ENFIN

288 5 4
                                    

Naging masaya ang mag-asawang Lee at Ava. Nabuntis kaagad si Ava dahil may nangyari sa kanila ng di sinasadyang mapasok niya ang kuwarto ng binata. Hindi iyon pinalampas ni Lee. Hindi na muna niya pinagturo si Ava. Hindi na sila pinaalis sa mansion. Ngunit mas madalas sila sa dating tirahan ni Ava. Hindi na niya pinabili pa ng bahay si Lee na titirhan nilang mag-anak. Ang bahay na iyon ay sapat na sa kanilang magiging mga anak. Ipina-renovate na lang nila ito upang dagdagan pa ang mga kuwarto.


 

Lalaki ang kanilang pangalawang anak, Levi ang kanyang pangalan. Ang pangalan na magtatakda bilang siyang kauna-unahang pari sa pamilya ng mga Lorenzo sa takdang panahon.



Si Leeah naman ay sumunod sa yapak ni Lee bilang instructor at isa ding athlete sa larangan ng swimming.



Tuluyang hindi na nakabalik sa serbisyo si Ava. Hindi na siya pinabalik ni Lee sa academy para magturo. Hindi napanatag ang kanyang kalooban habang hindi nakaka-graduate si Dorothy. May mga pagkakataong nagtatalo sila, nagseselos pagkaminsan ngunit bago humiga sa kama ay bati na ulit. Nagtatawanan sa kanilang mga kalokohan.



"Ava, mahal na mahal kita." Sabay halik ng asawa.


"Lee..." Yumakap din si Ava.


"Hmm, bakit?" Tumingin ang lalaki. Nakikiramdam sa babae.


"Buntis ako..."


"Ha! Sino ang ama?"


"Hay, ano ba kasi... Buntis na naman ako..." Masayang hinalikan ni Lee si Ava.


"Mas masaya kapag marami tayo..."


"Hanggang dito na lang ba ako sa bahay para mag-alaga ng bata."


"Ano bang mag-alaga ng bata eh? Anong ginagawa ng katulong natin?"


"Lee...."


"Honey, I am happy to spend the rest of my life with you. Happy ka ba?"


"Yes, I am always happy with you..."


"Halika...Ssshhhh! Huwag kang maingay. Gift 'yan sa atin ni God. Angsaya-saya ko naman." Nagtalukbong ang dalawa at nagkulitan sa ilalim ng kumot. Well, the rest is just another story. Let's leave them now.



NOTE:


If this story will continue next updating.... find the story " THE BADBOYZ"

THE BADBOYZ will tell you the whereabouts of the EXO GANG...And how the badboys came to be. It will not be just a simple story. It will depict the story of each family and how they raise there kids differently since all of there parents and even these kids came from the most influential, most prominent and powerful families in town during there time.

Bad ba talaga sila o dahil iyon ang bansag sa kanila ng mundong kanilang kinagagalawan?

SALAMAT SA PAGBABASA AT PAGHIHINTAY NG UPDATES NG SERIAL KILLER....

HANGGANG SA MULI....

THE SERIAL KILLER: EPILOGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon