MIRA AND MIKE

108 4 0
                                    

Matagal ding hindi nabanggit sina Mira at Mike matapos nilang ikasal. Naging maselan ang kondisyon ng pagbubuntis ni Mira kaya nagleave muna siya sa serbisyo at babalik sana pagkatapos niyang manganak. Natapos ng med School si Mira kaya nagtayo siya ng sariling clinic dahil lisensiyado din naman siya. Pero all is so abrupt. After niyang manganak ay nagkaroon ng mild depression si Mira. Naging malulungkutin kasi ang babae habang siya ay nagbubuntis. Madami siyang inaalala.



"Mira, nag-iisip ka na naman..."


"BIgla ko lang naalala si Danica." Napayuko si Mike.



Akala niya ay simpleng kalungkutan lang ang dumapo sa kanyang asawa pero hindi niya inaasahan ang ilang pang pagkakataon na nakakaduda ang mga ikinilos ni Mira.



"NOOOOOO....." Para lang siyang nagdi-daydream. Hindi malaman ni Mike ang gagawin. Bigla na lang daw itong nagsisisigaw sa takot. Pati si Mike ay natakot din.



Nasundan pa iyon ng isang umaga ay dinig na dinig niyang umiiyak ang sanggol hanggang sa bigla na lang itong nanahimik. Sinilip ni Mike ang kanilang kuwarto ngunit laking gulat niya ng makitang tinatakpan ni Mira ng unan ang mukha ng bata.



"Mira, anong ginagawa mo sa bata?" Naitulak niya si Mira.


"Nakakainis eh! Ang ingay –ingay... nabibingi akooo!" At tinakpan ang tenga nito. Kung hindi niya naagapan ang bata ay tiyak na pinaglalamayan na rin ito. Minsan ay iyak naman ito ng iyak ng walang dahilan kaya ipinatingin na niya ito sa espesyalista. Doon nalaman na may Post-partum syndrome si Mira. Kailangan niyang maipagamot sa isang ospital.


"Madami bang inaalala si Ma'am noong nagbubuntis siya?" Tanong ni Dra. Mendiola.


"Madalas siyang naging malulungkutin." Sabi lang ni Mike pero wala siyang naiisip na dahilan para mag-alala ng ganoon si Mira. Alam niyang masaya siya sa ipinagbubuntis niya. Pero huli na ng maalala niya ang isang sikretong itinatago nila ni Mira kumbakit mas naging malapit sila sa isa't isa.



Hindi naman talaga napapansin ni Mira si Mike. Si Mike lang ang iinteresado sa dalaga kaya lantaran niyang ipinapakita ang kanyang pagkagusto sa dalaga. Kahit ilang beses niyang suyuin si Mira at palagi pa rin itong nakabuntot kay Lee hanggang sa mangyari ang hindi inaasahang bagay sa mismong pinangyarihan ng massacre sa pamilya ng mga Mayers.



Sa paglipas ng mga buwan at taon ay nakalimutan at natabunan na ang kasong iyon. Nadismiss dahil sa kakulangan ng ebidensiya. Nawala din ang ilang piraso ng mahahalagang ebidensiya na magtuturo sa mga suspect. Maging ang recorded CCTV footages sa loob at labas ng bahay ng mga Mayers ay pinaniniwalaang sinabotahe.



Kahit anong pilit na i-follow up nina Gaspar at Ivan kasama ni Lee ay lalong naging mailap ang pag-asang maidiin ang tunay na salarin.

THE SERIAL KILLER: EPILOGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon