VALERIE'S POV
Pinakisamahan ko na maayos si DO dahil naging mabait siya sa akin at pinakasalan niya ako. Nagbubuhay reyna ako sa condominium. Mayroon kaming katulong na aasikaso sa akin kapag wala siya. Minsan, nagpaalam ako kay DO na dadalawin si Nanay. Pumayag naman siya basta't kasama ko daw ang kasambahay. Dumaan muna kami sa supermarket para makapagdala ako ng grocery story kina Nanay.
"Kilala mo ba talaga ang lalaking sinamahan mo?" Tanong ni Nanay.
"Nanay..."
"Tingnan mo ang diyaryong ito." Ipinakita sa akin ang lumang lumang diyaryo tungkol sa massacre.
"Nanay, nakakatakot naman po ito."
"Hindi ko alam kung paano mo siya nakilala at biglang bigla na lang , nawala ka at isang araw ay nagpakita at asawa mo na siya. Ano ang totoo?"
"Nanay, kinidnap ako ni DO...May nangyari sa amin pero hindi nalalayo sa nangyari sa babae ang nangyari sa akin. Binaboy ako ng mga kasamahan niya ngunit babangon ako at iisa-isahin ko sila. "
"Paano ang asawa mo?"
"Nanay, mabait siya sa akin. Lahat ng luho... kung luho mang maituturing ang lahat ng ito ay ibinigay niya sa akin pero may kapalit po iyon. Ang buong magdamag ko sa tabi niya aay sapat na para mapaligaya siya sa paraang gusto niya. Mahirap din ang kalagayan ko. "
"Ligtas ka ba?"
"Hindi po ako sigurado kung hanggang kailan ako magiging ligtas? Talamak ang droga sa siyudad... Doon lulong ang asawa ko..."
"Anak, hindi mo ba siya puwedeng iwan..."
"Nanay , may gusto pa po akong marating sa buhay. Pinag-aaral niya ako ngayon. Gagalingan ko po para makapagtapos ako. Gusto ko ng umahon sa kahirapan. Ayoko pong pakawalan ang oportunidad na ito. "
"Baka gusto mong dalawin si Miss Ava. Miss na miss ka na niya."
OO nagbakasakali ako na puntahan siya ng gabing iyon. Hiniram ko kay Nanay ang susi. Pinuntahan ko ang kanyang bahay. Nakapasok naman ako. Tahimik ang loob ng buong kabahayan. Inikot ko ang aking tingin. Kung hindi ako tinutulungan ni Miss Ava, hindi ko siay makikilala. Hindi ko rin makikilala si Sir Lee. At hindi ako mangangarap makatagpo ng lalaking tulad niya. Pero idol ko si Miss Ava. Estudyante siya ng Police Academy. At hindi ko itatanggi na nakita ko sa loob ng kanyang kuwarto ang isang kahon na naglalaman ng isang magandang baril. Hindi ko alam kung anong klaseng baril iyon. Dahil marunong kaong mag-internet , doon ko nalaman na 45 pistol pala ang tawag doon.
Maganda ang loob ng bahay na iyon pero syiempre mas maganda ang kalagayan ko ngayon sa condominium. Hindi lang maganda, mataas pa ang aking kinalalagyan... kasing taas ng palapag kung saan matatagpuan ang unit namin ni DO.
BINABASA MO ANG
THE SERIAL KILLER: EPILOGUE
Mystery / Thriller"Ipinikit ko ang aking mga mata at harinawa, sa lugar na pupuntahan ko ay makapanibagong buhay din ako. Bagong lugar, bagong bahay, bagong buhay... Dito nga kaya ang buhay para sa akin... Ang paglayo sa isang buhay na may happy ending o buhay na pu...