Oo.
Napakamot nalang ako sa Ulo ko,tsaka Sinara ang libro sa Algebra para kasing walang nagsisink-in sa Braincells ko na sagot,parang natatangay ng hangin.
Pinanood ko nalang ang mga Estudyanteng asa Gymnasium ng University may mga Activity kasi silang Ginagawa,at saktong wala kaming klase mamayang hapon kaya ito ako,nakaupo at tumambay sa isa sa nga bench na nakapalibot,mas peaceful kasi dito mabilis makapagisip.
Kaso nga lang wala akong maisip na sagot.
Nakakapanibago nga't dati pag vacant time namin noong gradeschool e. Naghahabulan kami sa mga court at sa field ng School.Gusto ko pa sanang ganun,kaso nakakahiya na,lalo na't asa Highschool na ako.
Although mas magandang maghabulan at Magtaguan.
Nilibot ko ang paningin ko sa mga taong Naglalakat at nakita ko si Peter,kausap niya yung pinsan niyang si Ashryle.
Hindi ko alam pero hindi ko maialis ang titig ko sakanya,His wearing his uniform pero para siyang modelong rarampa,Damn! his so hot and sizzling.
Pumangalumbaba ako at pinagpatuloy ang panunuod sa kanya,hindi ko alam ang pinaguusapan nila ng pinsan niya dahil medyo malayo sila,pero mababaksan ko ang kaseryosohan niya.
Pinakatitigan ko ang Kabuuan niya,Magulo ang buhok at may nakasabit na gitara sa likod,Nakita ko rin kung paano siya makipagusap.
Tinaggal niya ang gitarang nakasabit at kinagat ang dulo ng Isang itim na jacket habang nagsasalita,napanganga ako sa ginawa niya,mabilis niyang sinuot ang Varsity jacket bago pinulot at Pinadausdos ang leash ng gitara sa kanyang katawan.
Damn that moves!,at ayun nanaman ang pagtunog ng gong ng puso ko,gosh!,Only this Monteverde can make me feel this weak.
Pinaglaruan ko nalang ang ballpen na hawak ko habang binabantayan pa din ang bawat galaw niya.
"Hi!."-napatigil ako sa paglaro ng ballpen at napa-angat ng tingin,tumambad sakin ang Tatlong lalaki Pare-pareho silang Seniors,Nakita kong parang tinutulak nila yung nasa gitna kaya naman nangunot ang noo ko.
"Yes?,may problema po ba?"-tanong ko na agad habang nakatingin sakanilang tatlo.
Nakita kong napakamot sa ulo yung may hawak ng rosas,rinig ko pa ang pagkakantsaw ng mga kasamahan niya na lumapit at Ibigay na daw ang rosas.
Napatingin ako sa likod ko,wala namang tao,maski sa gilid tanging mga busy na estudyante,at naglalakad na mga Student Council lang ang nakita ko.
"R-roses for you Eleah."
Sabay lahad niya ng Isang kulay dugong Rosas,biglang nagliwanag ang mukha ko at kumislap ang mga mata.
Napatayo ako at Inabot agad ang rosas at nilanghap.
"Talaga?,Salamat po mga kuya."-paghingi ko ng salamat tsaka Inamoy amoy pa ang fresh na Rosas,Matagal na rin simula nung may nagbigay sakin ng bulaklak,Sa pagkaka-alala ko nung Graduation ko at nung Last year,noong Valentines.
Madalas kasi akong nakakatanggap ng Bulaklak noong elementary ako,kadalasan kada Valentines,o kaya pag may nantrip na mamigay.
"May g-gagawin ka ba sa s-sa sabado?"
Nakita ko ang pagyuko niya matapos niyang sabihin yun.
"Wala naman,bakit?"-kunot noong tanong ko sakanya.
Nakita ko ang pag-angat niya ng tingin sakin.
"Pwede bang mayaya kita na lumabas?"-namumulang sabi niya at hindi makatingin ng deretso sakin.
YOU ARE READING
Cold Blooded
General FictionSiya si Eleah Amira Denise Parilia,She Loves Peter Monteverde More than she love herself,para sakanya lahat kaya niyang gawin makuha lang ang atensyon ni Peter,sumayaw sa gitna ng daan habang umuulan,gumulong sa bangin o kahit akyatin ang bakod na d...