Umakyat lang ako para sana magpalit ng damit dahil uuwi na ako. Magpapaalam ako kay Leeah pero nagulat ako dahil nakahiga ako sa kama.



Wala sa loob ko ang pagpasok sa kuwartong iyon. Umakyat ako sa pamilyar na hagdan at pumasok sa kuwarto ni Lee dahil alam kong doon natutulog si Leeah. Ni hindi ko binuksan ang ilaw kasi maiistorbo ko ang aking anak. Inihagis ko ang aking boots sa sahig pati ang gloves. Tinanggal ko ang aking robe at ang hawak-hawak kong tuwalya na nakapulupot pa sa aking basang buhok. Gusto ko na ring humiga sa antok dahil sa alak . Magpapalit na sana ako ng black driving suit para umuwi ngunit naengganyo akong humiga sa malambot na kama katabi ang aking anak.



Bigla kong naalala si Lee kanina. Mas gumanda ang kanyang katawan. Pumogi siya sa panangin ko. At nabuhay muli ang aking pagnanasa. Ah, gusto ko siyang maano ngayong gabi. Hahaha, bakit ko ba biglang naisip na naka-score kahit isang round? Lasing lang yata talaga ako.



Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa dilim. Iba pala ang iniisip ko sa gusto kong gawin kaya hayun tuluyan kong hinubad ang aking damit. Wala akong kamalay-malay sa mga pangyayari at kung ano ang ginawa ko. Hanggang sa ako din ang nahimasmasan. Nakahiga ako sa bisig niya. Nakasubsob ang aking ulo sa kanyang leeg. magkadikit ang aming hubad na katawan. Bakit ba ako hubad? Tumayo ako para mag-CR. Binuksan ko ang ilaw sa loob ng banyo, doon ko naaninag ang katawan ng matipunong lalaki na natatakpan lang ng kumot ang gitnang bahagi ng kanyang katawan. Nakatihaya siya at nataranta akong bigla sa aking nakita.



"OMG! What did I do?" Not again... Stupid girl, why would I drink and then suddenly just barge in and intrude into someone's room. Nagmadali akong nagbihis ng damit. Ayokong magising si Lee na ganito ang hitsura ko. Kinapa ko lahat ng suot ko sa dilim. Nakakalat pa iyon sa carpetted na sahig. Dahan-dahan kong hinila ang aking bra na nasa ilalim ng kanyang braso. Walang ingay kung inilapat ang pinto at napabuntung hininga ako. Kulang ko na lang iuntog ang ulo ko sa pinto sa sobrang katangahan ko at halos patakbo akong bumaba sa hagdan.


"Uy, Ava... Saan ang punta mo?" Hawak ko ang aking boots at gloves. Itinataas ko pa ang front zipper ng aking damit habang pababa ako ng hagdan. Halatang halata na may milagro akong tinatakasan.


"Mama, sorry. Mali na naman yata ang kuwartong pinasukan ko." Hindi na ako tumanggi.


"Anong oras kayong natapos ni Jazzy?" Hindi ko alam kung anong oras na iyon.


"Sorry po talaga!" Napapikit ako sa sobrang hiya.


"Doon ka na sa master's bedroom."



Kinabukasan, maaga akong gumising kahit masakit ang ulo ko dahil sa hang-over. Nagmadali akong kumain dahil late na ako sa klase ko sa academy. Iniiwasan kong makita si Lee pero naabutan pa rin ako ni ya ako dahil kasabay kong kumain si Leeah. Naupo siya sa tapat ko.



"Where did you sleep ,Mommy?' Dinig niyang tanog ni Leeah. Kanina pa kaming kumakain pero bakit kung kailan nandito ang ama ay saka niya ito tinanong. Hindi ako makaimik.


"Why don't you just eat?" Sabi ko pa. Patay-malisya sa sinabi niya.


"Mama, kailangan ko palang kausapin si Atty. Vitangcol." Si Atty. Vitangcol? Yung abogado nila? Bakit?


"Huh , bakit?" Tanong ni Mama. Pababa na rin si Jazzy at nagmamadali habang inaayos ang kanyang uniporme.


"Itutuloy ko na po ang pagsasampa ng kaso for TRESPASSING resulting to damage of purity and dignity at sexual harassment. " Nasamid si Mama sa sinabi ni Lee. Nanlaki ang mga mata ko. May ginawa ba akong....


"Kuya, kung si Ava din lang naman ang humalay sa iyo dahil mali na naman ang kuwartong pinasok niya, sana ay ikinulong mo na lang siya at pinosasan para hindi na makatakas. Dapat sa kanya, magtanda na bawal pumasok sa kuwarto ng may kuwarto." Banat ni Jazzy habang kumakain ng hotdog.


"JAZZY!"


"Iinom – inom tapos gagawing dahilan na hindi alam ang ginagawa. Matindi 'yan. Delikado 'yan."


"Tama ka. Bakit ba hindi ko naisip 'yan kagabi? In fairness, hindi nagbago ang init niya sa kama." At hindi na ako nakapagpigil sa usapan nilang dalawa. Pinagkakaisahan ako ng magkapatid.


"Bakit sinasadya ko ba?" Pumiyok kaagad ako. "Anong damage ang sinasabi mo? Siraulo!" May na-damage ba sa pagkalalaki niya? Wala talaga sa ayos...


"Mommy, you should not say SIRAULO. That's bad. Say sorry to Daddy. Did you sleep here? "Tanong nanaman ni Leeah. "Did you sleep with me or with daddy? " Mas nakakagulat ang tanong niya. Pero wala naman siyang ibig sabihin doon. Wala siyang kaalam-alam sa ginawa ko.


"Hayan kasi, salita ng salita ng kung anu-ano ng di man lang iniisip kung sino ang makakarinig. " Tatayo na ako para makauwi sa bahay.


"Sister- in –law na hilaw... you need to think about it. May nangyari na naman ba? " Tanong ni Jazzy.


"Jazzy naman eh!" Aalis na si Jazzy at aalis na rin sana ako.


"Why don't you sit down and finish your food? Hindi ka pa rin nagbabago. Tatakasan mo na naman ako. Upo! At kumain ka...Ihahatid kita" Siya ang tumayo at humalik sa labi ko. Matagal at napapikit ko. " I know, ikaw nga ang magaling na pumasok sa kuwarto ko. I miss you, Ava." Kilig na kilig si Leeah.


"Dad, can I come with Mommy?"


"You can't go to the precinct." Akala niya yata ay babalik ako sa serbisyo. Pagkatapos kumain ay inihatid ko silang dalawa sa garahe.


"Ava, ihahatid kita."


"NO, thank you. Go to work and I'll go my way."


"Masyado ka na namang mailap. Hanggang kailan mo ako iiwasan. Madami kang dapat ipaliwanag sa akin pero hindi na kita uusisain dahil ang nangyari kagabi ay sapat na para sa lahat ng pagkukulang mo. I love you , Ava."



What the hell is he talking about?



Tumawag na lang ako sa academy at humingi ng paumanhin sa pagliban sa unang araw ng klase ko. Sinabi kong bigyan na lang silan ng research tungkol sa Ballistics and I'll make it up with them pagpasok ko. Absent ako sa unang araw ko sa klase. Ipinagamit sa akin ni Papa ang Mercedez Benz. Umuwi ako ng bahay. Hindi ako nagpahatid kay Lee.


THE SERIAL KILLER: EPILOGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon